Chapter 11 His Back?

20 0 0
                                        

Nathalie's POV

       Pagkatapos ng 2nd away game namin ay nasundan pa ng nasundan at puro naman panalo kaya maglalaro kami sa semifinal game. Pasalamat na lang ako na kahit minsa, matutulala ako at mawalan ng focus ay maayos naman ang pagtatapos ng game.

      Hindi pa kasi sya bumabalik hanggang ngayon. Hindi pa rin sya nagpaparamdam. Magdadalawang buwan na wala man lang tawag o text.

       Nagpapakabusy na lang ako para hindi ko sya laging maiisip. Halos gabi gabi na akong lumalaban ng car race. Illegal ang game na sinasalihan ko. Kung sino lang ang maghahamon ng laban at kung sino ang matalo ay sya ang nagbibigay ng premyo sa nanalo. Hindi ko kasi gustong sumali sa mga car race lalo na 'yong pinapalabas sa TV. Ayaw kong malaman ng press ang hobby ko na 'to. Ayaw ko rin kasi na pati parents ko at si lolo ay guluhin ng press. Siguro someday, pero hindi pa ngayon, at isa pa nag-aaral pa ako. Ayaw ko na hahabulhabulin ng press, 'yong kailangang laging naka disguise para hindi makilala. Ayaw ko na mawalan ng privacy.

     

       Nandito ako ngayon sa office ng foundation namin ng pamilya. Nagrerepack kami ng mga goods para do'n sa mga nalindol. Hinahanda na namin ang lahat kasi bukas na namin dadalhin ang mga ito. Kami mismo ang magdadala at mag-aabot sa mga apektadong pamilya. Gusto ko rin kasing makita ang kalagayan ng mga tao doon. Buti na lang at pinayagan ako nila mommy, daddy at lolo. Gusto pa nga nilang magsama ako ng bodyguard kaso tumanggi ako. Marami naman kasi akong kasama.

       Pagkatapos naming ayusin ang lahat ay nagsiuwi na kami para maghanda na rin ng mga personal na gamit namin na dadalhin dahil maaga ang alis namin. Hindi naman problema ang sasakyan  namin papunta do'n kasi may kaibigan si daddy na may mga private planes. Nagmagandang loob ito na doon na lang daw kami sumabay sa foundation nila na magdadala din ng relief goods doon.

       Maaga akong gumising kinabukasan. Kailangan ko pa kasing echeck ang mga dadalhin namin. Ayaw ko ng may maiiwanan o madelay ang pagloload baka makaabala pa kami sa may-ari ng eroplano.

       Pagdating ko sa airport ay nagsisimula na silang magload sa mga nakabox na mga dadalhin naming mga goods. Ang mga babae ang nagbibilang sa mga boxes at ang mga lalaki ko namang kasama ang nagbubuhat para mailagay sa eroplano. Kompleto na kaming lahat ng mga kasama ko. Dalawampu't lima kaming lahat, pitong babae at labingwalong lalaki. Puro members lang kami, hindi na kami nagsama ng mga volunteers.

       Nang matapos na naming ayusin ang mga lahat ng aming mga dadalhin ay pumasok na kami sa loob. May mga nakaupo na sa bandang dulo kaya sa unahan na kami umupo. Tinulungan ako ng mga kasama kong lalaki na dalhin ang mga gamit ko. Nakakahiya talaga, ako lang yata ang maraming dala. Parang buong closet ko na talaga ang dinala ko. Mga tatlong araw lang kami do'n pero ayaw ko lang ng nauubusan ng gagamitin.

       Nang mailagay na sa parang compartment sa bubungan ng eroplano ang mga dala ko ay umupo na ako malapit sa bintana. Paglapat ng pwet ko sa upuan ay parang bigla akong inantok. Kinuha ko na lang ang iPod ko at nilagay ang earphones sa tenga. Malayo pa naman ang byahe kaya pwede pa akong matulog. Unti unti na akong napapapikit.....

Zzzzzzzzz

       Naramdaman kong may yumuyugyog sa akin.

       "Nath gising ka muna, nasa baba daw ang parents mo..." Pagdilat ko si Rose pala, ginigising ako.

       "Thanks Rose, nakatulog na pala ako." sabi ko at tumayo na. Hindi ko na pinansin 'yong mga tao sa loob ng eroplano ganito talaga ako pagbagong gising. Bumaba na ako ng eroplano at nando'n nga si mommy, daddy at kasama din si lolo. Para talaga akong bata kung ituring nila.

       "Princess, ang aga mo namang umalis kaya hinatid na namin dito ang mga ito....." si dad habang itinataas ang dalang tatlong paper bag. Napatingin naman ako kay mom ng 'nagtataka look'

       "Naku baby, pagkain yan. Baka kulangin pa 'yong dala mo... At may breakfast din d'yan." sabi ni mom. Ito na nga ba ang sinasabi ko, ginawa na naman akong baby ng mga 'to.

       "Thanks mom, dad, lolo......" sabi ko na lang at isa isa ko silang niyakap. Ayaw ko nang makipagtalo sa mga 'to baka magbago pa ang desisyon at hindi na ako payagang umalis.

       "Ingat na do'n princess ha, at lagi kang tumawag. Okay?" si lolo ko at tumango na lang ako.

       Nagpaalam din sila agad at baka maiwan daw ako ng eroplano...

       Pagkapasok ko sa loob ng eroplano ay marami ang nakatingin sa akin. Ang mga kasama ko naman ay napapangiti. Alam na kasi nila  na sa tuwing aalis kami sa mga pagkakataong katulad ngayon ay ihahatid ako ng parents ko pati na rin si lolo at may sandamakmak na dalang pagkain at inumin.

       "Wag nyo nga akong tingnan ng ganyan...." natatawa kong sabi sa kanila.

       "Oy Nath ha, wala naman kaming sinasabi ah...." natatawa ring sabi ni Gabriel, isa sa mga kasama ko.

       "Wala nga pero 'yang mga tingin nyong ganyan... Naku, alam ko na 'yan......"ako na nakatawa pa din.

       " Oy guys, ipikit na nga natin ang mga mata natin at baka mainis pa sa 'tin si Nath."sabi ni April na natatawa pa rin. Sumunod naman ang iba. Mga loko talaga 'tong mga 'to.

       Nakinig na lang ulit ako ng mga kanta sa iPod ko at pumikit. (Alam nyo na po kung anong mga kanta 'yon,hehe.) Naramdaman kong may mga bagong dating pa. Parang may nakatayo malapit sa inuupuan ko pero hindi pa din ako dumilat.

       "Nath?" sino na naman kaya 'to? Dumilat na ako....

       "Bryan? Hey! Pupunta din kayo sa mga nalindol?" nakasmile kong tanong sa kanya. Tumango sya.

       "Oo. Buti naman dito kayo sumakay. May nakaupo na ba dito?" nakangiti din nyang sabi sa akin.

       "Wala. Dito ka na umupo.." sabi ko

       "Ai di pwede eh... Sa dulo kasi ako nakaupo pero wait lang ha?...." sabi nya at tumango lang ako.

       "Oy Mark! Bro! Dito ka na umupo!" sumigaw pa talaga? Nakaturo pa talaga sa upuan na katabi ko.

       Teka? Ano daw sabi nya?

       Processing.....

       Processing.....

       Processing.....

       Mark?

       Huh? Nandito na sya?

       OMG!

       Kinakabahan ako.

       Nanlamig ang mga kamay ko.

       Mabilis ang tibok ng puso ko.

       Hihimatayin yata ako....

       "Ano ba Bro, kailangan mo pa talagang sumigaw?"

       Nandito na nga sya...........

*******************************************

AN: sorry po sa mga nagbabasa, sa chapter po na The Unexpected kung nabasa  na po ninyo 'yon, hindi po sya natapos po. No'ng Sunday ko pa po nalaman no'ng nag eeddit ako. Nadelete po 'yong last part nya pero dinugtungan ko na po sya no'ng Sunday din. Hindi ko po talaga alam kung bakit po na delete. Ang The Unexpected po na chapter ang kasama do'n sa nasabi ko pong buong chapter na nawala na ang title ay Disappointed yata. Hindi ko na kasi nareview, kasi dapat nga 2 chapter ang ipapublish ko that day kaso nawala ang chapter na Disappointed kaya medyo nainis na'ko....

Sana po may nagbabasa pa.....

God bless po sa lahat.

Born for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon