Chapter 23 At the Coffee Shop

31 0 0
                                        

Nathalie's POV

       Naenjoy ko talaga ang 1st day namin as girlfriend-boyfriend.

       I'm so happy na same pala kami ni Mark na mahilig sa car and motor racing. At least hindi ko na kailangan pang maglihim sa kanya. Hindi ko na rin kailangang mag-isip kung paano ko sasabihin sa kanya. Takot ko na lang na magalit siya sa akin o kaya ay pagbawalan niya ako.

       Hindi ko talaga iniexpect na makakamatch ko siya sa secret hobby ko.

       Sana happy kami palagi. Kung meron man kaming away o di pagkakaintindihan sana malutas namin agad. Nakakatakot naman kasi kung magkakaproblema kami. Sana talaga God tulungan niyo kaming dalawa ni Mark na mapanatiling maayos ang relasyon namin.

       "My life?....." tawag sa akin ni Mark habang nagdadrive siya papunta sa isang coffee shop. Inuman daw kasi.... Kaya iinom kami ng kape.    :)

       "Hmmmm?" sagot ko sa kanya.

       "Ang lalim naman ng iniisip mo. Pwede mong i-share sa akin 'yan." sabi niya na tumingin saglit sa akin.

       "Oy sa daan ka tumingin. Nagdadrive ka pa naman." sabi ko sa kanya na natatawa. Para kasi siyang nagpapacute sa paraan ng pagkalatingin niya sa'kin.

       "Ay sorry my life..... So, ano na 'yang iniisip mo diyan? Sabihin mo na sa akin. Dapat open tayo sa isa't-isa. Wala na tayong secret-secret pa." nakangiti niyang sabi.

       "Wala naman... Sobrang saya ko sa 1st day natin. Dapat talaga open tayo sa isa't-isa para maiwasan natin ang hindi pagkakaintindihan." sagot ko

       "Ako din sobrang saya ko. Excited na nga akong sabihin kina mommy. I love you my life..." sabi niya, ang swerte ko talaga kay Mark.

       Ayy! Oo nga pala... Hindi ko pa nasasabi sa pamilya ko ang tungkol sa amin.

       "Magvivideo call ako mamaya sa kanila. Tayong dalawa ang kakausap sa kanila ha?" dagdag pa niya.

Born for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon