CHAPTER 52

7.2K 269 13
                                    

FIOLEE's POV


Nag stay muna kami doon sa tapat ng pintuan nila Reyly, nakasandal ako sa dibdib niya at rinig na rinig ko ang tibok ng puso niya, 'yung amoy ng pawis niya at 'yung paghinga niya.

Bakit ganun? Pagmahal mo na 'yung tao lahat sa paningen mo perfect na? Ang bango-bango niya para sa'kin, iba 'yung amoy ng pawis niya parang pabango niya na 'yun para sa'kin, at 'yung mga ginagawa niya lahat ng 'yun maganda man o hindi okay lang sa'kin tanggap ko, 'yung ugali niyang mahangin at mayabang minsan parang ang cool tignan at 'yung mga moments na ganito? Feeling ko isa akong bidang babae sa isang romance movie.

"Fiolee isa na lang sorry talaga." tumango na lang ako sa kaniya at tumingin sa langit, madaming bituin ngayon pero mas madami pa ata sa bituin 'yung pag so-sorry niya eh kanina pa siya kada minuto ata mag so-sorry siya sa'kin.

"Kantahan mo na lang pala ako," sabi ko sa kaniya at huminga siya ng malalim,

"It's just another night
and I'm staring at the moon
I saw a shooting star
And thought of you." hindi ko pa sinasabi ang gusto kong kanta pero once na kumanta na siya nagugustuhan ko na.

"I sang a lullaby
By the waterside and knew
If you were here,
I'd sing 'to you." ang lamig ng boses niya pero damang dama mo 'yung init ng pagmamahal niya habang na kanta.

"You're on the other side
As the skyline splits in two
I'm miles away from seeing you
I can see the stars
From America
I wonder, do you see them, too?" Alam ko 'tong kanta na 'to eh kay Ed sheeran 'to galing movie na fault in our star.

"So open your eyes and see
the way our horizons meet
and all of the lights will lead
Into the night with me
And I know these scars will bleed
But both of our hearts believe
All of these stars will guide us home." nakikinig lang ako sa kaniya at parang nagugustuhan ko na 'yung kanta. Hanggang sa nakatulog na ko sa bisig niya.

❦❦❦

"Oh my gosh! Exam na!" namadali kong kinuha 'yung tinapay na nasa lamesa na handa ni Marshall at sinukbit ang bag ko sa balikat ko saka tumakbo papalabas ng unit namin.

"Teka Fiolee 'yung wallet mo!" Nakita ko si Marshall na nakasilip sa pintuan namin.

Oo nga 'yung wallet ko pano ako makakasakay ng taxi nito! Kaya namadali na naman akong tumakbo pabalik sa unit namin at kinuha ang wallet ko at mabilis na humalik sa pisnge ni Marshall.

Nakita ko siyang na mula kaya natawa ako, pakiramdam ko baliktad kami, ako 'yung lalaking malalate na sa trabaho niya at siya 'yung asawa ko na nag papaalala sa'kin ng nakalimutan ko tapos hahalik ako sa kaniya saka sasabihing 'uuwi din ako ng maaga' ang cute ng mga ganung eksena no.

"Pasok ka maaga Marshall ah!" Sigaw ko sa kaniya, tumango naman siya at kumaway sa'kin, lagi kaming sabay pumasok pero this few weeks nga busy kami kaya nauuna na ko pumasok kasi tanghali siya magising or hindi kaya 'yung natitirang two hours niya nag pa-practice siya mag bake, ngayon naman hinayaan ko na siyang mag review-review para naman may maisagot siya mamaya sa exam nila 'di ba? Kahapon kasi pinahirapan siya nung dalawa kaya hindi sila nakapagreview ni Prince at kinuwento niya na rin 'yung dahilan bakit siya hinalikan nung Jane na hitad na 'yun.

Two mins bago mag start 'yung exam at nakahabol ako, hinihingal akong inilabas ang permit ko at booklet saka pinasa kay ma'am.

"Teh muntik kana malate." bulong ni Reyly sa'kin.

"Oo nga eh takbo na ko ng takbo." hinihingal kong sambit.

"Ms. Hernandez and Ms. Remegio maghiwalay kayo, doon kayo sa mag kabilang dulo." napanguso kaming dalawa ni Reyly at napahagikhik ng kaunti, nag pipigil kami ng tawa at baka mamaya hindi pa kami makakuha ng exam.

Tig one hour ang bigay saming time para mag sagot sa isang subject at salamat naman sa Dyos dahil lahat ng na review ko lumabas sa exam. Katulad ng inaasahan si Reyly ang na unang na tapos at lumabas ng room. Sumunod si Shun at mga ilang minutes sumunod na rin ako, maaga kaming nakatapos at dumaretsyo kami sa building ng mga accounting at nakita namin si Julienne na nagpapasa na rin ng exam niya.

"Ang tutulin niyo naman." Bungad niya samin.

"Wala eh ganun talaga." nag shrug ng balikat si Shun kaya na tawa kami sa pagyayabang niya.

Dumaretsyo na kami sa canteen at maya-maya dumating na rin si Prince, nag review muna kami bago kumain tutal ang break naman namin is two hours kaya iintayin muna namin sila Marshall.

"Kenneth madali ang exam?" Napatingin kaming lahat kay Reyly, lagi niya kasing natatawag si Prince na Kenneth, sana mali ang naiisip ko na kaya niya na gustuhan si Prince ay dahil lang sa kamukha niya 'yung Kenneth niya.

"Hindi ako si Kenneth." matamlay na sagot ni Prince.

"Ay oo nga pala sorry-sorry." nagbutong hinga si Prince.

"Alam mo Reyly, sino ba talaga 'yang Kenneth na 'yan?" Nakakaramdam kami ng tensyon dito, sa pagkakaalam ko kasi parang M.U na sila eh pero parang ayaw naman nila aminin sa'min pero ramdam naman namin.

"Sorry." tumayo si Reyly at kinuha 'yung gamit niya.

"May kukunin lang ako sa locker." pero halatang anytime tutulo na ang mga luha niya, dapat susundan siya ni Prince pero pinigil na namin at kami na lang ang sumunod.

❦❦❦

"Neng tama na." hinahagod ko ang likod niya, katulad ng hinala namin iiyak siya, andito kami ngayon sa CR ng girls at buti na lang walang taong na pasok.

"Bakit kasi ayaw mabura sa puso ko na hindi siya si Kenneth,"

"Magagawa mo rin 'yun, siguro pag napatunayan ni Prince na dapat siya ang kilalanin mo hindi si Kenneth," sabi ni Julienne. Tama siguro si Prince din ang makakagawa nun, siya rin ang makakabura sa puso ni Julienne kung sino si Kenneth.

"Neng tama na iyak." hindi ko talaga alam ang sasabihin ko. Kahapon ako ang ganito ah.

"Wag niyong sabihin bukas ako naman ang iiyak?" Napatawa kami kay Julienne dahil nga sunod-sunod kaming broken this days.

"Gaga hindi ka iiyak! Wala ng iiyak," sabi ni Reyly at pilit pinipigilan ang luha niya.

"Nakakinis lang kasi, 'di mabura si Kenneth dito." sabay turo niya sa puso niya.

"Tapos si Prince hindi ko alam kung ano ba talaga kami, nagte-text kami palagi, nag pupuyat kami para lang sa pag-uusap namin kada gabi at sweet naman kami pero bakit hindi niya pa ko nililigawan? Ayaw niya naman kasi dumamoves para mapakitan niya na si Kenneth dito." turo na naman niya sa puso niya.

"Wait lang guys sa tensyon na 'to ah naiihe ako." napatingin sila sa'kin ng masama at nag peace sign saka dumaretsyo sa isang cubicle.

"Buraot ka Fiolee ah panira ka ng moment ang ganda na ng line ko." sa panirang ihe na 'yun nag tawanan kami at ang mild na ng paligid.

"Eh kasi tama na daw iyak." pinindot ko 'yung plush at lumabas sa cubicle.

Okay na siya at lumabas kami sa CR at bumalik sa canteen, pagbalik namin andoon na 'yung apat na ugok at 'yung isang dyosa.

"Hi girls." bati ni Angelo. umupo na kami at kumain. Parang walang nangyari kanina pero halata naming 'di sila nag papansinan ni Prince, siguro sila na ang makakapag-ayos nito mamaya, alam ko kasi ang ugali ni Prince ayaw niyang may namamakailam sa problema niya.

Magkatabi kami ni Marshall at para siyang tanga dahil gusto niya kong subuan, nahihiya naman ako dahil sure ako mang-aasar sila samin.

"Dali na Fiolee isa lang." binatukan ko siya.

"Tumigil tigil ka nga." ngumuso siya. Awww ang cute.

"Sige na nga isa lang." pagbukas ko ng bibig sinubo niya sa'kin 'yung kutsara na may lamang ulam at kanin. Sunod nun ang tilian at asaran nila.

Mabilis kong nginuya ang pagkain ko at yumuko, alam kong mas mapula pa ko sa hipon na kinakain ko ngayon. 

TO BE CONTINUED 

Your Blood Is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon