Bigla akong kinabahan dahil hindi siya yung usual na masungit ngayon. Ano kaya nakain niya at naging mabait siya sa akin?
"Bakit ka parang kinakabahan diyan? Para sa iyo ito." Sabi niya sa akin na paseryoso. Dapat ba akong magtiwala sa kaniya? Siguro may lason ata itong sandwich na ginawa niya.
"Okay ba itong sandwich? Baka lalasunin mo ata ako, ha." Naniniguradong sabi ko. Sa dami naming oras na pinag-awayan namin baka oras na para mawala ako sa mundo.
"Kung ayaw mo, edi 'wag mong kainin!!" Sungit niyang sabi sabay niyang kinuha ang plato mula sa lamesa.
"Wait! Kakainin ko nga eh! Salamat!" Sigaw ko sa kaniya para bumalik siya. Kumuha ako ng sandwich at mukha naman siyang malinis. Bakit kasi siya nandito in the first place? Kumagat ako at bigla akong nasarapan sa sandwich na hinanda niya. Tuna sandwich ang binigay niya sa akin na may repolyo at kamatis sa loob nito. Malinamnam yung feeling at nagkakasundo yung gulay sa lasa ng tuna.
"Ang sarap ng sandwich na ginawa mo, Sandy!" Masayang sabi ko sa kaniya.
"Ganon ba? Salamat..." Pabulong niyang sabi pero yung tono na parang ayaw niya talaga sabihin sa akin.
"Ang sarap talaga nito promise!!" Hindi ko natiis yung sarap ng sandwich kaya inubos ko na lahat.
Kumuha si Sandra ng teapot at nilagyan niya ng tsaa ang baso na dala niya para sa amin. Ano kaya meron sa kaniya at hinandaan niya ako ng pagkain ngayong gabi?
"Oo nga pala, narinig ko na sabi nila na may special lobster na tinitinda sa Dhalia U at masarap daw iyon. Nasubukan mo na bang kumain non?" Bigla niyang natanong sa akin. Bigla na naman akong kinabahan nung marinig ko ulit ang Dhalia U. Bakit niyang biglang binanggit ang school na iyon? Alam ko sa sarili ko na hindi ako magsasabi ng totoo.
"Ayun ba? Paborito ko iyon! HIndi ko makakayang mabuhay kapag hindi ako nakakakain ng ganon sa cafeteria!" Biglang reply ko sa tanong niya.
Nang tumingin ako sa magiging reaksyon niya, kumunot bigla ang noot at bigla niya akong tinitigan nang masama. "Sinungaling ka... Hindi naman totoo na meron ganong pagkain na itinitinda sa Dhalia U!"
Oo nga pala! Hindi pala ako sigurado kung totoo ba talaga yung chismis na iyon! Naisahan ako ni Sandra at biglang lumabas ang katotohanan.
"Pinagloloko mo ang lahat ng tao na student ka sa Dhalia U. Ang totoo niyan, dalawang beses ka nang bagsak sa entrance exams. Sa lahat ng test na kinuha mo, halos 50 pababa yung points na nakuha mo. Ang pinakamatindi diya, hindi ka umuwi sa inyo dahil wala kang pera."
Alam niya lahat ng iyon?! Paano niya nalaman ang tungkol sa mga sitwasyon na pinagdaanan ko? Wala naman akong sinabihan!
"Sinasabi ko sa iyo, hindi namin binibigyan ng tawad ang mga sinungaling na katulad mo! Dapat kang mahulog sa impyerno at putulin 'yang dila mo!" Galit na galit na talaga siya!!!!
Waaaaaahh!!!!
"Sorry na!!! Sorry na!!! Sorry na!!! Sorry na!!! Sorry na!!! Sorry na talaga!!!" Sigaw ko na humihingi ako ng kapatawaran sa kaniya. Lumuhod pa ako sa kaniya para maniwala siya na sincere ako. "Hindi ko naman sinadyang magsinungaling sa inyo!"
"Heh..." Biglang nanibago ang reaksyon sa mukha niya. Nawala na ang pagiging galitin sa mga mata niya. "Sana naisip mo man lang na hindi mo kaming kayang lokohin, noh?" Sabi niya na may pagkangiti. Parang hindi ko alam kung inaasar niya ba ako.
Eh??? Sarcastic ba siya?
"Nang jo-joke lang ako. Huwag kang masyadong kabahan." Tinitigan niya ako nang malapitan at nahanap ko na may kagandahan rin pala siya.
"Hahayaan muna kita sa ngayon." Ngiting sabi niya at nang kinuha niya ang salamin ko. Sinuot niya ito at pumunta siya sa veran. Tinitigan niya ang mga bituin sa langit, at humaplos sa amin ang malamig na hangin.
Eh?? Anong ibig niyang sabihin na hahayaan niya muna? Ibig sabihin, safe pa rin ako?
"Masaya si Vanessa ngayon nung sinabihan mo siya na mahalaga ang mga efforts na binibigay niya. Nawalan siya ng loob dati pero dahil sa'yo, bumabalik yung dating Vanessa na nakita ko dati sa kaniya. Kung kaya mong makapasok ulit next year, hindi na magiging kasinungalingan yung sinabi mo 'di ba? Mahalaga pa rin na sinusubukan mo, kaya huwag kang sumuko at lumaban pa rin!!!" Sabi niya at lumingon siya sa harapan ko. Ngumiti siya na para bang gusto niya akong suportahan. Ngayon ko lang ito nakita mula sa kaniya. Sa lahat ng mga maling ginawa ko sa kaniya, hindi pa rin siyang nagdalawang-isip na i-comfort ako.
*tug tug*
A-Ano... Bumibilis tibok ng puso ko nung tumingin ako sa kaniya. Ang ganda niya!!!
"Hee... Ang cute mo pala kapag wala kang suot na salamin." Asar niya at lumapit siya sa akin.
"Ah.. Eh..." Kinabahan ako nang sobra dahil ang lapit niya sa akin.
"Huh?" Nakita niya sa lamesa ko ang mga papel na pinagsusulatan ko ngayon. Mostly mga basic questions na sinubukan kong sagutan. Kinuha niya ito at tinignan niya."My gosh!! Sa'yo ba ito!!?"
"Eh? Bakit?"
"Ito ba yung mga tanong na sinagutan mo kagabi?! Wow! Kahit simple yung tanong, mali sagot mo!! Babawiin ko na sinabi ko kanina!! Hinding-hindi ka talaga matatanggap sa school!!!"
Wha-! As expected from me. Masyadong mababa ang IQ ko kahit sa mga simpleng tanong. Malapit na ngang sumabog yung utak ko sa kaka isip ko ng mga sagot, eh. Pero hindi naman niya dapat sabihin na hindi na talaga ako makakapasok.
"Ano bang sinasabi mo! Binabawi ko na rin yung sinabi ko na maganda ka!!! Akin na yung salamin ko!!!" Sigaw ko sa kaniya nang may inis sabay kinukuha ko ang salamin ko mula sa kamay niya. Nakakainis na talaga siya! Akala ko pa naman maayos na ang loob niya sa akin.
"Huwag mo akong hawakan!!! Paano kapag nakakahawa pala yung kabobohan mo!!? Ayoko mahawa noh!!!"
Nilalabanan niya ako dahil ayaw niyang ibigay ang salamin ko. Inaasar na niya talaga ako akala ko pa naman mabait na siya. Bigla kaming nadulas at napahiga kami sa sahig.
"Gack!!"
Pagkamulat ng mata ko, magkalapit kami sobra ni Sandra pati ang aming mukha. Nagkatinginan kami at biglang tumibok sobra ang puso ko. Hindi ako makapag-isip nang maayos dahil ang ganda niya talaga. Hawak ko ang kaniyang buhok sa may bandang pisngi niya at namumutla nang kaunti ang pisngi niya. Nakapatong ang aking kamay sa kaniya nang maramdaman ko na malambot ang kaniyang kamay.
"U-Umalis ka..." Bulong ko sa kaniya.
"B-Bakit hindi mo kaya bitawan ang kamay ko?"
Nararamdaman ko ang kaniyang hininga mula sa kaniyang labi. Hindi ako makahinga kase bumibilis ang tibok ng puso ko para sa kaniya. Hinawakan ko ang pisngi niya nang magkalapit ang mga labi namin.
"Sandy..."
Nakapikit ang kaniyang mga mata at ako ay nakapikit na rin. Grabe... sa lahat ng babae na nakilala ko, sa isang supladang babae na makakatanggap ng aking first kiss. Ito na nga ba ang sinasabi nilang pag-ibig?
BINABASA MO ANG
Love Under Carolyn's Dormitory
RomanceSince the time when Dhalia University was built a long time ago, a magical rumor was spread. If a couple gets into the university together, they will live happily ever after. However, for Romeo Mercado, Dhalia U is a distant dream. After failing to...