Mark's POV
Hinihintay ko na si Nath sa labas ng classroom nila para sabay kaming kumain. Nakaready na ang surprise ko sa kanya.
Kring!
Nakita ko nang palabas na si Nath dala-dala ang stuff toy na pinalagay ko kina Bryan sa upuan niya kanina.
"Hi! Tara na kain na tayo." sabi ko at hinila ko na siya. Hindi siya nagsalita, nagsmile lang siya sa akin.
"Oh? Saan tayo kakain? Hindi 'to ang way papuntang cafeteria ah." nagtataka niyang sabi.
"Hindi naman po kasi tayo sa cafeteria kakain...." natatawa kong sabi.
"Huh? Eh? Saan tayo kakain?" nakakatawa talaga ang ekspresyon ng mukha niya.
"Basta..... Trust me okay?" sabi ko at nagwink pa sa kanya.
"Ah... Ohm, okay...." sya na parang kinakabahan.
"Hahaha! Wala ka naman yatang trust sa akin eh... Wag kang mag-alala may surprise lang ako sa'yo. Okay?" ako
"O sige..." sya at nagsmile na. Hinila ko na lang sya papunta sa bandang likod ng campus.
"Wow! Ang ganda naman dito. May ganito pala dito sa campus. Paano mo 'to nakita?" siya na hindi mapakali sa paglilibot ng tingin sa paligid. Nandito kasi kami sa isang man made forest at may batis sa gitna. Naglatag lang ako ng kumot tapos may mga pagkaing nakahanda.
"Ahm, nakita ko lang siya accidentally no'ng naghahanap ako ng place na tahimik. Tambayan ko na nga siya eh. 'Pag gusto kong mag-isip o gusto kong matulog dito ako pupunta." natatawa kong sabi.
Tumawa na rin siya. Naglakad siya palapit sa skin.
"Mark, thanks talaga ha? Naappreciate ko lahat ng ginawa mo." sabi niya at napayakap sa akin. Nabigla ako pero nakaganti parin ako ng yakap sa kanya. Bumitaw rin ako agad baka kung saan pa mapunta ang yakap na 'to. Ang bango-bango niya kasi...
"Wala 'yon... Gagawin ko naman ang lahat para sa'yo. Kulang pa nga eh." ako na napakamot sa batok ko.
"Seriously Mark? Nagbablush ka. Ang cute mo talaga..." natatawa niyang sabi sabay pisil sa magkabila kong pisngi. Sadista naman pala 'to. Natawa na rin lang ako.
"Kain na tayo. Marami akong dalang pagkain. 'Yong chef namin ang nagluto kaya siguradong masarap. Next time na kita ipagluluto." sabi ko sabay hila sa kanya.
"Talaga? Marunong ka?" namilog ang mga matang tanong niya.
"Oo pero konti lang... 'Pag may time ipagluluto kita ha? For now, let's dig in." sabi ko at pinaupo na siya sa nakalatag na kumot.
Kumain na kami. Nagkwentuhan at konting tawanan.
Ang saya niyang kasama. Walang arte sa katawan. Hindi mapili sa pagkain.
Unti-unti ko na siyang nakikilala.
At mas makikilala ko pa siya.
No'ng magtatime na sa next class namin ay hinatid ko siya sa classroom nila. At dumiretso na rin ako sa room ko.
************************************
AN: Sorry po... Wala akong ibang maisip na pwedeng gawin kapag nanliligaw eh,hehehe....
Thanks sa mga nagbabasa.
God bless......