CHAPTER 61

5.4K 223 19
                                    

FIOLEE's POV

"It's just another night
and I'm staring at the moon
I saw a shooting star
and thought of you."

3 years? 4 years? Hindi ko alam.

"I sang a lullaby
By the waterside and knew
If you were here,
I'd sing 'to you."

Saka ko lang na realize.

"You're on the other side
as the skyline splits in two
I'm miles away from seeing you
I can see the stars
From America
I wonder, do you see them, too?"

Mali ako sa na gawa kong desisyon.

"So open your eyes and see
the way our horizons meet
And all of the lights will lead
Into the night with me
And I know these scars will bleed
But both of our hearts believe
All of these stars will guide us home"

Naiiyak na naman ako sa tuwing na aalala ko ang mga ginawa ko, iniwan ko siya nang hindi man lang nagpapaalam, nag desisyon ako ng hindi ko man lang alam ang tunay na dahilan? At pinabayaan ko siya mag-isa ng walang kasama.

Sobrang mali ko, sobrang tanga ko.

"Fiolee anak, na iyak ka na naman ba?" Ngumuso ako kay mama at tinuro 'yung radio.

"Naaalala mo si Marshall dahil sa kanta ano? Hahaha long distance na kayo ngayon at bagay na bagay sayo ang kantang 'to anak." na gawa niya pa kong biruin pero okay na rin 'to dahil hindi masyadong mabigat sa dibdib ang pag-iyak pagkasama mo ang mama mo.

"Ma tingin mo panahon na para kausapin ko siya?" Umiling si mama, siguro 'di niya pa rin tanggap 'yung katotohanan na namatay si papa dahil sa ganung paraan at ang papa pa ni Marshall ang may kagagawan.

"Pareho tayo mama, masakit pa rin dito." tinuro ko ang puso ko.

"May tamang panahon naman para naghilom 'yan, siguro hindi pa sapat ang apat taon para d'yan pero alam ko malapit na." ngumiti siya sa'kin at tumabi sa pag-upo ko, swerte talaga ako andito sa tabi ko si mama.

"Sobrang tagal na ba ng apat na taon mama? Tingin mo limot niya na ko? Tingin mo may iba na siyang mahal?" Umiling si mama saka pinakita ang sulat na galing kay lolo James, nanlaki ang mata ko sa kaalamang na hanap niya na kami dito sa tokyo.

"Wag ka mag alala 'di niya daw sasabihin kay Marshall o sa kanino man, at isa pa anak." nag buntong hininga siya.

"May nalaman akong nagpagaan ng loob ko, at the same time nagbalik ng memorya ng tatay mo." napatingin naman ako sa kaniya.

"Nakasulat kasi dito ang pagpapaliwanag nila sa nangyari, tama daw si tito Howard mo ang papa ng ni Marshall ang pumatay sa papa mo pero hindi niya ginusto iyon, dati daw kasi ay pinipilit ng papa ni Marshall na hindi uminom ng dugo ng mortal pero dahil sa pagpipigil na iyon ay hindi niya na nakontrol ang sarili niya at nakapatay ng madaming tao, at iyon nga isa ang papa mo doon pero sinubukan daw ni Jazon pigilan ang sarili niya kasi nga matalik silang magkaibigan ng papa mo at dahil lumapit ang papa mo ay na tabig niya ito at humagis sa salamin ng sasakyan at dahil nga na sugatan 'to ay 'di niya na napigilan ang sarli ng makaamoy ng dugo. ." nagbuntong hininga si mama.

"Pagkatapos daw ng trahedyang iyon sinumpa daw ni Jazon ang sarili niya at hindi na daw siya ulit kikitil ng buhay pero katulad ng na una, 'di niya kinaya ang pagpipigil uminum ng dugo at ang asawa niya na ang na patay niya." napatingin ako kay mama at umiiyak na siya.

"Sobrang sakit mawalan ng asawa anak, pero sa tingin ko mas masakit mawalan ng magulang at babaeng minamahal tama?" Napaiyak na rin ako.

"Ma mas masakit kay Marshall ang lahat." hinagod niya ang likod ko at tuluyan na kong humagolgol.

Nahihirapan na ko ngayon at ito na naman ako sinisisi ang sarili ko sa mga maling nangyayari ngayon, pero hindi pa naman huli ang lahat 'di ba? Hindi pa huli ang lahat pwede ko pang matama ang mali ko para hindi pagsisihan ang mga mangyayari.

Sana pagbalik ko sa kaniya tanggapin niya ulit ako, maitama ko sana ang mali ko.

Sana makabalik pa ko.

❦❦❦

Lumipas pa ang mga araw, hindi ako pwede umuwi sa Pilipinas ng ganun-ganun na lang, kailangan ko pa kasi asikasuhin ang trabaho ko dito bilang isang animator at author.

Isa na kong author sa isang publishing company dito sa tokyo, at the same time ako rin ang naglalay out ng mga characters ko para gawing manga dito sa japan.

Lumipas ang mga taon at ito na tupad ko na rin ang pangarap ko, kaya naman mahihirapan ako iwanan 'to ng ganun ganun na lang, Pwede naman ako mag leave pero sana sa mga panahon na 'yun maayos ko ang lahat ng ganun kadali.

"Fiolee may sulat ang lolo James mo!" Pagkarinig ko nun ay agad-agad kong binaba ang hawak ko pencil at tumakbo pababa ng hagdan.

"Na saan na ma?" Inabot niya sa'kin ang sobre at inayos na ang apron niya.

"Osya basahin mo na 'yan at tatapusin ko lang itong niluluto ko." tumango ako pero bago ko pa buksan ay muling sumilip si mama sa'kin.

"Siya nga pala 'yung manliligaw mong hapon tumawag kanina, si Kyou ba 'yun?" Ngumuso ako.

"'Di ako nagpapaligaw ma, isa pa taken pa naman ako eh, wala kaming official break up no." napatawa si mama doon at miske ako na gulat sa sinabi ko.

Totoo naman eh, taken pa rin ako ni Marshall, wala kaming official break up at sana ganun din ang iniisip niya ngayon.

Itinigil ko muna ang kakaisip at binuksan ang sobre, saka ko 'to binasa.

'Fiolee,

Tingin ko kailangan ka ng apo ko, nagiging pariwala na siya at sa loob ng apat na taon wala siyang ginawa kundi ang magliwaliw, ni hindi na namin siya nakikita at 'di na siya na pasok sa iskwelahan.

Masakit sa'king makita na wala na siyang pinatutunguhan, hindi niya na tapos ang course niya at tumigil sa pagluluto, hindi na siya bumibisita dito at ang pinakamalungkot sa lahat ay kumikitil na siya ng buhay ng kahit sino na nais niyang patayin.

Alam kong wala akong karapatan para hingian ka ng pabor pero sana apo, bumalik kana at patawarin siya, ama niya ang nagkasala at alam kong masakit sa iyo iyon pero sana apo isipin mo si Marshall.

Mahal ka niya.

ps. mag iingat kayo d'yan.
James.

Napatakip ako ng bibig at nag uunahan nang tumulo ang luha ko, ganito ba ang dinulot ng pang-iiwan ko sa kaniya? Siguro kinamumuhian niya na ko ngayon?

Kailangan ko ng mag madali at umiwi doon, kahit galit siya sa'kin pipilitin kong itama ang na gawa ko, kahit pag tabuyan niya pako titiisin ko.

Maibalik ko lang siyasa dati. 

TO BE CONTINUED 

Your Blood Is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon