Mark's POV
Nagising ako ng maaga. Naghanda na agad ako ng mga dadalhin ko, naligo, nagbihis at lumabas na agad ako. Susunduin ko pa si Nath sa kwarto nila. Kakatok na sana ako nang biglang bumukas ang pinto at tumambad sa akin ang gulat na mukha ni Nath.
"Sorry... Nagulat pa kita." sabi ko
"Hindi naman... Okay lang. Tara na sa baba para mag breakfast." si Nath nakangiting tumango naman ako
Pagkababa namin ay nando'n na ang ibang mga kasama namin at kumakain. Naupo na kami ni Nath at nag order na kami ng american breakfast. Kumain na kami ng wala ng imikan, nagmamadali na kasi.
Nakahanda na ang sasakyan namin pati na ang mga goods na dadalhin. May kasama din kaming guide para hindi kami maligaw, kailangan pa kasi naming magbangka papunta do'n sa isang isolated na town. Nasira kasi ng lindol ang tulay nila.
Magkatabi kami ni Nath dito sa loob ng van na sinasakyan namin. May dala din syang backpack.
"Nath, medyo malayo pa ang pupuntahan natin baka gusto no pang matulog sumandal na lang sa akin." sabi ko
"Sabi mo yan ha? Wala ng bawian..." natatawa nyang sabi sabay labas ng iPod nya at sinaksak ang headset.
Kinalabit ko sya at pagkatingin nya sa akin, tinaas baba ko ang kilay ko. Alam nya na siguro ang ibig sabihin non.
"Naku.... Makikikinig ka lang naman eh." sabi nya sabay saksak ng isang earphone sa tinga ko. Alam na nga nya...
"Thanks... O sige na. Tulog ka muna jan. Gigisingin na lang kita pagkadating natin." sabi ko sa kanya. Tumango naman sya at sumandal na sa balikat ko.
Zzzzzz.....
Kalabit
Ano ba naman?......
Kalabit
Kalabit
"Ay naku bro... Nasa dreamland ang dalawang lovebirds na yan."
Huh?
O_O
"Oi ano ba Bryan. Bakit ang lapit ng mukha mo sa akin?" kakagulat naman ang isang 'to.
"Yown! Nagising din." nakatawang sabi ni Bryan
"Sinong hindi magigising? Sobrang lapit mo, ang ingay mo pa."ako
![](https://img.wattpad.com/cover/28415485-288-k883212.jpg)