Sinalubong nila ang bagong taon na may matinding dalawang problema;
1. Ilang araw na lang bago magsimula ulit ang entrance exam para sa Dhalia U
2. Nasunog bigla ang bahay ni Gwen kaya napilitan siyang tumira muna pansamantala sa hotel
Hindi naging problema kay Romeo ang tungkol sa entrance exam, since napapansin ni Sandy na nag-improve siya sa kaniyang performance. Pero, sunod-sunod naman ang kaniyang problema pagdating sa realidad, at sa relasyon niya kila Sandy at Gwen dahil hindi pa siya nakakapagdesisyon. Ang masaklap pa diyan, lagi pa nilang kasama si Gwen sa bahay.
Pagkalabas ni Sandy sa kaniyang kwarto nitong umaga ay napansin nila Claudia, Sarah, at Vanessa na mukha na siyang zombie dahil sa sobrang laki na ng eyebags niya. Busy na busy talaga siyang mag-review dahil malapit na ang kanilang mga exams.
"Magandang umaga sayo, Sandy." Bati ni Claudia sa kaniya habang nagsesepilyo siya ng ngipin.
"Magandang umaga rin sa inyong tatlo..." Mahinang-loob niyang sabi sa kanila.
"Puyat ka na naman, noh? Magkakasakit ka niyang kapag hindi mo masyadong inaalagaan sarili mo."
"Okay lang iyan. May mas matindi pa diyan..."
Biglang nakita nilang tatlo si Romeo na sobrang payat at sobrang laki ng eyebags at napatumba silang apat.
"M-Magandang u-umaga rin sa inyo...~~~~~"
Siya pala ang mas matinding tao na sinabi ni Sandy.
Dumiretso silang dalawa sa banyo para sila'y makapagsipilyo muna. Pumasok si Gwen sa loob, pero siya naman ay masayang-masaya dahil kakagaling lang niya sa pagligo.
"Magandang umaga sa inyong dalawa!!" Ngiti niyang bati pero hindi nila pinansin si Gwen.
"Ang tibay ng katawan ni Gwen. Kasama natin siyang nag-review kagabi..." Bulong ni Romeo kay Sandy.
"Oo nga, eh. Mas matalino pa siya kaysa sa atin. May sakit pa siya, ha..?"
Pagkatapos nilang magsipilyo ay naghugas sila ng mukha at nagpunas gamit ng malambot na tuwalyang puti.
"Malapit na ang entrance exams natin, Romeo." Ngiting sabi ni Gwen habang kinukuskos niya ang kaniyang ngipin gamit ng kaniyang sipilyo.
"Oo nga. Kaya wala na tayong oras sa ibang bagay, maliban sa pagre-review."
Tumingin si Gwen sa mukha ni Romeo at nilapit niya ang kaniyang mukha. Napatulala na lang siya dahil hindi niya alam kung anong gagawin na naman sa kaniya ng dalaga.
"Ummm...."
"Hoy!! Ano na namang balak mo, Gwen?!" Pigil-salita ni Sandy sa kanilang dalawa.
Nginitian na lang niya si Romeo at naghugas na lang siya ng kaniyang bibig.
"Romeo, alam kong busy ka pero... pwede mo ba akong yayain para mag-date?" Cute niyang sabi sa kaniya at hinawakan ang kaniyang mukha dahil sa kaniyang pagpapakilig.
Nagulat silang dalawa dahil hindi talaga siya kabado sa entrance exams at nakuha pa niyang ayain si Romeo para makipag-date.
"Hindi na tayo pwedeng magsayang ng oras!" Sigaw ni Sandy.
"Huh? Ganon ba? Ganito na lang, gusto mo ba na samahan ako para magbili ng libro, Romeo?"
Tumingin si Romeo kay Sandy dahil alam niya na tatanggi siya sa kaniya kaya hihingi siya ng permiso kay Sandy para samahan siya.
"Pwede ba?" Tanong niya.
"Talagang hihingi ka sa akin ng permiso?" Sungit na tanong ni Sandy sa kaniya. Ginagawa pa kase siyang magulang.

BINABASA MO ANG
Love Under Carolyn's Dormitory
RomanceSince the time when Dhalia University was built a long time ago, a magical rumor was spread. If a couple gets into the university together, they will live happily ever after. However, for Romeo Mercado, Dhalia U is a distant dream. After failing to...