CHAPTER 21

14K 449 14
                                    

FIOLEE's POV

Sabado ngayon at kakatapos ko lang maglinis ng bahay, nakakapagod pero pag nakita mo na 'yung bahay at kwarto mong malinis, bawi din naman ang pagod mo 'di ba?

"Ay nak nabayaran mo na 'yung graduation fee mo?" sabi ni mama habang hiniwa 'yung mga gulay.

"Opo ma nabayaran ko na po"

"'Di ba binigyan kita ng pang bayad mo sa Seniors night niyo? Nabayaran mo na rin ba?" Tumango ako saka siya ngumiti.

"Mamaya aalis tayo para mag arkila ng gown mo ah, ano bang napag-usapan niyo ng kadate mo? Anong kulay daw?" May ganun pa ba? Kailangan same kayo ng date mo?

"Wala pa nga akong date ma eh, kahit ano na lang ma." Na tawa-tawa siya.

"Sige tawagan ko na lang si Marshall o kaya si Prince?" 'Yan na naman si mama nakakaloka. Simula kasi nung nag paalam 'yung dalawang na kung pwede ba nga daw akong ligawan eh. araw-araw niya na kong inaasar. Siya pa nga 'yung unang kinikilig pag dumadalaw dito si Prince o kaya si Marshall.

"Bahala ka d'yan ma, basta gusto ko cocktail dress lang ah"

"Sure anak! Tapos ako mag-aayos sayo! Tapos susunduin ka ng dalawang makikisig na lalaki sa bahay Yieeeee." minsan na isip ko kung sino ba ang mas matanda samin ni mama eh.

Umalis na nga kami at namili ng mga kailangan ko para sa seniors night. Napaka gastos nga ni mama eh, pero sabi niya okay lang daw 'yun kasi once in a life time mo lang daw mararanasan 'yun kaya dapat ibigay mo na ang best mo para maging memorable ang gabi na 'yun.

Nakapili ako ng isang Red na cocktail gown. Mura lang ang renta namin pero grabe na gandahan talaga ako sa kaniya. Ang galing din ni mama tumawad sa presyo kaya nakamenos din kami.

[see image in the media]

Umuwi na rin kami pagkatapos namin kumain at mamili. Mga 9pm na ata kami nakauwi kaya daretsyo na kami sa pagtulog.


❦❦❦


"Anak bilian mo maligo!" Narinig ko 'yung sigaw ni mama mula sa baba. Nakakaloka kamo 'yan si mama mashadong excited! Pinamamadali niya ko maligo para daw ayusan niya na ko ng buhok eh, mamayang seven pm pa naman 'yung start ng party eh anong oras palang four pm!

Namadali akong mag bihis ng damit na madaling hubarin at hindi masasanggi ang buhok ko. Pinaupo niya na ko sa harap ng salamin at pinatuyo ang buhok ko.

"Nak kulayan kaya na'tin ng itim 'tong buhok mo." na gulat ako sa sinabi niya. As in now na? Ayoko nga!

"Ayoko nga ma! Kakapakulay ko lang niyan nung pasukan eh!" Binatukan niya ko at tumawa

"Oo nak mag ga-graduation na."

"Eh basta ma wag na mahal ko 'yang kulay mais kong buhok." huminga siya ng malalim at sinuklay na lang ang buhok ko.

"Okay fine! Hindi na kukulayan." at 'yun inayusan niya na ko at tuwang tuwa pa siya. Take note naka record pa kamo sa phone niya 'yung video habang inaayusan niya ko.

"'Yan! Dalaga kana nak." maluha-luha niyang sabi habang inaayos niya ang ribbon ng dress ko.

Umikot ako at nginitian si mama. Hindi ko rin aakalain na gaganda ako nakakaloka pero ito pala talaga ang kapangyarihan ng make-up.

*ding dong*

Namadaling bumaba si mama at excited na binuksan ang pinto.

"Anak andito na sila." kinabahan ako bigla ah.

Bumaba na ko at nakita ko sila Prince at Marshall na naka-coat.
Natatawa ako na ewan dahil hindi ko lubos na maisip na mag sosuot ng ganito si Marshall. Naka whole black siya at Red na kurbata, taas-taas din 'yung look ng buhok niya hindi ko alam 'yung style pero ang cool niya. May hikaw din siyang red at 'yung polo niya sa loob ay color white, samantalang si Prince ay lalo naging mukhang prinsepe sa suot niya ngayon. Naka white siyang coat at black na pants tapos 'yung polo niya ay red at bow tei na kulay black, ganun pa rin 'yung hair style niya pero bagay sa porma niya ngayon. Parang sa tatlong kulay lang umiikot ang suot namin ngayon at nakakatawa dahil bagay na bagay ang suot ko sa suot nila.

Mukhang si Marshall ang Knight and shinning armor ko at si Prince naman ang prinsepe ko. Ang kapal ba ng mukha ko parang sabihin na ako ang prinsesa nila? Pero ngayong gabi mararanasan kong maging prinsesa, kahit ngayong gabi lang.

"Fiolee you look beautiful," sabi ni Prince kaya namula ako.

"Mukha kang tao ngayon Fiolee." pang-aasar ni Marshall HAHA sanay na ko sa kaniya.

"Mala-late kayo pag nagtitigan pa kayong tatlo d'yan." singit ni mama na halatang kinikilig. Kaya 'yun sumakay na kami sa sasakyan.

Kala Marshall kami sumabay, actually may dala ring kotse si Prince at ang nagda-drive ay ang papa niya pero nag ka-emergency kaya sabi ni Jasper dito na lang daw sumakay.

And 'yun start na ng gabi ko bilang isang prinsesa.

Sana maging perfect ang gabi na 'to.

Sana. 

TO BE CONTINUED 

Your Blood Is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon