Chapter 22. Secret No More

38 0 0
                                    

Mark's POV

Pagkatapos sa mall ay dadalhin ko naman si Nath sa lugar kung saan ako nagpapalipas oras at nagtatanggal ng stress.

Sa aking secret hobby...

Secret kasi iilan lang ang nakakaalam. Mga malalapit lang sa akin. Since girlfriend ko na naman si Nath, may karapatan din siyang malaman.

Nandito na kami sa lugar. Pero hindi pa ako bumaba.

Nakatulog na naman kasi ang aking girlfriend. Hilig niya lang talagang matulog sa biyahe. Dahan-dahan ko siyang niyugyog.

"My life,nandito na tayo." sabi ko sabay ng mahinang pagyugyog. Dumilat naman siya.

"Sorry... Nakatulog na naman ako." sabi niya.

"It's okay. So, tara na." sabi ko at naunang bumaba para pagbuksan siya ng pinto. Pagkababa niya ay hindi siya nakaimik. Parang nagulat siya na dito ko siya dinala.

Nasa isang parking space kami ng isang car racing field. Private siya at may pinaparentahan ding mga cars.

"A-anong ginagawa natin dito?" siya na parang nagulat

"Ahm... Ayaw mo ba dito? Gusto mo ng umuwi?" ako

"A-ano hindi. Ahm..... Nagtaka lang ako." nauutal niyang sabi.

"Ahhm, my life may sasabihin ako sa'yo. Wag kang magagalit ha?" sasabihin ko na sa kanya 'tong secret hobby ko. Bahala na kung magalit siya kaysa sa iba pa niya malalaman baka mas lalo pa siyang magagalit sa akin. Natakot lang ako baka sabihin niyang adik ako o pasaway.

"Ano? At bakit naman ako magagalit sa'yo?... Sabihin mo na. Hindi ako magagalit. Promise...." sabi niya. Sana nga talaga hindi siya magagalit.

"Ano kasi.... Ahm.... Ito kasi.... Ano... Okay lang ba na hobby ko ang car and motor racing? Ano, hindi naman madalas eh..." nauutal kong sabi. Siya naman ay hindi nagsasalita. Parang may iniisip. Matagal-tagal din bago siya nakaimik.

"Actually may sasabihin din kasi ako eh. Ahm.... Same kasi tayong secret hobby ang car and motor racing. In fact, sumasali ako sa mga drag race. Pero secret ko lang siya kasi baka magulo ang pamilya ko. Alam mo naman ang press." sabi niya na nakatingin sa entrance ng field.

Huh?

Tama ba ang narinig ko?

Same din kami?

"So? Okay na tayo?" sabi niya pa. Hindi ba kami okay?

"Oo naman. Okay naman tayo ah. Pero sana my life, wag ka nang sumasali sa mga drag race. Dilikado kasi 'yon... Dito ka na lang sa field okay?" sabi ko. Sana naman pakinggang niya ang sinabi ko. Ayaw kong mag-away kami dahil lang sa hobby namin. Nag-aalala lang talaga ako.

"Ano kasi my love.... Ahm... Sumasali kasi ako para kung manalo ako ang prize ko idodonate ko sa foundation at sa charity. Minsa lang naman..." siya

"Okay... Sasali din ako para kung manalo ako, ibibigay ko sa charity niyo. Sasama ako kung may competition kang sasalihan ha?..." nakangiti kong sabi.

Born for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon