CHAPTER 63

5.6K 231 23
                                        

FIOLEE's POV

Oras na para itama ko ang mali, para balikan ang mga bagay na iniwan ko na lang biglaan at 'yung taong sinaktan ko.

Gusto ko huminge ng tawad sa kaniya, gusto ko siyang yakapin at sabihing sorry. Sana nga lang hindi pa huli ang lahat, sana pag niyakap ko siya yakapin niya rin ako pabalik. Pero mukhang malabo na 'yun at dahil doon kinakabahan talaga akong harapin siya.

"Fiolee sigurado ka bang kaya mo na?" Tumango ako sa kaniya at ngumiti.

"Kailangan ko nang gawin 'to, isa pa miss ko na talaga siya haha." napabuntong hininga ako at unti-unti na kong kinakabahan.

Habang nasa byahe kami ni Julienne sakay sa kotse niya ay palapit kami ng palapit sa unit kung saan ko siya iniwan biglaan, kung saan binaon ko siya sa limot at ngayon babalikan ko siya? Mukhang mahirap nga ata 'yun para sa kaniya, ang kapal naman ng mukha kung bigla bigla ko siyang iiwan tapos ngayon ipagsisiksikan ko ulit ang sarili ko sa kaniya.

Pero umaasa akong tatanggapin niya ulit ako at kahit anong mangyari 'di ako susuko sa kaniya.

"Andito na tayo Fiolee, Go kaya mo 'yan," sabi niya at pinarada na ang kotse niya sa parking lot ng building na 'to.

Daredaretsyo naman ako nag lakad patungo sa pintuan ng unit namin, habang papalapit ako ramdam kong wala siya sa lugar na 'yun kaya parang bigla rin akong na lungkot.

Tinignan ko ang pintuan at sinubukang pihitin ang door knob. Bukas 'to kaya pumasok ako at tumambad ang maduming salas at kusina sa'king harapan.

Kailan pa siya naging burara sa bahay? Pumasok ako at hinubad ang coat ko saka ko nilapag ang bag ko sa table at sinimulang linisin ang loob ng unit.

Walang kalaman laman ang refrigerator niya kundi yelo at alak, ang CR niya naman ay panay titis ng sigarilyo at puno rin ng mga nag kalat na bote ng alak ang sala niya.

Habang nagpupunas ako ng mga gamit niya na punong puno ng alikabok ay unting unti tumulo ang luha ko, sobrang laki ng pinagbago niya kung para sa Marshall na kilala ko, Ang Marshall na kilala ko ay malinis sa bahay at walang bisyo pero ngayon puro alak, sigarilyo at maduming lugar na lang ang nakikita ko dito.

Pagkatapos ko maglinis ay bumaba ako para bumili ng pagkain at tinext ko na rin si Julienne na wag na kong intayin sa parking lot at mauna na siya dahil may gagawin pa ko at pumayag naman siya.

Nagluto ako ng mga paborito niya at masustansyang pagkain para naman hindi puro alak ang iniinum niya at mga noodles ang kinakain niya.

Napatingin ako sa dalawang pintuan na magkatabi, iyon ang kwarto niya at kwarto ko. Sinubukan kong buksan ang kwarto niya pero nakakandado ito at 'yung akin din naman pero may duplicate ako ng susi kaya na buksan ko ito.

Ganun pa rin ang itsura ng kwarto ko, kung saan ko inilagay ang mga gamit ko dati, 'yung kulay ng kurtina at punda ng unan ay 'yung mga paborito ko pa rin pero ang pinagtataka ko ay walang kahit anong alikabok o bakas ng matagal na hindi paggamit sa kwarto na 'to.

Nililinis niya ito at hindi pinapabayaan.

Biglang kumabog ang dibdib ko, na amoy ko na siya na nasa loob na siya ng unit na 'to at alam ko na alam niya na ding andito ako kaya wala na kong magagawa kundi ang harapin siya.

Pagtayo ko sa kama ay nakita ko siyang nakasandal sa pintuan at naka cross arm, may hawak siyang sigarilyo sa kamay niya at walang emosyon ang mukha niya.

"Ma-Marshall." nauutal ako at kinakabahan pero hindi siya ng salita kundi tinapon niya ang sigarilyong hawak niya at tinapakan 'to ng sapatos niya.

"Marshall andito ako para magpaliwanag." hindi siya tumitingin sa'kin pero patuloy ang paglalakad niya palapit sa'kin.

"Andito ako para itama 'yung padalos-dalos kong disisyon noon."

"Andito ka kung kailan huli na?" na bigla ako ng itinulak niya ko sa kama at itinungkod ang mga kamay niya para ikulong ako sa bisig niya.

"Ma-Marshall sorry." tama sorry na lang ang masasabi ko.

"Sorry? Salita lang 'yan." wala pa ring emosyon ang mga mata niya.

"Babawi ako, gagawin ko lahat para mapatawad mo lang ako. ibalik na'tin 'yung dating ikaw." na gulat ko ng bigla niyang sinuntok ang isa niyang kamay na akala ko tatama sa'kin.

"Dating ako? Wala na hindi na pwede, gusto mo makilala ang bagong ako? 'yung akong na buo dahil iniwan mo ko?" Salamat at tumingin na siya sa mata ko pero 'yung mga tingin na 'yun ay puro pag nanasa, galit at lungkot.

At pagkatapos niya ko titigan ay ngumiti siya saka ako siniil ng nga mararahas na halik.

"Marshall!" Para siyang hayok na hayok sa laman kung pano niya ko halikan.

"Marshall masakit, aray!"Ang bigat ng hawak niya sa mga braso ko sobrang higpit.

"Ito na ko ngayon, masakit? Mas masakit ang ginawa mo sa'kin kaya mag dusa ka." nag uunahan na ang mga luha ko dahil sa ginagawa niya.

Pinunit niya ang damit ko pang itaas kaya napahiyaw ako at ninais ko mang laban pero mas malakas siya sa'kin kahit sabihin pa nating bampira kaming dalawa, sa loob ng apat na taon ay hindi na ko umiinum ng dugo kaya ang lakas ko unti-unti na rin humihina at nababawasan.

"Marshall tama na!" Pero nagbibingi-bingihan siya sa mga naririnig niyang iyak at sigaw ko.

Habang sa nararamdaman ko na pababa na siya ng baba at 'yung mga kamay niya ay lalong humihigpit ang pagkakahawak sa'kin, sobrang sakit na parang gusto niya 'tong putulin at ako? Natatitig na lang ako sa kisame at umiiyak habang siya inaangkin ang katawan ko.

Hindi ko maisip na ganito pala ang ginawa ko sa kaniya, ang laki ng pinagbago niya para makayang gawin sa'kin 'to.

"Sorry." paulit ulit kong sisisihin ang sarili ko sa nangyari sayo Marshall.

"Sorry." mahal kita

"Sorry."

"Marshall sorry." 'yun na lang ang na bigkas ko bahang manhid na ang katawan ko at pag so-sorry na lang ang alam kong sabihin sa harap niya.

Pero bigla siyang tumigil at 'yung hawak niya sa'kin ay unti-unting kumalas, tumingin siya sa'kin at hinubad ang jacket niya saka inihagis sa'kin.

"Magbihis ka na at umalis dito bago pa ko may tuluyang magawa sayo." tumayo siya at tumalikod sa'kin.

Humagolgol na ko habang yakap-yakap ang sarili ko, tumingin ako sa kaniya at dumaretsyo siya sa kusina at kumuha ng alak.

"Kumuha ka ng mga lumang damit mo d'yan at umalis kana," sabi niya ng walang emosyon kaya tumayo na ko at sinunod ang utos niya.

Nagbihis na ko at lumabas ng kwarto pero paglabas ko wala na siya.

Kaya umalis na rin ako sa unit na 'yun habang patuloy na iniisp ang mga ginawa ko sa kaniya para magbago siya ng ganun.

"Marshall 'di ako susuko para maibalik kita." bulong ko sa sarili ko paglabas ko ng unit namin at dumaretsyo sa sakayan ng taxi.

Hanggang ngayon damang dama ko pa rin sa katawan ko 'yung ginawa niya sa'kin, at puro galit at pag nanasa ang mga iyon, wala nang pagmamahal.

Wala na.

TO BE CONTINUED 

Your Blood Is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon