Chapter 9 Here Without You

34 0 0
                                    

Nathalie's POV

       Makalipas ang mahigit tatlong linggo ay sa bahay-school, school-bahay lang ako. Hindi na ako nagpupunta sa mall o saan mang lugar na pwedeng pasyalan para maglibang. Nakafocus lang ako sa pag-aaral ko.

       Now playing...

       When you're looking like that by westlife

(Westlife na naman po,hehehe)

      

       Haayy!

       Inaantok pa 'ko. Gusto ko pang matulog.....

        Now playing...

        When you're looking like that by westlife

       Haayst!

       Hindi pa din tumitigil sa pagtunog ang alarm ng phone ko. Kailangan ko na talagang bumangon at baka malate pa ako sa klase.

       Ginawa ko na ang daily routine ko.

       Ayos ng kama.

       Ligo.

       Bihis.

       Harap sa salamin.

       Suklay ng buhok.

       Apply ng konting powder at lip balm.

       At bumaba na ako para kumain.

       Pagkatapos kumain ay umalis na ako papuntang school.

       Naglalakad na ako papunta sa classroom nang may tumawag sa akin.

       "Nath! Wait lang!" Nilingon ko. Si Suzette pala, ang aming assistant coach na nakatodo smile.

       "Nath, may meeting ang team later mga 11:30 sa office ni coach." Suzette

       "Okay, thank you Zette.... See you later." Ako na gumanti ng ngiti sa kanya at umalis na din sya.

       Pagkapasok ko ng room ay marami-rami na rin ang mga classmates kong nando'n. Binati na naman nila ako at nagsmile lang ako sa kanila bilang tugon. Umupo na 'ko sa upuan ko na katabi ng kay Anna.

       "Good morning Nath.... Kumusta? Tumawag na ba ang 'love of your life' mo? O tatambay ka na naman sa library mamayang vacant time natin?" Si Anna talaga araw-araw nalang ganyan ang salubong sa akin.

       Simula kasi no'ng bumalik na'ko ng school after no'ng na injury ako sa away game, lagi na lang akong sa library nakatambay. Ewan ko ba. Siguro gusto ko lang ng tahimik. At dahil do'n sa pagtatambay ko sa library, may naamin ako sa sarili ko. Na ang akala kong crush na nararamdaman ko do'n sa paasa na Mark na 'yon, ay naglevel up na ito into like. Crush ko na kasi sya kahit no'ng high school pa lang kami. Schoolmate ko sya at nauna lang sya sa akin ng dalawang taon.

       Ngayon ko lang na realize na gusto ko na pala sya. Kung kailan wala na sya dito, ngayon ko lang naamin sa sarili ko. Talagang gano'n nga siguro, kung kailan wala na ang isang tao ay saka mo lang malalaman kung gaano sya kahalaga.

       "Oy girl! Earth to, earth! Wala ka sa planet x. Bakit natulala ka diyan? Ganyan ba talaga ang epekto kung in love? Parang ayaw ko na yatang ma in love." si Anna na kumakaway na pala sa harap ng mukha ko.

Born for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon