It's been 2 weeks since tinanggap ni Romeo ang trabaho bilang assistant ni Charles sa kaniyang trabaho. Hindi lang iyon dahil nagiging trabaho rin ni Romeo ang pagiging yaya niya kay Sarah, sapagkat hindi nakakasama ni Charles ang kaniyang pamangkin. Hindi naging madali para kay Romeo ang maging yaya dahil kailangan niyang i-deal ang pagkasuplada ng batang babae. Naging sunod-sunuran siya sa kaniya dahil baka sisantihin siya, kahit na inis na inis siya. Ipinakilala na niya rin si Sarah sa lahat ng kasama niya sa hotel, pati na rin kay Sandy. Sa huli, nagustuhan naman din nila ang bata, sila Claudy at Romeo lang hindi.
Busog na busog silang lahat sa pagkain na inihanda ni Vanessa para sa kanilang tanghalian at hindi pa rin tapos si Romeo na magkwento sa kanila tungkol sa kaniyang trabaho.
"So, tinutulungan mo yung history teacher na iyon? Parang naghuhukay?" Tanong ni Vanessa habang siya'y kumakain.
"Oo, kase wala siya gaanong assistant para tulungan siya."
"Pero, yung teacher na sinasabi mo ay tatay ni Sarah?" Pahabol pa niyang tanong.
"Oo. Kahit na may pagka-weird siya, masaya siyang tao."
Meanwhile, si Sandy naman ay tumataas ang kaniyang pagkasuplada dahil sa kanilang away. Parang bumabalik na naman siya sa dati.
"Ganon? Congrats! Mabait ang amo mo sayo." Taray na sabi ni Sandy nang umalis siya sa kaniyang kinauupuan.
"Eh?"
"Since mahilig kang maghukay, bakit hindi ka kaya maging assistant niya habang buhay?"
Biglang nairita si Romeo dahil tingin niya ay mababa ang tingin sa kaniya ni Sandy. Mas mababa pa nga yung rason ni Sandy kung bakit gusto niyang pumasok sa DU.
"Ikaw nga diyan. Gusto makapasok sa DU para lang sa isang crush..." Sungit niyang sabi na pabulong sa tenga ni Miyuu.
"Anong sabi mo?"
"Wala!"
Si Claudy naman ay natatawa sa nangyayare sa kanila. Ganon talaga kapag ang tao ay mahilig sa chismis.
"Anong nangyare sa inyo, Romeo? Hindi ata maganda ang mood ninyo ngayon..." Tanong niya.
"Wala naman hehe..." Sabi niya at napakamot siya ng ulo.
Kahit hindi sabihin ni Romeo ang nangyare, alam na alam ni Claudy na kasalanan niya kung bakit nag-away sila. Dahil ikinuwento niya ang tungkol sa nangyare kay Sandy, at dahil doon sa litrato. Lumabas siya ng dining room at tinignan niya ulit ang litrato.
Well... Wala naman etong Charles na eto sa bansa at baka sumuko na si Sandy sa kaniya. Whatever, magkakabati rin silang dalawa ni Romeo.
Pagkadating ni Claudy sa lobby ay may nakita siyang shadow ng isang tao na nasa labas ng pinto.
"Tao po!"
Nagulat siya dahil hindi na tumatanggap ng male guest ang hotel dahil girls' dormitory na ito. Pagkabukas ng pinto ay hindi niyang inakala na nasa harapan niya si Charles, kasama niya si Sarah.
Huh?? Wait?? Baka namamalik-mata lang ako...
Kinusot niya muna ang kaniyang mata pero si Charles nga ang nasa harapan niya. Nakakaamoy siya na may mangyayareng malaking gulo.
"Claudia? Long time no see!!" Ngiting bati sa kaniya ni Charles.
"C-C-Charles!!!!!" Biglang sigaw ni Claudy akala niya ay nasa ibang bansa ang lalakeng iyon.
"Anong ginagawa mo dito?! At ikaw ba't nandirito ang batang babaeng ito?!" Tinukoy niya yung batang kinaiinis niya nung pumunta iyon sa hotel.
"Tch!" Inis na sabi ni Sarah. "Papa, kilala mo ba siya?"
![](https://img.wattpad.com/cover/257124932-288-k635809.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Under Carolyn's Dormitory
RomanceSince the time when Dhalia University was built a long time ago, a magical rumor was spread. If a couple gets into the university together, they will live happily ever after. However, for Romeo Mercado, Dhalia U is a distant dream. After failing to...