Chapter 19 Dinner Date

31 0 0
                                    

Nathalie's POV

       Almost one month na ring nangliligaw sa akin si Mark.

       Ang sweet lang niya, sobra.

       Lagi siyang may surprise sa akin.

       Hatid sundo niya pa ako 'pag school days.

       Sabay kaming kakain 'pag break time.

       Minsan sa bahay ko na siya pinapakain ng breakfast para sabay kami. Siya lang naman kasi mag-isa sa bahay nila. Busy kasi ang parents niya sa business at binibisita rin  ng mga ito ang lolo niya na hindi pa rin daw makagalaw at makapagsalita.

       Gusto nga niya akong ipakilala sa parents niya kaso nga sobrang busy ang mga ito.

       Gusto niya ring mameet ko ang lolo niya.

       Someday...

       Saturday ngayon kaya walang pasok.

       Late na akong nagising kasi late na din ako natulog. Nagskype kasi kami ni Mark. Ang kulit lang talaga. Kung ano ano na lang ang pinag-usapan namin hanggang sa sabihin niyang magdinner kami mamaya.

       Heto ako ngayon, pagkatapos kong mag-ayos at kumain ay umalis na ako papuntang mall. Kailangan ko pa kasing mamili ng isusuot ko para sa dinner mamaya. Ayaw ko lang magmukhang ewan sa harap ni Mark.

       Nang makapili na ako ng mga bibilhin ko ay binayaran ko na at lumabas ng department store.

       Pumasok ako sa isang salon. Pinagupitan ko ng konti ang buhok ko tapos nagpa hot oil. Nagpamanicure at pedicure din ako. Pagkatapos ay lumabas na ng mall. Nagdrive na ako pauwi.

       Pagkarating ko sa bahay ay umakyat na agad ako. May time pa naman ako para maghanda kaya sinimulan ko na.

       Nang patapos na ako ay may kumatok.

       "Ma'am dumating na po si sir Mark." sabi ng katulong namin mula sa labas ng pinto.

       Huh?

       Napaaga yata siya.

       Sabi niya 6pm pa niya ako susunduin.

       "Okay po, bababa na ako!" pasigaw kong sabi, baka hindi marinig eh.

       Tinignan ko na ang sarili kong reflection sa salamin. Okay na naman pala kaya bumaba na ako.

       Nang makita ako ni Mark ay tumayo siya at inalalayan ako sa pagbaba ng hagdan. At may bitbit pa siyang bouquet ng bulaklak na gusto ko.

       Araw-araw na talaga.

     

       "Flowers for the most beautiful lady." sabi niya sabay abot ng bulaklak at inalalayan na ako pababa.

       "Thanks... Diba sabi mo 6pm mo pa ako susunduin? Eh 5:20 pa no'ng dumating ka." sabi ko

       "Ayaw ko kasi ng nalilate ako lalo na 'pag may lakad tayo. Ayaw kitang pinaghihintay. Medyo malayo rin kasi ang pupuntahan natin ngayon. At isa pa, alam kong nakaready ka na before sa time na pinag-usapan natin." mahaba niyang sabi. Nagsmile na lang ako.

       Pinagbuksan na naman niya ako ng pinto ng kotse.

       Gentleman lang eh?

       Ganito na yata 'tong si Mark.

Born for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon