Chapter 15 Looks like but it doesn't

26 0 0
                                        

Nathalie's POV

       Dilat

       Pikit ulit.

       Dilat.

       Blink!

       Blink!

       Huh?

       Paano?......

       Paano ako nakarating sa kwarto naming mga girls? Natatandaan ko, nasa van pa kami papunta dito sa hotel.

       Tingin sa oras.

       O_O

       Seriously?

       7am na?

       Gano'n na ba ako katagal natulog?

       Baka na adjust lang ang time sa phone ko.....

       "Good morning Nath....." bati sa akin ng kasama ko na kalalabas lang galing sa cr na bagong paligo.

       So meaning? Hindi mali ang time sa phone ko...

       "Morning...... Ahm..... Jen, sino ang..... Nagdala sa akin dito sa kwarto?" nauutal kong tanong.

       "Ah, hehehe..... Si Mark. Kyaaaaah!!! Nakakakilig kayo girl!" sagot naman nito.

       "Sshhh...... Wag kang maingay. Magigising ang iba oh.." sabi ko na lang. Kung makasigaw kasi parang walang natutulog eh.

       "Aiy! Sorry girl. Nakakakilig kasi. Imagine, isang Mark Patrick Cruz, campus heartthrob binuhat ka na parang pang bride style. First time yan. Wala ngang na lilink sa kanya ever since diba? Walang dudang love na love ka no'n....." mahabang sabi ni Jenny

       "Ano ba yan.... Binigyan nyo agad ng kahulugan ang ginawa nong tao..." napapailing kong sabi

       "Ano ba yan... Ang manhid... Like, hello? Isn't it obvious?" si Jenny habang ginagaya pa ang pagkakasabi ko.

       "Ewan ko sa'yo...." ako

       Tok! Tok! Tok!

       "Ako na Nath..." si Jen

       "Okay. Ligo lang ako ha?" ako at tumalikod papasok ng cr.

       Nagsisimula na akong maligo nang may kumatok.

       "Nath, nandito si Mark!" sigaw ni Jen mula sa labas ng cr.

       "Naliligo pa 'ko!...." sagot ko at wala nang sagot mula kay Jen

       After mga 20 minutes lumabas na ako. Ang tagal ko bang natapos?

       Sinadya ko lang 'yon. Baka kasi paglabas ko, naghihintay si Mark. Hindi pa ako ready na makaharap sya. Nahihiya ako....

       "Mabuti naman at lumabas ka rin. Akala ko nakatulog ka na naman sa loob. Kanina pa 'yong naghihintay sa'yo sa labas." sabi ni Jenny

       Wait?

       "Naghihintay?" ako

       "Oo. Kanina pa naghihintay ang prince mo." Jenny

Born for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon