Day 26 - Romeo, Sandy, and the Runaway Vacation Part 2!

19 8 21
                                    

"So... Dito po kaming matutulog? Magkatabi?"

"Sa season po natin na ganito, marami kaming natatanggap na magjowa rito kaya huwag na kayo mahiya!" Ngiting sabi ng hotel manager sa kanila at nagulat silang dalawa sa sinabi niya.

"H-Hindi po sa ganoon iyon! Wala po akong relasyon sa kaniya!" Agad na sabi ni Romeo.

"O-Oo nga po! Wala po talaga akong relasyon sa kaniya!"

"Hindi ba parang masaya po kayo kanina na lumabas sa hot springs?" Napatitigan na lang silang tatlo nang maisip ng hotel manager na hindi talaga sila in-relationship.

"Hindi po iyang big deal. Hindi na importante na magjowa po kayo o magkaibigan kaya hindi na kailangan na lumayo ka." Bulong ng hotel manager kay Romeo habang gustong marinig ni Sandy kung ano ang pinag-uusapan nila.

"H-Hindi nga po sa ganoon iyon!!"

"Excuse mo po. Wala na po talagang ibang rooms?" tanong ni Sandy.

"Pasensya na po talaga. Kakalahatiin ko na lang po ang ibabayad ninyo. Pasok na kayo at nakahanda na ang pagkain." Sabi ng hotel manager at ipinakita sa kanila ang nakahandang dinner para sa kanila sa isang maliit na lamesa.

Umupo silang dalawa pagkatapos maghugas ng kamay. Naglagay sila ng napkin sa kanilang lap at nagsimula silang kumain.

"Kalimutan muna natin iyan. Kain muna tayo." Sabi ni Sandy at tumikim sila ng isang chicken na nasa kaliwang parte ng lamesa. Bigla silang nasarapan sa pagkain na iyon na namuot sa kanilang dila ang lasa.

"Ang sarap naman po nito! Ano po ito?" Tanong ni Romeo.

"Ayan po ay Lieden's grilled honey chicken, ito naman po ay wild-peppered seasoned fish, at ito naman ay ang pinakasikat na wine sa lugar na ito, ang Lieden's finest cranberry wine. Lahat po ng menu dito ay para sa mga bagong kasal. Itong paraan po nito ay para magtagal kayo sa gabing ito at magiging something ang gabi ninyo ngayon!" Ngiting sabi ng hotel manager sa kanila ngunit si Romeo naman ay biglang napatapon ang cranberry wine dahil tingin niya ay bagong kasal sila.

"Hindi ba po kakasabi lang po na hindi po kami ganoon?" Sigaw na tanong ni Sandy dahil sa sobrang hiya.

"Please, take your time!" Ngiting sabi ng hotel manager habang paalis na siya ng pinto. "Oo nga pala. In case na gagawin ninyo iyon, yung 'bagay' na iyon ay nandito lang sa cabinet." Sabi niya at biglang nagtaka silang dalawa kung ano ang bagay na iyon.

⳾*⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*❀⑅*⳾

Pagkatapos kumain ay uminom silang dalawa ng mainit na green tea at nang gustong pag-usapan ni Romeo ang nangyayare sa kanilang dalawa. Alam niya kase na magiging awkward ang gabi nila kung hindi siya makaisip kung anong pwedeng pag-usapan.

"Grabe, noh? Kahit alam ko rin naman na parehas tayo ng address." Sabi ni Romeo habang nagkakamot siya ng ulo.

"Oo nga. Sana nga lang hindi ginawa to ng hotel manager. Nakaka-stress din kase."

Napatahimik bigla ang dalawa nang biglang napatingin si Romeo sa isang twin size na bed na kung saan matutulog silang dalawa nang magkatabi. Nakatingin sa kaniya si Sandy na may halong inis dahil naisip niya na baka may gagawing kalokohan si Romeo kapag mangyare iyon.

"Bakit ka nakatingin sa kama?" Tanong niya at bigla niyang kinotongan si Romeo.

"Hehehe... Matutulog naman tayo mamaya, eh kaya wala naman dapat ipag-alala." Sabi ni Romeo at napakamot na naman siya ng ulo. "Parang honeymoon natin ito, noh?"

"Grabe talaga mga tao ngayon. Akala nila talaga na magjowa tayo. Talaga naman, kahit sa pagpunta ko rito, kailangan talaga na magkasama tayo. Sana hindi talaga tayo tinadhana talaga kahit noon pa."

Love Under Carolyn's DormitoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon