Makalipas ang isang linggo, noong ipinahayag ni Kalista sa lahat ng tenants sa dormitory na ibabalik niya ang lahat sa dati. Ang pinakasikat na hotel sa kanilang lugar, ang Carolyn's Hotel. Masayang-masaya ang mga tao dahil nagbalik na ang hotel sa dating reputasyon. Inutusan ni Kalista, ang bagong manager ng hotel, silang lahat para imbitahin ang mga tao, at sabihin ang magandang balita. Pero para sa mga tenants, nagsimula ang kanilang mga bangungot.
"Hindi ko na kaya! Ano bang iniisip ni Kalista?!?!" Nag-iinarte na naman si Claudia dahil sa kaniyang mga trabaho. Hindi lang siya naiinis, kundi siya ay napapagod na rin sa mga hirit ni Kalista.
"Kalimutan mo na iyon, Claudia. Si Kalista na ang bagong manager ng hotel. Hindi naman natin kayang magbayad ng renta so kailangang magtrabaho..." Sabi ni Sandy na parang optimistic pa siya.
Naiinis ang lahat dahil sa mga pinapagawa ni Kalista sa kanila, nagiging usap-usapan na sila ng buong bayan. Pati si Vanessa ay parang ayaw nang pumasok sa school.
"Kahit na. Hindi ko pa rin matatanggap na si Kalista ang bagong may-ari nito! Mas nagustuhan ko pa si Romeo kaysa sa kaniya!!!" Sigaw ni Brianna at itinanggal niya ang kaniyang servant hat. Nagmuka na siyang katulong, kahit na siya ang tagapagmana ng kanilang templo.
"Oo nga! Ang tigas din ng bungo niya!!" Sigaw ni Claudia na parang siya yung naging biktima.
"Narinig ko na 18 years old palang siya..." Sabi ni Vanessa.
"Ano?! 18?! Tsk! Palibhasa kase sobrang maganda pero suplada naman!"
Sa sobrang sigaw ni Claudia ay hindi nila alam na narinig din ni Kali iyon. Napadaan siya sa lounge room, at hindi nila alam na nakabukas ang pinto.
"Sorry... Kung masyado akong suplada at maganda..." Mahinhin na sabi ni Kalista at umupo siya sa kaniyang master's chair.
"Wa... Wah!! Anong ginagawa mo rito?!"
Nagtanong pa sila kung anong ginagawa niya. Siya ang bagong manager ng hotel kaya may right siya na maglakad sa loob nito. Gulat silang lahat nang marinig ni Kalista ang usapan nila.
"H-Hindi! Ang ibig kong sabihin, napakaganda ninyo po, Ma'am Kali kaya siguro maraming lalaki ang nagkakagusto sa inyo po." Biglang nanibago si Claudia at bumalik ang kaniyang pagiging sipsip.
"Don't care. By the way, isang linggo na lang bago magsimula ang opening ceremony. Kaya sasabihin ko na sa inyo kung ano ang mga gagawin ninyo." Kinuha ni Kalista ang papel mula sa kaniyang bulsa at tumayo siya sa harapan nila.
"Vanessa, ikaw bahala sa dining hall. Kailangan mong maghanda ng mga kakainin, maglinis ng dining hall, at maghugas ng pinggan. Sarah, ikaw ang magiging assistant niya." Mukhang ganoon din ang laging ginagawa ni Vanessa sa dormitory dati.
"Brianna, ikaw ang in-charge sa security. Claudia, ikaw bahala sa hotsprings. Maglinis ka roon para hind imaging madumi iyon sa paningin ng mga guests. Naomi, ikaw bahala sa heating and ventilation system. Tutal magaling ka namang technician, why not?"
"Umm... Ma'am... Ano po ba ang magiging trabaho ko?" Tanong ni Sandy nang pahiya.
"Ikaw ang magiging general maid. Asikasuhin mo ang lahat ng mga guests, sa makakaya mo."
"O-Ok..."
჻ღཾཿ༉ ༘჻ღཾཿ༉ ༘჻ღཾཿ༉ ༘჻ღཾཿ
Thus, nagsimula na ang malaking bangungot sa kanila. Magsimula tayo kay Vanessa. Hindi niya inaasahan na inutusan siya ni Kalista na maging in-charge sa laundry. Kahit na marami siyang lulutuin at inaasikasuhin sa dining hall, hindi niya maiwasan na mahilo dahil sa mga extra jobs sa pinapagawa sa kaniya ni Kalista.
![](https://img.wattpad.com/cover/257124932-288-k635809.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Under Carolyn's Dormitory
RomanceSince the time when Dhalia University was built a long time ago, a magical rumor was spread. If a couple gets into the university together, they will live happily ever after. However, for Romeo Mercado, Dhalia U is a distant dream. After failing to...