Mark's POV
Ang saya-saya ko dahil sinagot na ako ni Nath. Gusto nyang ituloy ko pa rin ang panliligaw ko sa kanya.
Kahit habang buhay ko pa siyang liligawan, okay lang.
"Oo ba... Kahit hindi mo pa sabihin, gagawin ko pa rin. Basta para sa'yo lahat gagawin ko." sabi ko sa kanya.
"Akala ko hindi ka na magsasalita jan." natatawang sabi ni Nath.
"Sobrang happy ko lang kasi sinagot mo na ako. Payakap nga." sabi ko sabay yakap sa kanya at pinaikot ko pa siya sa ere.
"Hahaha! Nahihilo ako sa'yo." natatawang sabi ni Nath.
"Sorry.... Sobrang saya ko kasi...." sabi ko ng huminto na ako sa kakaikot.
"Ako din..... Ahm... Mag star gazing tayo..." nakangiti nyang sabi.
"Teka lang, kukunin ko lang ang hinanda kong kumot." sabi ko at patakbong tinungo ang pinaglagyan ko. Dalidali naman akong bumalik at nilatag ang kumot.
"Tuwing pumupunta ako dito ginagawa ko din 'to." sabi ko nang makahiga na kaming pareho sa kumot.
"Ang ganda din kasi dito. Sinong kasama mong pumupunta dito?" tanong niya sa akin pero sa langit pa din nakatingin.
"Ako lang... Kung gusto kong mapag-isa para mag-isip o gusto ko lang ng tahimik." sagot ko.
"Ah... Loner ka din pala. Minsan ganyan din ako eh." sabi niya.
Natahimik na kaming pareho. Parang pinapakiramdaman namin ang isa't isa. Pero maya-maya pa ay nagsalita ako.
"Ahm, Nath......... Ano pala ang gusto mong tawagan natin?" ako
"Kahit ano pwede... Hindi naman kasi importante ang tawagan para sa akin, ang mahalaga ay nagmamahalan tayo at nagkakaintindihan... Love and trust lang, diba? Pero ikaw kung ano ang gusto mong tawagan natin." mahaba niyang sabi. Tama naman siya eh....
"My life ang itatawag ko sa'yo, okay lang bah?" sabi ko na nakangiting nakaharap sa kanya. Napatingin din siya sa akin.
"Ahm... Okay kung 'yan ang gusto mo." nakangiti niyang sabi. Niyakap ko siya sabay bulong ng...
"I love you 'my life'... Let's stay like this for a while." tumango naman siya sa akin at sumagot ng....
"I love you too 'my life'...."
Almost 15 minutes din kaming magkayakap.
"My life, kailan mo pa nalamang mahal mo na ako?" tanong ko sa kanya.
"Ahm... Ako, ahm.... Bakit mo pala natanong?" sagot niya. Bakit parang hindi siya makasagot? Hindi niya ba talaga ako mahal?
"Para alam ko lang.... Para malaman ko kung ano ang ginawa ko no'ng time na 'yon para gawin ko ulit. Kasi diba, manliligaw ako sa'yo araw-araw para alam ko ang gagawin ko na magugustuhan mo." sagot ko sa kanya.
"Ahm, actually kasi... Ahm, wala ka namang ginawa no'n eh..." nauutal niyang sabi. So, ibig sabihin wala siyang nagustuhan sa mga ginawa ko?