Nathalie's POV
Kumakain na kami ni Mark kasama ng mga kasamahan namin dito sa restaurant ng hotel. Hindi ko akalain na pareho kaming mahilig sa mga spicy foods. Magkatabi kami ngayon kaya sinishare nya sa akin ang pagkain nya. Okay lang din naman kasi nga pareho kaming mahilig sa maanghang. Sige lang kami ng kain at kwentuhan ng biglang gumalaw ang lamesa at upuan.
Lindol?
Oh my God!
Nataranta ako. Hindi ko alam ang gagawin ko.
Tatakbo ba ako o uupo na lang?....
Naramdaman ko na lang na yakap yakap na ako ni Mark.
"Everyone, please calm down. We're having an aftershock..." naririnig kong sabi ng isang staff ng hotel.
Paano ako magiging calm?
Nangangatog ang mga tuhod ko.
Nanginginig ako dahil siguro sa sobrang gulat at takot.
First time ko kasing naka experience ng ganito.
Buti na lang at nandito si Mark na nakayakap sa akin.
Nakaalalay sa akin.
Kung wala sya, siguro nasa sahig na ako.
Pakiramdam ko kasi naging jelly ang mga tuhod ko.
Natigil rin naman ang paggalaw ng paligid.
"Nath..... Relax, calm down.... Namumutla na na. Uminom na muna ng tubig, oh." Sabay abot ni Mark ng isang basong tubig. Uminom naman ako at kumalma ng konti ang nararamdaman ko.
"Thanks....." sabi ko sa kanya. Nagnod lang sya.
"Oi guys, tapusin na natin ang pagkain para makapagpahinga na tayo." sabi ni Bryan.
"Tatag naman ng sikmura bro. Hindi ka man lang nawalan ng gana?" natatawang sabi no'ng isa nilang kasama na hindi ko matandaan ang pangalan.
"Imposible yan bro. Ni minsan hindi yan nawalan ng gana." natatawang sabi ni Kian.
"O sige, kumain na kung sino man ang may gustong tapusin ang pagkain. Sa mga nawalan ng gana bahala na kayo kung gusto nyo nang matulog o magliwaliw muna basta wag na wag kayong lumabas ng hotel dahil delikado at tandaan nyong maaga pa tayong aalis bukas."sabi naman nong kasama sa grupo nila Mark na syang pinakamatanda sa lahat.
Hindi na namin tinapos ang pagkain. Nawalan na kasi ako ng gana. Si Mark rin siguro.
Nandito kami ni Mark sa rooftop ng hotel. Sobrang lamig ng hangin, walang bakas ng polusyon.
"Sarap talaga ng hangin sa probinsya noh?" sabi ni Mark sa akin.
"Oo nga, na miss ko na ngang magbakasyon. Sobrang busy kasi sila Dad eh." ako
"Oo nga. Kami nga rin hindi na nakakapagbakasyon." si Mark
Hindi na ako kumibo pa. Inienjoy ko nalang ang pagdampi ng hangin sa balat ko. Si Mark naman ay parang gano'n nga rin ang ginagawa. Nakatingin pa sya sa langit.
"Kumusta na pala ang pakiramdam mo Nath? Nawala na ba 'yong nerbiyos mo do'n sa aftershock?" tanong ni Mark
"Medyo okay na naman ako. Thanks talaga ha? Ngayon lang kasi ako naka experience ng gano'n eh..." sabi ko kay Mark
"Wala 'yon... Ganyan nga rin 'yong naramdaman ko no'n nong nagkalindol sa Thailand nong magbaksyon kami do'n nong bata pa ako. Don't worry nandito lang ako. Hindi kita pababayaan." sabi ni Mark na nakatingin sa akin. Hindi na ako nakapagsalita. Ngumiti na lang ako.
Nakaupo lang kami dito sa bench sa rooftop. Nagkukwentuhan ng kahit ano na lang. Kung saan saan na umabot ang topic namin. Hindi na kami naubusan ng topic hanggang sa maghahating gabi na kaya nagdesisyon na kaming bumalik na sa mga kwarto namin. Hinatid pa nga nya ako sa kwarto ko.
Pagkapasok ko sa kwarto naming mga girls ay tulog na sila lahat. Kaya naglinis na ako ng katawan at humiga na. Kailangan ko ng matulog kasi maaga pa kami bukas para maghatid sa mga relief goods.
Masaya ako ngayon.
Sobrang saya.
Imagine?
Niyakap ako ni Mark.
Ang bango nya....
Napapikit na ako. Antok na talaga ako.....
Zzzzzzz........
********************************
AN: happy new year po! Salamat po sa mga nagbabasa.
God bless po....