It was 15 years ago... My first love."Tanggapin mo ito, Romeo." sabi niya sa akin at nilagay niya ng band-aid ang daliri ko.
"Salamat, eh..... eh......"
A-Ano ba ulit ang pangalan niya?
"Ano ba 'yan, Romeo. Nakalimutan mo na ba ang pangalan ko?" tanong niya sa akin na merong ngiti. Hindi ko pa rin makita nang malinaw ang mukha niya.
"Paano ko naman makakalimutan ang pangalan mo?"
"Hmmm.... SINUNGALING!"
"WAAAAAAAAAAAHHHH!!!!!!!!!"
⳾*⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*⳾
Bigla na lang akong nagising dahil nakita ko si Sandy. Panaginip? Grabe naman... Bakit ba nandoon siya sa panaginip ko? Hayss...
Pagkatignan ko ng aking orasan, 9:30 A.M na pala. CRAP!!! NO!! NO!!!
Daling-dali akong bumihis ng aking susuotin at hinanda ko na ang aking mga gamit. Nakalimutan ko pala na meron akong klase ngayon at hindi ako nakapag-set ng alarm kagabi! Bumaba ako ng hagdanan at nakita ko bigla si Claudy na nagsisipilyo.
"Anong meron? Bakit nagmamadali ka ngayong umaga?" tanong niya sa akin.
"Meron akong klase ngayon! Shems! Male-late na ako!" kumuha ako ng isang piraso na tinapay bilang almusal ko. Wala na akong oras para kumain masyado eh.
"Oo nga pala, saang school ka pumupunta?"
"Evergreen Prep!"
Nakasalubong ko si Naomi sa may entrance gate at nalaman ko na late rin pala siya sa school niya. Sabay kaming tumakbong paalis ng hotel at sumakay kami ng train papunta sa main central. Isang oras ang byahe mula hotel hanggang sa tutor school ko.
Sa wakas at nakarating na rin ako! Tumakbo ako papasok ng classroom kahit late na ako. Sana wala pa rin yung teacher namin kahit sa ganitong oras.
"Good morning ma'am! Sorry for being late~~~!"
"WAH!"
May nakabangga akong babae na nakasalamin na pang dork nung binuksan ko ang pintuan.
"Pasensya na, nagmamadali kase ako. Okay ka lang ba?" tanong ko sa kaniya. Hindi siya sumagot at bigla na lang siya tumakbo paalis ng classroom. Ano kaya meron sa kaniya?
Hinanap ko ang upuan ko at nagpahinga muna ako roon. Wala pa naman yung teacher namin for second period at alam ko naman na hindi ako nakapasok ng first period dahil na-late ako ng gising.
"Magandang umaga, Romeo. Late ka na naman sa klase?" sabi sa akin ng isa kong kaklase habang inaalog niya ang ulo ko. Siya'y si Ed Buenfente. Same kami ng year nung una kaming pumasok dito sa prep school. Parehas kaming 2nd year pero inaamin ko na mas matalino siya kaysa sa akin kase nasa second rank siya sa klase namin.
"Sa tingin mo ba na papasa ka pa ba kahit naglalakwartsa ka?" asar sa akin ng isa kong kakilala sa school. Siya'y si Sean Castillo. 2nd year din siya sa prep school. Siya ay second rank sa klase namin. Hindi ko nga alam kung bakit siya nandito, eh.
"Sh-Shut up! May mga problema rin ako noh!"
"Naibalik na sa atin yung practice test nung last week. Nandito ka nga oh." tinuro ni Ed ang pangalan ko sa results ng practice test namin at ako ay nasa pinakailalim ng ranking. Second to the last ang ranking ko!
"Hindi kami makapaniwala na gusto mong pumasok sa Dhalia U na ganyang mga scores na ibibigay mo." asar nila sa akin at ako ay nakakaramdam ng pighati dahil hindi nag-iimprove ang grades ko. Curse you, guys!!!
BINABASA MO ANG
Love Under Carolyn's Dormitory
RomanceSince the time when Dhalia University was built a long time ago, a magical rumor was spread. If a couple gets into the university together, they will live happily ever after. However, for Romeo Mercado, Dhalia U is a distant dream. After failing to...