Chapter 8 Away From Her

37 0 0
                                    

Mark's POV

Nandito ako sa school car park para kunin ang kotse ko. Iniwan ko kasi 'to kanina at do'n sumakay sa bus para do' n sa away game.

Nagmamadali akong sumakay. Kanina pa kasi ako tinatawagan ni dad at pinapauwi. Hindi ko naman maiwan si Nathalie kaya no'ng dumating ang parents nya ay nagpaalam na ako. Nagtataka nga ako, parang importante kasi ang sasabihin ni dad at hindi pwedeng sa phone sabihin.

Wala pang 15 minutes ay nakarating na ako sa bahay namin. Pumasok na'ko sa loob at nakita ko sila mom and dad na nasa living room.

"Good evening mom, dad."sabi ko sabay kiss sa cheeks nila. Napansin ko naman na namumula ang mata ni mommy.

"Pat-pat, kailangan nating pumunta sa California ngayon. Ang lolo mo, nasa hospital at critical ang kondisyon." napahagulhol na si mommy

Ang lolo ko? Anong nangyari sa kanya?

"Nakaparada ang sasakyan nya sa gilid ng daan nang bigla na lang binangga ng isang 10 Wheeler truck. Hindi nahuli ang driver."sabi ni dad na naiyak na rin

Hindi ako nakagalaw, wari'y napako ako sa aking kinatatayuan. Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Napaluhod ako. Nanghihina ang tuhod ko. Nabigla ako sa sinabi nina mom at dad. Parang di ko matanggap na nangyari yon sa lolo ko. Sa lolo ko na mahal na mahal kami. Na lahat ng hilingin namin ay binibigay. Sobrang maalalahanin. Lahat na lang yata ng magandang katangian ng isang ama at lolo ay nasa kanya na. Idol na idol ko yon, sobra.

"Nakahanda na ang mga gamit mo. Aalis na tayo ngayon" sabi ni mom na hindi ko namalayang nakayakap na sa akin. Tumango na lang ako.

Nasa airport na kami pasakay sa private plane ni lolo. Gusto kasi ni Lola na makarating agad kami do'n. Nando'n naman ang mga Tito at tita ko pero gusto ni Lola na kompleto kami sa pagharap ng problema. Pati nga si ate eh pinasundo na nya.

Pagkababa ng eroplano ay may naghihintay na sa amin na sasakyang maghahatid sa amin sa hospital.

Pagkarating namin ay sinalubong kami ng isang Tito ko at iginiya papunta sa kwarto ni lolo. Nakita ko agad ang mga tito, tita, mga pinsan ko, si ate at si lola. Namumugto ang mga mata nila halatang umiyak. Isa isa ko silang niyakap lahat. Hindi ko na mapigilan ang pag iyak. Sinabi nilang pwede namang pumasok para makita si lolo. Kaya Dali Dali akong nagsuot ng hospital gown at facemask.

Pagkakita ko kay lolo ay napahagulgol ako. Halos di na sya makilala. Namamaga ang buong mukha nya. Buong katawan, mga kamay, mga paa at ulo ay puro benda. Sino ba ang walang awang gumawa ng ganito sa taong wala namang ginagawang masama. Wala naman akong natatandaang kaaway ng lolo ko. Kung mga kalaban sa negosyo naman ay wala naman kaming ginawang illegal lumalaban kami ng patas. Hindi naman kami nang aagaw ng kliyente at investor. Kung sino man ang may gawa nito sa lolo ko, tiyak may mabigat na dahilan.

Umuwi na ang mga Tito, tita, at iba ko pang pinsan para makapagpahinga naman. Pati si Lola ay pinauwi na rin namin, baka sya naman ang magkasakit. Sila mom at dad naman pupuntang prisinto para tingnan ang update ng imbestigasyon.

Naiwan kami ni ate at ang 3 kong pinsan. Nakaupo lang kami dito sa labas ng kwarto ni lolo.

"Pat, you have to be strong. I know, ikaw ang mas nasasaktan sa 'ting dalawa pero kailangan mong maging matatag. Bilang paboritong apo ni lolo, dapat nandyan ka palagi sa tabi nya para bigyan sya ng lakas. Kahit wala pa syang malay mararamdaman nya na nandyan ka lang..."si ate Mikhaela talaga paiiyakin na naman ako

" Pakatatag ka para na rin ma encourage kami na lumaban at harapin ang pagsubok na 'to lalo na si Lola. Alam mo kung bakit ikaw? Kasi makita ka pa lang namin kakabit na do'n si lolo. Sobrang close nyo eh. Kulang na nga lang magpalit kayo ng mukha..."si ate ba 'to? Ngayon ko lang sya nakitang sobrang seryoso. Siguro nag matured na nga sya simula no'ng maging independent sya.

Born for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon