Chapter 6 The Unexpected

55 1 0
                                        

Mark's POV

       Mabuti nalang at wala akong klase ngayong araw. Pinagbigyan kami ng mga prof namin na manuod ng away game kasi naman daw last semester na namin at gagraduate na kami.

       Puno na ang dalawang bus kaya no choice kundi makisakay kasama ng volleyball team.

       Sasakay ba ako do'n? Nakakahiya naman...

       Baka makita KO pa si Nath do'n at mabato ako.

       Bahala na nga........

       Hingang malalim.

       Akyat sa bus.

       Hanap ng maupuan.

       Linga to the right.

       Linga to the left.

       Ayon! May nahanap din at sa pinakadulo pa talaga. Mabuti na lang at may maupuan pa ako.

       Lakad.....

       Lakad.....

       Lakad papunta sa dulo.

       O_O

       Sa lahat ng pwedeng makatabi ko sya pa? Ang crush ko pa talaga? Nanlalamig ang kamay ko. Nakakahiya....

       Uupo na nga lang ako. Parang wala lang naman sa kanya na may tatabi sa kanya. Mabuti nalang at nakapikit parin sya. Parang tulog na tulog talaga.

       Ang ganda naman nyang pagmasdan habang nakapikit.

       Ting! (Sorry poor sound effect)

       May naisip ako....

       Nilabas KO ang phone KO at kinuhanan KO sya ng litrato at nagselfie rin ako na nilapit KO ang mukha KO sa kanya...

       Yes!

       May pang wallpaper na'ko...

       Nilabas KO rin ang binili KO at isinuot sa kanya. Tama kayo ng iniisip, ako ang nagbigay sa kanya ng wrist pad na pink....

       Umaandar na ang bus....

       Hindi ako natulog o umidlip man lang. Naka focus lang akong nakatitig sa kanya. Sana hindi na matapos ang oras na'to. Sana lagi nalang ganito.

       Parang nahihirapan sya sa pwesto nya kaya inayos ko ang ulo nya at pinasandal sa akin. Nilabas kong muli ang phone ko at kumuha ng picture namin sa ganoong ayos.

       Mga almost 1 hour din siguro at dumating na kami. Hindi naman gano'n ka layo ang gaganapan ng game, natagalan lang talaga dahil sa sobrang traffic. Pagkatigil ng bus ay inayos ko na ang ulo nya pasandal sa bintana. Tumayo nako para maunang bumaba habang tulog pa sya ngunit hindi ko napigilang tumingin ulit sa kanya at binigyan sya ng mabilis na halik sa kanyang noo. At tuluyan nakong bumaba.

       Mga ilang minuto rin at makita KO na syang bumaba kasama ng co player nya.

       "Oi pare! Andito ka lang pala. Akala namin hindi ka na tumuloy. Nawala ka kasing bigla." Si Bryan yan, kaibigan KO na sobrang kulit.

       "Pasensya na kayo pare, puno na kasi yong sinakyan nyo kaya nalipat ako do'n sa bus ng mga players." Me

       "Hindi ka kasi sumunod agad... Kinausap mo pa yong mga babaeng 'yon, eh nagpapacute lang naman yong mga 'yon." Kian, isa ko pang kaibigan

Born for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon