Mark's POV
Narinig kung sumigaw si Bryan, tinatawag ako. Kung makasigaw 'to parang wala ng bukas. At tsaka may iniisip pa ako. Parang nakita ko kasi ang parents ni Nathalie at pati ang lolo nya. Na miss ko na talaga si Nathalie. Hindi ko pa sya napupuntahan. Kararating ko lang kasi galing California. Nagmamadali na nga ako sa pagpunta dito kasi umuwi pa ako sa bahay para makaligo at iniuwi ko rin ang iba kong gamit. Mabuti na lang at naiayos na nila ang mga dadalhin namin.
Nong pumasok ako dito sa eroplano ay sumunod lang ako kay Bryan. Hindi ko rin naman kasi kilala ang ibang nakasakay dito. Sila siguro 'yong sinabi ni dad na foundation na makikisabay sa amin.
Lumapit na ako kay Bryan. Nakatayo kasi ito at parang may kausap.
"Ano ba Bro, kailangan mo pa talagang sumigaw?" sabi ko kay Bryan. Napatingin naman ako sa kausap nya....
O_O
Sya ba 'tong nakikita ko?
Parang sya nga talaga 'to. Halata ring nagulat sya na nakita nya ako.
"Nath?" sa wakas ay ito lang ang nasabi ko.
"Ahm... Hi! Kailan ka pa bumalik?" sabi ni Nath na nakangiti. Na miss ko talaga ang ngiti nya.
"Kaninang madaling araw lang. Umuwi lang ako saglit sa bahay. Buti nakasama ka dito?" ako na nakangiti.
"Ahm, may mga goods kami para sa mga nalindol. Hindi kasi makakapunta sila mommy at daddy pati si lolo kaya ako na lang. Buti nga pinayagan ako..." natatawa nyang sabi
Sinabi naman ng staff ng eroplano na lilipad na kaya umupo ako sa tabi ni Nath at bumalik naman si Bryan sa likod.
Hindi na umimik si Nath. Naka earphones siya at nakasandal sa bintana. Ako naman kahit sa harap lang nakaharap ay tinitignan ko pa rin si Nath sa gilid ng aking mga mata. Nakita kong parang nahihirapan sya sa pwesto nya kaya...
"Nath, sandal ka lang sa akin" sabay ayos sa kanya. Hindi naman sya tumutol.
"Thanks...." sabi nya
"You're welcome. Sige na tulog ka muna..." sabi ko at bahagya naman syang tumango.
Hindi ko namalayan na nakatulog na din pala ako.
Nagising ako nang may marinig akong ingay....
O_O
Bakit ang daming nakapalibot sa akin? Ayy? Sa amin pala ni Nathalie. Tulog pa pala sya. Nakasandal sya sa balikat ko habang ang ulo ko naman ay nakapatong sa ulo nya.
"Oi bro, tama na 'yang moment moment nyo. Nandito na tayo." Sabi ni Bryan
"Ano ba 'yan Bryan, baka magising si Nathalie." buti pa 'tong si Kian
"Do'n ka nga bro. Nag-aunload pa naman sila..." sabi ko kay Bryan.
Nagsibaba naman sila. Sinabihan ko na lang ang mga kasama ni Nathalie na ako na ang bahala sa kanya. Maya maya lang ay nagising na si Nathalie.
"Ayy... Sorry Mark, nakatulog talaga ako."
"Okay lang kakababa pa lang naman ng mga kasama natin. Saang hotel pala kayo?" tanong ko kay Nath
"Ahm, sa CNIP hotel kami, susunduin kami ng sasakyan nila. Kayo?..." sabi nya habang nag aayos ng sarili nya. (Wala pong ibang maisip na pangalan ng hotel kaya initials ko na lang,hehe)
"Wow! Same hotel lang pala tayo... Sabay ka na sa akin ha?..."sabi ko sa kanya ng nakangiti. Nag smile din sya sa akin.
" Hmm... Okay." yes! Hindi sya tumanggi. Salamat naman.
Pagbaba namin ay nando'n na ang mga sasakyan na sumusundo sa amin. Naload na din ang mga boxes.
Ako na ang nagdadala ng maleta ni Nathalie ang dami na kasi nyang dala. Bukod sa malaking maleta ay may malaking backpack at handbag pa syang dala. Nagsisakay na ang mga kasama namin.
"Nath! Dito!...." tawag ng kasama ni Nath
Napatingin naman si Nath sa akin.
"Saan tayo sasakay? Mukhang puno na 'yon." sabi ni Nath na nakaturo do'n sa sinasakyan ng tumawag sa kanya.
"Do'n na lang tayo." sabi ko sabay turo sa sinasakyan nila Bryan.
"Okay.." sabi nya sa'kin ng nakangiti.
"Gab! Dito na kami sasakay." sabi nya do'n sa tumawag sa kanya at nakaturo do'n sa sinasakyan nila Bryan. Tumango naman ang lalaki.
Pagkasakay namin ay pinaandar na ng driver. Mga ilang minuto lang at huminto na kami. Pagtingin ko sa labas ay nabasa ko na ang pangalan ng hotel. Malaki rin sya pero kung ikukumpara sa mga hotel sa Manila ay wala halos sa kalahati ang taas at ang laki nito.
Pagkapasok namin sa loob ay may nag guide na sa amin papunta sa mga kwarto namin. Hinatid KO muna si Nath sa kwarto nila ng mga kasama nyang babae.
"Thanks Mark... Sabay ka na sa aming kumain?" sabi ni Nath nang palabas na ako ng kwarto nila.
"Yah sure. Sasabihin ko nga rin sana 'yan... Hatid ko lang 'to sa kwarto ko." sabay turo sa maleta ko na nasa gilid ng pinto. Tumango sya at nagsmile.
Masaya ako ngayon. Nakita ko na rin sya ulit after halos dalawang buwan...
Sisimulan ko na ang panliligaw ko sa kanya.
Masaya ako sa pagbabalik kong 'to.
Masayang masaya ako.
Makakatulong na 'ko, makakasama ko pa sya...
Hiting two birds with one stone
*****************************
AN: abangan po ninyo ang moment nitong dalawang in love na hindi pa nagkaaminan sa isa't isa.
Advance Merry Christmas and a Prosperous New Year po sa inyong lahat.
God bless po sa lahat...
![](https://img.wattpad.com/cover/28415485-288-k883212.jpg)