Chapter 16 Thinking

19 0 0
                                    

Mark's POV

Nakahiga na ako ngayon sa kama ko. Kararating ko lang. Pagkagaling ng airport ay inihatid ko pa kasi si Nath sa kanila kasi gabi na. Almost 11pm na rin kasi nang lumapag ang eroplano.

Gabi na rin kasi nong umalis kami sa probinsya pabalik dito sa Manila. Natagalan naman kasi kami sa paglilibot do'n sa mga lugar na malubha ang sinapit dahil sa lindol. Sira sira kasi ang mga daan. Bitak bitak. Naghanap pa ang driver ng alternative routes.

Napagod ako sa paglilibot kanina pero hindi pa rin ako makatulog. Nag-iisip pa kasi ako kung ano ang surprise na gagawin ko para kay Nath bukas.

Nagtaka kayo kung bakit?

Pumayag na kasi syang ligawan ko sya.

flashback....

Gabi nong 2nd day namin na mamigay ng relief goods.

Nagsibaba na kami ng sasakyan. Inalalayan ko si Nath pababa.

"Buti hindi ka nakatulog sa sasakyan?" sabi ko kay Nath

"Hindi naman kasi ako masyadong napagod. At isa pa, ang haba kaya ng tulog ko 7 am na nga ako nagising kanina diba?" sya

"Oo nga pala. So, ano na? Sabay na tayong magdinner?" Sabi ko sabay taas baba ng kilay ko

"Hahaha! Oo bah. Tara na?" si Nath na tumatawa.

Nag-order at kumain na kami pagkatapos ay nagdesisyon kaming sa rooftop na muna tumambay para magpahangin.

Nagkwentuhan at tawanan lang kami ni Nath hanggang sa may naisipan akong itanong sa kanya.

Bahala na.

It's now or never.

"Nath... Wala ka namang boyfriend diba? Pwede ba akong manligaw sa'yo?" sabi ko.

Para naman syang nanigas at matagal nakapagsalita.

"Ah, ehh.... Seryoso ka?" sabi nya na hindi nakatingin sa akin.

"Oo. Sobrang seryoso ako." sagot ko na nakatingin sa kanya. Tuningin naman sya sa akin.

"Ahm... Okay." nakasmile nyang sabi sa akin na tumango tango pa.

"Talaga? Pumapayag ka? Wala nang bawian ha?" ako

"Oo." natatawa nyang sabi

"Yes! Thanks Nath." sabi ko na napasuntok pa sa ere at niyakap ko sya. Natatawa lang sya sa akin.

Tinuloy lang namin ang kwentuhan at tawanan namin.

Nag online kami sa facebook. Nagsent ako ng friend request sa kanya at kinonfirm nya naman agad. At tinag nya sa akin ang photo naming dalawa sa bangka.

Kinabukasan ay maaga akong gumising para maghanda. Kailangan ko nang simulan ang panliligaw ko.

Naghanda ako ng breakfast sa rooftop at binigyan ko sya ng bouquet of flowers.

Thanks God at natuwa naman sya kahit 'yon lang ang ginawa ko.

end of flashback...


May naisip na akong gagawing sorpresa sa kanya bukas.

Sana lang matuwa sya.


Sana magustuhan nya....

********************************

AN: Salamat po ng marami sa mga nagbabasa.

God bless po sa inyo.

Born for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon