Magical 36

211 16 3
                                        

Lumabas nasi Juljen mula sa kwarto nya. Ngayon nya lang muli naranasan ang mahimbing na pagtulog. It's Saturday morning at wala syang pasok maliban sa apat nyang estudyanteng may detention ngayong araw.

Gusto nyang puntahan at bisitahin ang mga ito pero napag-isip nyang aasarin lang sya ng mga ito kaya naman sa malayo nalang sya magbabantay. Naupo si Juljen sa hapag kainan at nagsimulang kumain.

Masaya syang kumakain ng may mensaheng bigla nalang lumitaw sa harapan nya. Agad syang napatigil at  pinindot nya ang kulay puting sobre na may linyang ginto.

Pagpindot nya dito ay umilaw ang buong sobre hanggang sa naging pixie dust ito at naghugis letra at ng makita nya kung anong nilalaman dito ay agad syang napatayo sa kinaupuan at mabilis nilabas ang magic stick. Ginamit nya ang kapangyarihan nyang lumipad kaya mabilis syang nakarating sa paaralan.

Nakita nya ang apat nyang estudyante na pilit hinihila papunta sa isang madilim na liwanag at ang mga white magic user namang nakabantay sa kanila ay bumagsak na sa lupa. Ang natanggap na sulat ni Juljen ay galing sa mga ito kaya agad syang pumunta. Hindi na nag-aksaya ng panahon si Juljen. Mabilis ang pagpalit nya ng anyo. Anyo ng isang Juljen na guro ng apat nyang estudyante.

Bumaba sya sa malaking puno bago lumabas at umaktong tumakbo papunta sa kanila.

"Hoy! Kayo?! Anong ginagawa nyo sa kanila?!", sigaw ni Juljen sa mga ito kaya napatingin ang apat sa kanya.

"Teacher Ugly! Help us!", tili ni Gerlie at pinagsisipa ang taong nakahawak sa kanya.

"Hulihin sya. Naramdaman kung maging sabagal sya sa plano", utos ng lalaking sa tingin ni Juljen ay ang pasimuno.

Agad namang lumapit sa kay Juljen ang mga ito. Nakasuot ito ng itim na cloaks. Agad naman pinatulog ng lalaking leader sila Gerlie. Bumagsak sila sa gilid ng kalsada.

Nilabas naman ni Juljen ang magic stick nya at pinaulanan ang sumugod sa kanya. Umiwas ang mga ito pero dahil sa dami ng magic ball na pinaulan nya ay hindi na ito nakailag. Natamaan ang mga alagad nito. Bumagsak ang mga natamaan ng white magic ni Juljen at naglaho.

"Hindi ko alam kung anong kailangan nyo sa kanila at kailangan nyo pang dukutin sila. Hindi kita mapapatawad!", galit na sabi ni Juljen at sinugod ang leader pero bago pa ito maabutan ni Juljen ay tumakas ito gamit ang isang kulay itim na liwanag o portal.

Nang masiguro ni Juljen na wala ng pagbabanta sa paligid ay ginising nya ang kasamahan nya at tinulungan syang buhatin ang mga estudyante nya papunta sa klinik pagkatapos ay umalis na ang mga ito. Naiwan naman si Juljen sa loob ng klinik habang nag-uusap sila ng doktor sa klinika tungkol sa kalagayan ng mga estudyante nya.

Mabuti nalang isang pampatulog lamang na mahika ang ginawa ng kalaban. Hindi ito nakaapekto sa kanyang estudyante.

Hindi pa nagigising ang apat ng estudyante sa clinic ng magsidatingan ang mga anim nya pang estudyante.

Nanlilisik ang mga mata ng mga itong napatingin sa kanya na para bang kasalanan nya ang nangyari sa apat. Nag-iwas nalang si Juljen ng tingin sa mga ito kahit naasiwa parin sya sa mga tinging binibigay ng anim.

"Nasaan ako?", tanong ni Dhevis kaya naman napunta sa kanya ang atensyon ng anim. Nakahinga naman si Juljen mula sa tensyong bumabalot sa loob ng clinic.

"Nasa clinic kayo", sagot naman ni Kether.

Napatango si Dhevis at hinintay naman nilang magising ang tatlo. Nang magising ang mga ito ay agad nilang inalam ang nangyari. Ang kaninang tensyon ay nagbago ng lumapit si Gerlie mula kay Juljen.

"Salamat, Teacher Ugly pagligtas mo sa amin", buong puso nitong pasasalamat sa guro. Nakayuko ito at hinihintay ang sagot ni Juljen. Sunod namang nagpasalamat ang tatlo nang mapagtanto ang ginawa ng guro.

Hindi makakibo si Juljen. Nabigla sya sa pagpapasalamat ng apat. Wala ring makakibo sa anim na estudyante nya. Nabigla rin ang mga ito sa ginawa ng apat.

Dahil sa hindi pagkibo ni Juljen ay hindi mapigilang umiyak si Gerlie. Tumulo ang luha nito sa isiping hindi sila mapapatawad ng guro sa ginawa nilang pagmamalupit dito.

"Patawad, Teacher Ugly. Hindi agad namin napagtanto ang pinakita nyong kabaitan at pagmamalasakit sa amin. Akala kasi namin noon sa inyo ay ginagawa lang ninyo ito dahil trabaho nyong intindihin kami. Hindi namin naisip na iniintindi mo kami hindi dahil guro ka namin at estudyante mo kami kundi tunay mo kaming pinapangalagaan. Tunay ang pinapakita mo sa amin kahit araw-araw ay palagi ka namin sinasaktan. Palagi ka namin iniinis at ginagalit pero sa kabila ng lahat ng sakit na dinanas mo sa kamay namin ay patuloy mo kaming pinoprotektahan. Sana mapatawad mo kami", madamdaming ani ni Gerlie habang patuloy ang pag-iyak nito sa harapan ng guro..

Hindi rin mapigilan ng lahat nang naroroon ang pag-iyak nang mabuo sa kanilang isipan ang masasama nilang ginawa sa guro. Sya ang kanuna-unahang gurong nagtiis ng ganito katagal sa kanila. Maliban sa Adviser nilang si Mr.Edward.

Sasagot na sana si Juljen ng lumitaw ang itim na mga nakabalabal. Mula sa likod ay nahawi ang mga ito at dumaan sa gitna ang pinuno nito.

Agad namang pumunta si Juljen sa harapan ng estudyante nya. Nasa likod nya ang mga ito at natatakot sa kalabang nasa harapan nila. Hindi nila alam kung sino ang mga ito. Nalilito sila sa mga nakikita nila.

"Manatili kayo sa likod ko at maipapangako kung ligtas kayo", tugon ni Juljen na kinatango lang ng mga ito habang hawak ang bawat isa sa kanila.

"Kaya mo ba talagang protektahan sila habang nakikipaglaban sa amin?", natatawang ani ng pinuno nito. Unti-unti ay napapalibutan na sila ng mga taong nakabalabal ng itim.

"Sino ka ba talaga? Ano ba talaga ang intensyon mo? ", Nilabas ni Juljen ang magic stick nya. Wala nang panahon sa pagdadalawang isip dahil ramdam nyang ito rin ang taong nakalabanan nya sa classroom.

"Binalaan na kita noon na wag kang makikialam pero ang tigas ng ulo mo kaya naman pinapahayag ko ang digmaan sa pagitan nating dalawa.", nakangiti ito ng nakakakilabot habang sinasabi ang mga salitang iyon. "Mga alagad sugudin sila!!", utos nito sa kanyang kasamahan kaya mabilis nagsikilos ang mga ito papunta sa kanila.

"Teacher U-Ugly!",nanginginig na tawag pansin ni Nessa dito dahil may humila sa kanya na isa sa mga nakabalabal.

Agad naman syang nahawakan ni Kether at sinipa ang nakabalabal dahilan para matumba ito sa sahig. Agad namang pinatamaan ito ni Juljen ng white magic ball dahilan para malusaw ito. Nilabas naman ng mga nakaitim ang kanila ring magic stick at naghanda sa pag-atake.

Kinumpas ni Juljen ang magic stick nya sa ere pero bago pa nya maitira ang mga mahika nya ay naramdaman nya ang malakas na pwersa sa katawan nya dahilan para tumilapon sya....

Dumating na ang kinatatakutan ni Juljen. Ang pangyayaring magbabago sa buhay nya at sa mga estudyante. Maapektohan ang lahat ng kaugnayan. Ito ang parteng ayaw nyang mangyari pero wala syang magagawa dahil hindi nya mapipigilan ang itinadhanang mangyari.

Magical TeacherStories to obsess over. Discover now