Magical 35

238 15 7
                                        


"MARY ROSE! HOW DARE YOU!", Nagulantang ang lahat sa sigaw na iyon. Hindi lang ang nasa loob ng bawat silid kundi pati sa labas ng classroom.

Nang malaman ng lahat na ang sigaw na iyon mula sa problemadong klase ay agad nila iyon binalewala. Hindi naman sa wala silang pakialam para sa mga kanila kundi nasanay na sila sa kung gaano kagulo ang mga estudyante.

"What?", Naguguluhan naman ito ng makita ang ekspresyon ng kanyang kambal.

Hindi niya alam kung anong nangyari sa kambal at bigla nalang syang sinigawan nito.

Pagkalapit ng kambal nya sa kanyang harapan ay wala itong pakundangan na sampalin sya sa kanyang pisngi.

Natabingi ang kanyang mukha sa lakas ng sampal nagmumula sa mismong kamay ng kanyang kambal nasi Merry Rose.

"What the hell! Sinampal mo ako?!", Hindi makapaniwalang sabi ni Mary Rose sa kanyang kambal na si Merry Rose.

"Oo dahil Traidor ka!", Sigaw ni Merry Rose sa mukha ng kanyang kambal natulala.

"Traidor?! Anong sinasabi mo?! Kambal kita at mula bata hindi tayo nagkakasakitan dahil kilala natin ang isa't-isa tapos ngayon sinampal mo ako pagpasok mo", Hindi makapaniwalang bulong ni Mary Rose sa kanyang kambal na makikitang totoo ang pinapakita nitong galit sa kanya.

"No way!  This Impossible!",

"Anong nagyayari sa kanilang dalawa?",

"Wait- Interesante itong panoorin, parang sinampal mo lang ang sarili mo dahil magkamukha sila", Komento ni Allan pero agad syang binatokan ni Dhevis.

"Sira ulo ka talaga! Nakita mo nang nag-away yong dalawa tapos yan pa talaga una mong naiisip", Singhal ni Dhevis sa kay Allan.

Pati kasi sila ay naguguluhan rin sa nangyari sa mag kambal. Alam ng buong school na ang dalawang ito ay hindi mapag-hiwalay at malapit sa isa't-isa. Wala sila nabalitaang nag-aaway ang dalawa tulad nang nangyayari ngayon sa kanilang harapan.

Wala ring silang alam na nagkakasakitan ang dalawa bagkos ay iba ang sinasaktan nila. Pinagtatanggol rin nila ang kanilang kambal sa oras na malaman nilang inaaway ang kanilang kapares. Kaya ngayon ay hindi sila makapaniwala sa kanilang nakitang sinaktan ni Merry Rose ang kanyang sariling kambal.

Nagkatinginan ang lahat sa loob ng classroom dahil sa hindi inaasahang hakbang ni Merry Rose sa pagsampal nya dito.

"Hindi ko alam kong anong nangyari sayo pero hindi ako papayag na saktan mo lang ako ng ganito!", Sigaw rin pabalik ni Mary Rose sa kambal nya.

Mabilis ring dumapo ang kanan nyang kamay sa kaliwang pisngi ng kambal nya. Natabingi rin ang mukha nito at agresibo ang mga mata nitong nakatingin pabalik sa taong sumampal sa kanya.

Isang matatalas na mga tingin ang nagkasalubong nagmumula sa dalawang magkamukha. Parehong may bakat ng kamay sa namumula nilang pisngi sa lakas ng sampal nila.

"Ikaw pa ang ganang sumampal sa akin! Kahit alam nating isa kang traidor! Walang hiya kang babae ka! Magkamukha lang tayo pero hindi ibig sabihin ay gustuhin mo rin ang gusto ko!", Mabilis ang hakbang at kamay ni Merry Rose papunta sa kambal nyang si Mary Rose at sinabunutan ito.

Magical TeacherStories to obsess over. Discover now