Epilogue

88 2 0
                                        


Masaya at nagpalakpakan ang lahat ng naroroon habang inisa-isang tinawag ang pangalan nila para kunin ang kanilang deploma.

Nito Azarcon the Trouble maker. Masaya nyang tinanggap ang kanyang deploma habang maririnig ang malakas na palakpak mula sa mga magulang nya. Nagkaayos na ang magulang nya at iyon ang malaking regalong natanggap nya ngayong araw.

Kether Gamana the Bad Genius. Naglakad naman ito habang nakapaskil ang malaking ngiti sa kanyang mukha. Proud na proud syang umakyat sa stage. Siya parin kasi ang nakatanggap ng maraming award at nasa mataas na pwesto. Nagbago narin ito. Tumutulong narin sya sa mga estudyanteng nahihirapan sa pag-aaral.

Allan Luthsiera the Bully. Nakataas pa ang kamay nya habang kumakaway sa  lahat ng mga taong binully nya. Humingi na sya ng kapatawaran sa mga ito at pinatawad naman sya ng mga ito ng walang pag-alinlangan.

Dhevis Orion the Rule Breaker. Inayos nya ang dapat ayusin nya. Mga bagay na winasak nya ay sya mismo ang umayos. Humingi rin sya ng kapatawaran sa kanyang ginawang problema at sa minsang pagwasak ng mga tuntunin ng paaralan.

Rhenz Tecson the Bad habit. Simula mangyari ang lahat ng iyon ay hindi na muling nakita si Rhenz sa palagi nyang pinupuntahang bar. Tumigil na rin ito sa pag-inom ng mga alcoholic drinks at paninigarilyo.

Jolly Jungco
Gerlie Lincoln- The Three Bitches
Nessa Macline

Bagay na bagay sa kanilang tatlo ang kanilang suot na graduation gown. Naging mabait narin sila sa mga taong humahanga sa kanila. Marunong narin silang makikipaghalubilo sa kapwa nila mag-aaral.

"Pa picture po", nahihiyang sabi ng tatlong estudyante kay Gerlie. Sila yung tatlong sinugod ni Gerlie sa drama club.

"Yes naman!", masayang ngiti ni Gerlie at lumapit sa tatlo. Hindi parin nawawala ang minsan nitong pagiging conyo kaya hindi nila mapigilang magtawanan.

Mary Rose Salazar and Merry Rose Salazar the Double Trouble. Marami man ginawang problema ang magkambal ay hindi nila parin nakalimutang humingi ng patawad sa kanilang nasagasaan. Ang kambal na Hot and Cold kung tawagin minsan ay nagbago. Naging palakaibigan na sila at madali mo nalang silang malalapitan  kapag humihingi ka ng tulong sa kanila.

William The School Principal
Margeret The Principal secretary. Ang dalawang ito ang saksi kung paano kakulit at kung gaano kalaki ang ginawang gulo ng sampo. Matigas man ang ulo ng sampong estudyante ng Section Marcos ay hindi parin nila matiis na hindi patawarin ang mga ito ng humingi ito ng kapatawaran. Nagtiis ang sampong estudyante na gawin ang punishment na binigay sa kanila ng Principal kaya ng makita nila kung paano unti-unting nagbago ang sampo ay sa huli ay napatawad narin nila ito.

"Teacher James!", Napalingon si Teacher James mula sa pagkalikot nya sa kanyang cellphone. Masaya nyang hinarap ang mga ito.

"Congrats sa inyo. Nakapagtapos na kayo ng Senior high", masaya nyang saad sa mga ito.

"Picture po tayo.",  masayang kinuhanan ni Gerlie si Teacher James habang napapalibutan sya ng siyam na estudyante.

"Akala ko nakalimutan nyo na ako", masaya man ang tinig na iyon pero sa puso nito ay naroon ang kalungkutan na pilit nyang tinatago.

"Okay lang po ba kayo? Wala bang masakit sa inyo?", nag-alalang tanong ni Jolly ng maramdaman ang lungkot sa guro.

"Wala..May naisip lang", napakamot nitong sabi sa kanyang ulo.

"Excuse me..Pwedeng kunan nyo kami ng Picture", saad ni Gerlie sa isang estudyanteng kasama nilang nagtapos. Tumango naman ito at ngumiti.

Sumenyas ang estudyanteng may hawak na camera. At agad namang nag pose ang sampo habang nasa gitna si Teacher James.

Magical TeacherWhere stories live. Discover now