Final Day - Meeting with the Friends!

27 8 15
                                    

Nakaupo sila Romeo at Sandy sa buhangin sa isang beach habang pinapakain nila si Miyuu ng tinapay. Pinagmamasdan nila ang dagat na sa ilalim ng palubog na araw. Natuwa silang dalawa dahil kinain ni Miyuu ang maliit na tinapay na ipinakain nila.

"Na-realize ko na ang cute ng mga turtle kapag tinitignan ko siya." Ngiting sabi ni Romeo at kumapit sa kaniyang braso si Miyuu.

Tumitig si Sandy sa dagat at nararamdaman niya ang simoy ng hangin. Inaalala niya ang mga nangyare sa kanila noong dalawang linggo.

"Grabe dalawang linggo na ang nakalipas noong umalis tayo sa hotel. At... Malayo na ang narating natin."

"Oo nga, eh. Kamusta na kaya sila? Siguro nakalimutan na tayo ng mga iyon!"

"Uy.. Ano na ang balak mo pagkatapos nito?"

Napapikit si Romeo ang nag-isip siya nang malalim kung ano na ang magiging balak niya.

"Hmmm..... Wala akong plano!" Napakamot siya ng ulo.

"Bakit ka pa nag-trip kung wala naman?"

"Eh, ikaw ba. Ano bang plano mo?"

Napa-isip din siya nang malalim dahil sa tingin niya ay pinilit niya masyado ang kaniyang sarili kaya nangyari iyon. Nakapag-decide siya na maghinay sa mga bagay.

"Wala rin!" Napakamot siya nang ulo. "Pero alam mo, nagawa ko nang kalimutan ang mga nangyari, so hindi sayang ang pag-alis ko..." Sabi niya nang tumayo siya at inunat ang kaniyang braso. Hindi maiwasan ni Romeo na titigan siya dahil nakita niya ulit ang kaniyang ngiti.

"Anong meron sayo?" Tanong ni Sandy.

"W-Wala! Wala..."

"Hey... Gusto mo ba mag-kiss?"

Biglang namula ang pisngi ni Romeo at kumabog ang kaniyang dibdib dahil sa narinig niya mula kay Sandy.

"Ano? Eh...?"

"Niloloko lang kita!" Tawang sabi ni Sandy habang hinampas niya ang braso ni Romeo.

"Ano?! Bakit mo ba ako inaasar?" Inis na tanong niya dahil pinaasa lang pala siya.

"Ano ka ba? Akala mo ba gagawin ko iyon?"

"Tch... Iniisip mo lagi na bobo, tanga, at manyakis ako... At tsaka wala akong kwenta..."

"Tama iyon!!! Pero... Kapag ang isang lalake ay nagsabi sa isang babae na mahal siya, magiging masaya ang babaeng iyon. Tama ba ako?" Ngiting sabi niya habang tinitigan niya ang mga mata ni Romeo.

Pumikit si Sandy at dahan-dahan nagkalapit ang kanilang mga labi. Hindi siya makapaniwala na hahalikan siya ng babae na gusto niya. Lumakas ang tibok ng puso ni Romeo. Iniisip niya na baka may gusto rin si Sandy sa kaniya.

"Romeo! Long time no see!" Biglang tinalunan ni Naomi si Romeo at nadaganan ang kaniyang mukha.

Nagulat din si Sandy dahil nakita niya sila Claudy, Vanessa, at Brianna sa likod nila.

"Eh..? P-Paano ninyo kami nahanap?" Gulat na tanong ni Romeo.

"Ano bang sinasabi mo? Ang hirap kaya na hanapin namin kayo." Sabi ni Claudy.

"Nahanap namin kayo dahil dito!" Sabi ni Brianna at ipinakita niya sa kanila na nahanap niya ang nawawalang wallet ni Romeo.

"Gumamit ako ng computer para mahanap namin kayo at ginamit ko ang wallet mo." Sabi ni Naomi.

"Wallet ko iyan" Kinuha niya ang wallet at tinignan kung mayroon pang laman. 

"Ubos na ang laman niyan!"

"Ginamit namin para sa mga expenses."

"Pusang gala!!"

Masayang-masaya si Vanessa dahil nahanap na niya si Romeo at hindi niya maiwasang matuwa.

"Umm... Romeo. It's so good na nahanap na kita..." Ngiting sabi niya habang paiyak na siya.

"Vanessa, pasensya na, ha? Galit ka ata sa akin dahil hindi ko natupad ang pangako ko."

"Ano? Hindi ako galit. Nag-alala lang ako sayo. Akala ko... Akala ko hindi na kita makikita ulit..."

Tinitigan ni Claudy ang dalawa na magkausap sa may dagat. Natuwa siya dahil nae-excite siya sa mga mangyayare.

"Oo nga pala, Sandy. Anong ginagawa ninyong dalawa ni Romeo sa lugar na ito?" Tanong niyang may pagka-cheeky dahil nakakaamoy siya ng chismis.

"Eh?!"

"Nakita ko kayo na malapit na kayo mag-kiss, noh? Baka pagkatapos, aabot na iyan to the next level."

Nagulat si Sandy dahil nakita pala sila na mag-kikiss. Hindi rin niyang akalain na magagawa na nila iyon. Nagulat din ang ibang kasama at bigla nilang binigwasan si Romeo dahil doon.

Pagkatapos, sabay silang naglakad sa beach na magkasama at ikinuwento nilang dalawa na hindi sila nakapasa sa DU.

"So, ano na ang plano mo ngayon? Tapos na ang stage na ito, hindi ba? Kunware, aalis ka na ng hotel o baka uuwi ka na sa inyo." Tanong ni Claudy.

"Siguro... Kung pwede sa inyo, hindi muna ako aalis... At pag-iisipan ko kung anong gagawin ko..." Sabi ni Romeo habang kinakamot ang kaniyang ulo.

Natuwa ang lahat dahil sa sinabi ni Romeo. Napatingin din si Sandy sa kaniya dahil natuwa siya na hindi siya sumuko. Biglang tumitig si Claudy sa kaniya dahil baka may sikreto sila na hindi nila alam.

"Romeo, bakit may pagong dito?" Tanong ni Naomi habang sinusubukan niyang kainin si Miyuu.

"Aaaaaa!!! Hindi iyan pagkain!!!"

In the end, hindi nasayang ang kanilang trip. Masaya silang dalawa dahil nahanap sila ng mga kasama nila sa hotel. Hindi dahil sa may kasama na sila pauwi, lumakas pa ang loob nila para bumangon at mag-look forward sa future, dahil alam nila na nandyan lang sila para sa kanila. Kahit nagkakadaloko na dahil kay Miyuu, masaya silang naglalakad sa ilalim ng palubog na araw.

~ First Page: Fine

Love Under Carolyn's DormitoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon