Naalala ko noong unang tayo nagkita. Hindi naging madali sa atin na magkasundo tayo, pero naalala ko na may mga oras na nagtulungan tayo para maabot ang mga nais natin.*DING DONG!*
Ang ingay naman ng kampanang iyon. Inaantok pa ako eh. Siguro magsisimula na ang event. Nakatingin ako sa malaking bintana at nakita ko ang mga ibon na nagsisiliparan mula sa mga puno. Kahit hanggang ngayon, ang laki pa rin talaga ng hotel na ito.
Sinuot ko ang white coat at inayos ko ang flower na nakadikit sa kanang dibdib ng aking coat. Humarap ako sa malaking salamin at inayos ang aking buhok. May kumatok sa pintuan at ito'y aking binuksan. Nakita ko si Tita Daisy na nakasuot din na gown at may hawak pa rin na sigarilyo.
"Romeo? Bakit hindi ka pa nag-aayos diyan?" Tanong sa akin ni Tita Daisy na may pagkairita ng kaniyang noo.
"Heto na nga po, tita. Hindi ko lang maayos itong necktie na pagkakati-kati sa leeg ko." Banggit ko at napakamot ng ulo.
"Nakakainis naman..." Inis niyang sabi at nilapitan niya ako para ayusin ang necktie.
"Romeo, pagkatapos ng maraming taon ay nahanap mo na rin siya. Ang babae na pinangakuan mo noong bata ka pa at ang babae na pakakasalan mo. You went through ups and downs sa babaeng iyon pero heto na, ikakasal ka na sa kaniya." Sabi niya sa akin habang inaayos niya ang aking necktie.
"T-Talaga po ba? Kung tutuusin po, hindi ko rin inaasahan na mangyayare sa akin ito. Maraming bagay ang nangyare pero hanggang ngayon ay siya pa rin talaga ang mahal ko. Swerte po ata ako!" Birong sabi ko at sa wakas, naayos na rin ang aking necktie.
"Ayan at naayos na rin. Ang masasabi ko sa'yo ay proud na proud ako sa'yo. Kaya gawin mo lang ang mga bagay na alam mong tama at magkakapagpasaya sa kaniya, ha?"
"O-Opo!!"
Tumawa siya nang mahinhin at itinapon niya ang kaniyang sigarilyo sa basurahan. Binuksan niya ang pintuan at sumunod ako sa kaniya.
"Tara! Puntahan mo na siya." Ngiting sabi niya sa akin.
"Opo!!"
Kung tutuusin hindi ko maalala kung paano nagsimula ang lahat. At kahit na naging disaster ang mga nangyare, kahit may mga maganda at hindi magandang memories, naging parte iyon ng aking buhay na kasama siya. Ngayon, masasabi ko na sa kaniya ang mga salita na hindi ko pa masabi...
"Maraming salamat at nandiyan ka lagi sa aking tabi."
BINABASA MO ANG
Love Under Carolyn's Dormitory
RomanceSince the time when Dhalia University was built a long time ago, a magical rumor was spread. If a couple gets into the university together, they will live happily ever after. However, for Romeo Mercado, Dhalia U is a distant dream. After failing to...