Mas mabilis pa sa inaasahan ni Juljen ang mga nangyayari ngayon. Halo-halo ang kanyang nararamdaman—puno ng panghihinayang, kalungkutan, at pagkabigla. Hindi niya alam kung anong sasabihin ng makita niya ang mga iba't ibang ekspresyon ng kanyang mga estudyante, na nagdudulot sa kanya ng mas lalong kalituhan at sakit.
"Nagbibiro ka lang hindi ba?!",
"Isa lamang itong kalukohan hindi ba?",
Sunod-sunod na pahayag ng mga estudyante.
"Hindi mga bata, Ito ang katotohanan!", saad sa mahinang boses ng Lola ni Juljen sa kanyang estudyante.
"Pe-pero..Imposible itong mangyari..", hindi makapaniwalang sabi ni Kether.
Lahat ng mga ito ay hindi makapaniwala ng makita nila ang mukha ng taong nagtatago sa likod ng balabal na iyon.
"Surprised?", sabay halakhak nito.
"Sir Edward", nanlumong saad ni Nito.
Sa pag banggit palang ni Nito ng pangalan ng taong kaharap ngayon ni Juljen ay pumasok agad sa isipan ni Juljen na ito ang taong gurong nagpakita ng pag mamalasakit sa kanila.
"Sabihin mo sa amin ngayon totoo ba ang pinakita mo sa kanilang pag mamalasakit?", duro ni Juljen sa kalabang kaharap.
Tumawa ang kalaban bago kumibo. "Pagmamalasakit? Kahit kailan ay hindi ako nagmamalasakit sa kanila. Ginawa ko lang iyon para sa plano ko.", sagot nito na nagpaluha sa estudyante nya at ni Juljen.
"Anong sinasabi nyo, Sir Edward?", naluluhang tanong ni Nessa.
"Sa tingin nyo nagmamalasakit talaga ako? Tama, nagmamalasakit ako sa inyo para hindi masira ang plano. Ginawa ko lang lahat iyon alang-alang sa plano ko.", sabay halakhak nito.
"Bakit? Bakit?!", sigaw ni Gerlie.
"Hindi ka parin nagbabago gerlie! Tulad ka parin ng dati na sa likod ng talento mo ay madali ka paring naniniwala sa kasinungalingan. ",
"Akala ko..Akala namin----", Hindi na natapos ang sasabihin ni Dhevis ng pinutol ito ng isang salitang nagpagulat muli sa kanila.
"Ganito nalang para tumigil kayo sa kadaldal! Naiinis na ako sa kakatanong nyo! Ako ang na Sir Edward nyo noon at ngayong Edward ay walang pinagkaiba! Ako parin naman to! Ang taong dahilan ng nangyari kung bakit kayo nagbago.. Naiintindihan nyo ba?! Ako ang dahilan kung bakit nagalit sa inyo ang lahat. Ako ang taong gumawa ng paraan para magalit sa inyo ang lahat!", sabay halakhak nito sa katahimikang bumabalot sa mga estudyante.
"Nagpasalamat pa nga kayong buhay pa kayo at hindi naging alipin ko dahil sa Guro nyong ito!", Humalakhak naman itong muli. "Tama na ang pag-uusap! Tapusin na natin to!", sigaw ni Edward at sinugod si Juljen.
Pinaulanan si Juljen ng malaking mga itim na bola. Umiwas si Juljen kaya lang dahil sa dami ng bolang pinaulan sa kanya ay natamaan sya ng iba dahilan para tumilapon sya at nahulog.
"Teacher Juljen!", narinig nyang sigaw sa kanyang likuran.
"Manatili kayo dyan!", sigaw pabalik ni Juljen ng makita nya sa gilid ng kanyang mata ang pagtakbo ng mga ito patungo sa kanya.
Napahinto naman ang mga ito ng marinig nila ang sigaw mula sa kanya. Pinahid ni Juljen ang dugong umagos sa bibig nya.
"Tama ka. Kailangan na nga natin itong tapusin", saad ni Juljen at tinitigan ang kalabang nakalutang parin sa hangin.
Ngumisi sa kanya ang kalaban kaya hindi nag-atubiling lumipad ng mabilis si Juljen patungo sa kalaban kasabay ng maraming white magic balls na ginawa nito.
YOU ARE READING
Magical Teacher
De TodoMagulo, sobrang gulo. Maingay,Sobrang ingay. Makulit,Sobrang kulit. Pilyo,Sobrang pilyo. Bastos,Sobrang bastos. That's the right word you can compare to Grade 12, Section Marcos. Full of quarrels, pain and rude students. Ten students are feared by...
