Mark's POV
Ang dami nilang tanong kay Nath tungkol sa Alex Lee na 'yon pero lahat ay hindi pumasok sa utak ko.
Ang iniisip ko lang ngayon ay kung bakit pa babalik dito sa Pilipinas ang lalaking 'yon.
Kung kelan kami na ni Nath manggugulo siya?
Sorry kung medyo harsh, pero diba? Kung kelan kami na tsaka siya babalik dito.
At ang kinaiinis ko....
Bakit sa photo pa talaga namin siya nagpost ng message niya para kay Nath.
Nakakalalaki lang....
Parang may gusto siyang palabasin.
Porke sikat siya....
Ay ewan......
Kung anu-ano ang naiisip ko tuloy dahil sa inis at sa selos na rin siguro.
Haaaay!!!
Poke!
"My love....?" halos pabulong na sabi ni Nath. Nagulat ako kaya bigla akong napatingin sa kanya.
"Okay ka lang ba?... Umuwi na kaya tayo?" tanong pa ni Nath sa akin.
"Hmmm?..... Sure..." sagot ko na lang.
"O sige, uwi na tayo." sabi ni Nath sabay tayo.
"Guys... Next time na lang ulit ha?..." sabi pa ni Nath na nakatingin sa mga friends namin.
"O sige love birds.... Ingat kayo...." sabay na sabi nila.
Magkasabay kaming lumabas ni Nath ng coffee shop. At naglakad papunta sa pinagparkan ng kotse ko.
Pinagbuksan ko siya ng pinto ng kotse. Mabilis na din akong sumakay at pinaandar na agad ang kotse ko.
Wala kaming imikan habang nasa biyahe. Pero after ng almost 15 minutes ay nagsalita si Nath.
"My love, galit ka?" mahinang sabi ni Nath.
"Hindi...." sagot ko
"Hindi ka galit. Hmmm? Bakit ang tahimik mo?" kung alam mo lang Nath.... 'Hindi ako galit kasi nagseselos ako'
"My life, bakit naman ako magagalit sa'yo?" sabi ko na sa harap nakatingin. Nagdadrive naman kasi ako diba?
"My love, nagseselos ka ba?" ayon! Napatingin tuloy ako sa kanya. Hininto ko ang kotse sa gilid ng daan.