Chapter 10 Missing You

18 0 0
                                    

Mark's POV

       Isa at kalahating buwan na akong nandito sa California pero hindi pa nagigising si lolo. Stable naman daw sya sabi ng doktor kahapon. Hindi pa ako pwedeng bumalik sa Pilipinas. Hindi ko maiwan si Lola na sobrang nasasaktan. Iyak ng iyak pa din sya. Hindi ko naman sya mapipigilan. Sino ba naman ang tatawa kung nakikita mo ang mahal mo na nasa gano'ng sitwasyon. Maski ako ay hindi ko mapigilan ang sarili ko lalo na kapag naaalala ko ang mga kabutihan ginawa ni lolo. Ang masasayang araw namin na magkasama. Namimiss ko rin ang pagkamakulit nya. Sa tuwing kukulitin nya ako kung may gusto o mahal na ba daw ako para matulungan nya akong manligaw.

       Nakakamiss talaga....

       Sana magising na sya.

       Nakaupo lang ako dito malapit sa kama ni lolo habang hawak hawak ang kamay nya. Nandito lang ako palagi sa tabi nya. Gusto ko paggising nya ako ang una nyang makita.

       "Lo, gumising ka na po. Promise po 'pag gumising ka na, sasabihin ko na sa inyo kung sino ang babaeng mahal ko."

       Naiiyak na naman ako. Malaking parte sa pagkatao ko ang nawala sa akin dahil sa nangyari kay lolo. I lost my best friend, my adviser and the shoulder to cry on when I'm down.

       Dahil lamang sa isang aksidente ay naglaho lahat 'yon. Pero ewan ko lang kung aksidente nga ba talaga ang nangyari kay lolo o sinadya lang talaga. Kung meron mang nasa likod ng nangyayaring ito, hinding hindi ko sya mapapatawad. At titiyakin kong pagbabayaran nya ang ginawa nyang ito sa lolo ko.

       Biglang nagvibrate ang phone KO.

       May nagtext pala.

From: Bryan

       Bro , kumusta ka na d'yan? Sobrang busy ng gang ngayon. May probinsyang nalindol dito. Kailan ka ba uuwi? Kailangan ka namin. At balita ko rin, sobrang busy din ni Nathalie do'n sa foundation nya. Abala din sila para do'n sa mga nalindol. Pupunta nga yata sila do'n sa lugar mismo. We badly need you here bro. please come home.

       'Kung alam mo lang pare kung gaano ko kagustong umuwi d'yan.' sa isip ko

       Sobrang miss ko na talaga si Nathalie.

       Pinipigilan ko na nga ang sarili KO na tawagan sya. Dahil baka pag narinig ko na ang boses nya ay baka lilipad agad ako pabalik sa Pilipinas...

********************

AN: Malapit na pong umuwi si fafa Mark...

Comment naman po kayo...

God bless po sa lahat...

Born for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon