Second Page: Diary Entry #1 ~ When the Cherry Blossoms Bloom! ~

31 8 16
                                    


Nakaupo si Tita Daisy sa front desk ng hotel, habang nagbabasa siya ng isang diyaryo na title ay, "The Daily Dhalia". Napansin niya na sobrang tahimik ang buong lugar na dati lang ay napakaingay nito. Naiisip niya na parang boring ang buhay kapag wala sila habang ginagalaw ang kaniyang sigarilyo na nakasubo sa kaniyang bibig.

Narinig niya ang tunog ng bell na kung saan ay may pumasok sa loob ng hotel. Nagulat siya nang makita niya ang buong borders ay nakabalik na, kasama sila Sandy at Romeo.

"Nakauwi na po kami!!" Bati nilang lahat kay Tita Daisy.

"Pasensiya na po kung nag-alala kayo sa amin, Ate Daisy." Sabi ni Romeo habang kinakamot ang kaniyang ulo.

"Saan kayong lahat nagsipuntahan? Saglit lang akong pumunta ng cafe, bigla na kayong nawala." ani niya.

"Ang dami pong nangyari noong mga nakaraang linggo, eh."

"So, ano na ang balak mo ngayon?" Tanong niya at nilapag ang diyaryo sa ibabaw ng desk.

"Um... May gusto lang po akong gawin muna. Kaya, gusto ko na tanggapin mo ulit ako magtrabaho bilang manager dito."

"Ikaw bahala, Romeo." Sabi niya at itinuro ang kaniyang kamay na may sigarilyo sa kaniya.

Natuwa ang lahat dahil sa desisyon na ginawa ni Romeo. Kahit hindi siya nakapasa sa exam, nagawa pa rin niya na mag-stay sa hotel bilang manager nila. Ibig sabihin iyon ay hindi magtatapos ang kaniyang kamalasan sa kaniyang mga kasama. Pero atleast, makakasama pa rin niya si Sandy.

Nilapitan ni Tita Daisy si Sandy para kausapin siya tungkol sa nangyari. Hindi siya makapaniwala na pati rin siya ay hindi makakapasa.

"Sandy, maiintindihan ko kung si Romeo ay hindi makakapasa pero hindi ko in-expect na ikaw din pala."

"Oo nga po, eh."

"Ikaw, ano na ang plano mo ngayon?"

Hindi pa rin alam niya alam kung anong magiging mga balak niya ngayon dahil wala pa siyang naiisip.

"Umm... Hindi ko pa po alam..."

Biglang sumagi sa isipan niya na parang may nakakalimutan siya.

"Oo nga pala, anong date ngayon?"

"21. March 21 na ngayon." Sabi ni Naomi habang inaaliw niya si Miyuu sa kaniyang kamay.

"Anong meron, Sandy?" tanong ni Romeo sa kaniya.

"Ngayon... ay graduation ko....!!"

Nagulat ang lahat nang maalala nila na graduation na pala ni Sandy ng high school. Dali-daling umakyat ng kwarto si Sandy at nagpalit ng damit. Sinuot niya ang kaniyang uniform at itinali niya ang kaniyang buhok. Sinuot rin niya ang kaniyang salamin at tumakbo na lang siya palabas ng hotel.

"Malakas talaga ang fighting spirit niya, noh?" Sabi ni Romeo habang nakatingin siya sa labas ng pinto.

"Hindi naman siguro..." Sabi rin ni Tita Daisy at napaisip tuloy si Romeo dahil doon.

‧̍̊·̊‧̥°̩̥˚̩̩̥͙°̩̥‧̥·̊‧̍̊ ♡ °̩̥˚̩̩̥͙°̩̥ ·͙*̩̩͙˚̩̥̩̥*̩̩̥͙·̩̩̥͙*̩̩̥͙˚̩̥̩̥*̩̩͙‧͙ °̩̥˚̩̩̥͙°̩̥ ♡ ‧̍̊·̊‧̥°̩̥˚̩̩̥͙°̩̥‧̥·̊‧̍̊

Habang tumatakbo si Sandy papunta sa kaniyang school ay narinig na niya ang school hymn nila mula sa gymnasium. Pagkapasok nila ay tinawag siya ng kaniyang mga kaibigan na nakatayo sa kanilang mga upuan at dali-daling pumuwesto si Sandy sa kaniyang upuan.

"Ang lakas ng loob mo na late dumating sa graduation mo, ha." Sabi ng kaniyang kaibigan na si Maxine habang kumakaway naman ang isa pa niyang kaibigan na si Crystal sa kaniya.

Love Under Carolyn's DormitoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon