Nathalie's POV
Pinaharurot ni Nathalie ang kanyang sasakyan ng sobrang bills dahil 5 minutes nalang at late na sya. Pagkapark ng kanyang sasakyan sa VIP parking ng kanilang eskwelahan at nagmamadali na syang bumaba. Kung nagtataka kayo kung bakit sa VIP parking sya nagpark, sa lolo lang naman nya ang university na kanyang pinapasukan. Pagkababa ay patakbo nyang tinungo ang kanyang room. Halos lahat hang kanyang mga nadadaanan at binabati cya, ganyan cya ka friendly kaya halos lahat ay nakakakilala sa kanya kahit na taga ibang department at ibang year level. Pagdating sa room ay xa namang pagdating ng kanilang prof.
"Buti nalang...." mahinang sabi ni Nathalie.
"Oy nath, bakit ngayon ka lang? Musta pala kagabi panalo ba? Anong prize?" pabulong na sabi ni Anna ang kanyang kaibigan.
"Late na kasi ako nagising. Panalo ako at ang prize condo unit sa makati." sagot ni Nathalie
"Eh, pa'no na yan? Diba cash ang kailangan moh?" tanong ni Anna
"Nakausap KO na Yong natalo KO at next week KO pa makukuha Yong money. Maya na tayo magkwentuhan baka may makarinig, alam mo namang sekreto KO lang 'to diba?" Nathalie
"Okay, sorry nath..." Anna
Nakinig na sila sa kanilang prof.
Ayaw kasi ni Nathalie na may makakaalam na sumasali sya sa mga car race baka mawalan cya ng privacy at madamay pa ang kanyang pamilya pagnagkataon. Sinisekreto nga lang nya pati sa kanyang mga magulang kasi tiyak na papagalitan cya ng mga ito. Gusto lang kasi nyang makuha ang mga prizes para pandagdag sa funds para sa kanyang pagkakawanggawa. May orphanage at home for the aged kasi cyang tinutulungan. Meron namang funds ang kanilang pamilya para sa mga charity institutions pero mas gusto nyang tumulong gamit ang sariling pera. Kulang lang kasi kung sa kanyang allowance lang cya aasa.
Natapos ang kanilang dalawang subjects at sabay silang pumuntang cafeteria para kumain. Si Anna ang kanyang matatawag na bestfriend. Lahat ng kanyang mga sekreto at alam nito. Kahit na mahirap lamang si Anna ay Hindi naging hadlang iyon para kaibiganin ito. Pareho sila ng kursong kinuha na business administration .Sabay pa nga silang nag enroll kaya lahat ng subject ay magkaklase sila.
"Ann anong gusto mong kainin ako na ang bibili hanap ka na lang ng table natin." Nathalie
"Naku nath thank you... Ikaw na lang ang bahala siguro pareho nalang sayo." Anna
"Okay Ann." Nathalie
Pumila na si Nathalie at bumili. Nakita naman Nya kung saan nakaupo si Anna.
"Thank you talaga Nath ha... Lagi mo na lang ako Nililibre." Anna
"Naku! Ito na naman po tayo... Alam mo namang parang kapatid na kita... Kain na nga lang tayo...." Nathalie
Habang kumakain ang dalawa ay may lumapit sa kanila.....
"Excuse me miss... Pwedeng makishare ng table?"
***********************************
AN: Sobrang sorry po sa mga nagbabasa....
First time KO pong magsulat... Sana po magustuhan nyo po....
God bless po sa lahat. Happy Sunday...