Magical 37

71 2 0
                                        


Tumilapon si Juljen sa bintana ng clinic kung saan sila. Nakaramdam agad ng matinding sakit si Juljen sa parte kung saan sya tinamaan. Dahil sa naramdamang matinding sakit ay unti-unting nawawalan ng pakirandam si Juljen at napapikit.

"Teacher Juljen!!", Isang malakas na sigaw na iyon na nangaling sa isa sa estudyante nya na si Jolly kung saan nakadungaw ito mula sa basag na bintana. Napangiti sya dahil ito ang unang pagkakataong tinawag sya nito na may pag-alala sa boses. Napangiti si Juljen kasabay ng pagbabago ng kanyang anyo.

"Oras na", ngiti nya pang sabi bago lumipad pabalik kay Jolly.

Hindi makapaniwala si Jolly sa kanyang nasaksihan. Ang biglang pagbabago ng anyo ng kanilang guro. Ibang-iba na ito sa gurong nagpakilala sa kanila.

Mabilis naman ang paglipad ni Juljen pabalik sa loob. Kitang-kita rin nya kung paano dumepensa ang mga estudyante nya sa mga nakaitim.

"Teacher Juljen?!", tulalang tawag ni Jolly sa kanya pero tanging isang matamis na ngiti lamang ang ginanti nya sa kanyang estudyante.

Natahimik ang paligid at lahat ng naroroon ng pumasok si Juljen sa wasak na bintana. Nanlaki ang mga mata ng mga estudyante nya lalong lalo na sa estudyante nyang namukhaan sya ng tulungan nya ang mga ito.

"Si-Sino ka?", Hindi parin makapaniwalang sabay na sambit ng estudyante nya.

"Mamaya na ako magpaliwanag sa inyo aking mga estudyante dahil sa ngayon unahin muna natin sila", mahinhing sabi ni Juljen sa kanila at kinumpas ang magic stick nya sa ere.

Nagsigawan agad ang mga estudyante nya ng lumutang sila sa hangin. Mas lalo silang hindi makapaniwala sa nangyayari.

Lumipad si Juljen palabas muli sa bintana at sumunod naman sa kanya ang nakalutang nyang estudyante.

"Pigilan sila! Wag nyong hayaang makalayo sila, Mga alipin!", sigaw ng pinuno ng kalaban kaya pinaulanan sila Juljen ng black magic ball.

Huminto si Juljen at sinangga ang mga binatong itim na mahika na bola gamit ang mga bolang gawa sa white magic. Nagkaroon ng usok sa paligid dahil sa banggaan ng dalawang mahika.

Ginamit namang pagkakataon ni Juljen iyon para bumaba. Nang tuluyan na silang makababa ay nakita naman nilang bumaba rin ang kalaban.

"Lahat kayo ay pumunta sa likuran ko sinisigurado kung maging ligtas kayo", sabi ni Juljen na agad sinunod ng sampo.

Napalingon naman agad si Juljen ng maramdamang may taong sumulpot sa kanilang likuran kaya agad tinutok ni Juljen ang kanyang magic stick. Pero nagulat siya ng makita si Teacher James.

"Anong ginagawa mo dito?", mapanganib na tanong ni Juljen dito. Hindi nya parin binababa ang kanyang magic stick sa pagkatutok sa binata. Palipat-lipat ang tingin ni Juljen sa kalabang nasa harapan nya at sa guro.

"Teka! Wala akung masamang itensyon sa inyo. Nagpunta lang ako dito dahil nakaramdam ako ng kakaibang koneksyon dito", mabilis na paliwanag ni Teacher James habang nakataas ang kamay nya sa ere. Pati rin sya ay naguluhan kung bakit pakiramdam nya ay may kakaiba syang naramdaman kung nasaan sila ngayon. Hindi nga nagkamali ang naramdamang iyon ni Teacher James dahil nasa harapan nya na ngayon ang hindi pangkaraniwang pangyayari.

"Magtitiwala ako ngayon sayo pero oras na maramdaman kung may binabalak ka ay hindi ako magdadalawang isip na paslangin ka!", banta ni Juljen bago nilipat at tinuon ang nakatutok na magic stick dito sa kalaban.

"I promise wala akung gagawin", rinig nya pang sambit ng guro pero hindi na iyon pinansin ni Teacher Juljen. Sinenyasan naman nya ang mga estudyante nya na pumunta sa binatang guro.

Magical TeacherStories to obsess over. Discover now