MARSHALL's POV
"Marshall." kilala ko ang boses na 'yun ah.
Nilingon ko ang likod ko at nakita ko si Fiolee, suot ang kukay pula niyang damit nung seniors night namin, 'yung ayos niya ay ganun pa rin. Maganda pa rin siya.
"Fiolee." naglakad ako papalapit sa kaniya, inilahad niya ang mga kamay niya para abutin ko pero parang ang layo-layo ng mga ito at hindi ko magawang maabot.
"Fiolee." ngumiti siya sa'kin at iniintay niyang mahawakan ko ang kamay niya pero tumatakbo na ko para maabot 'to ngunit parang palayo siya ng palayo.
Natataranta na ko at kinakabahan, naging kulay pula ang kulay puting kwarto at unti-unting nilamon ang liwanag.
"Fiolee!" Sigaw ko at paghahabol sa kamay niya ngunit paunti unti na siyang naglalaho sa pulang kwarto na 'to na walang katapusan.
"Fiolee!"
"Marshall? Gising! Marshall!" Minulat ko ang mata ko at nakita ko si tita Fionna na mukhang nag-aalala.
"Binabangungot ka anak." pinunasan ko ang pawis ko sa noo. Grabe akala ko totoo iyon. Sobrang kinabahan ako.
"Gusto mo ba ng tubig?" Umiling ako at tumayo na.
"Hindi na tita salamat po." tumango siya at lumabas na ng kwarto.
Inilibot ko ang mata ko at ako na lang pala ang hindi pa nakakaayos. Kaya agad din ako naligo at kumain, dumaretsyo ako sa kwarto ni Fiolee katulad nila tita at Prince para tignan kung ayos na ba siya.
Pero na abutan ko doon si lolo James kasama sila Jasper at iba pang battler. Bantay sarado ang kwartong iyon at nakita kong hawak ni lolo ang isang video cam.
Lumapit ako sa kaniya." Lo, pwede na ba na'tin siyang tignan?" Nakangiti kong tanong pero sumimangot siya at tumungo.
"Apo may problema tayo." bigla akong kinabahan sa itsura ni lolo pero ginawa ko pa ring makinig.
"Napanood ko ang video kung pano niya pinahirapan si Fiolee." bumuntong hininga siya "Apo ang problema ay nauna niyang nilagyan ng dugo si Fiolee kesa sayo." kumunot ang noo ko. Anong ibig sabihin ni lolo?
"Apo mukhang iba si Fiolee." tinapik niya ko sa balikat.
"Anong iba lo? Ang gulo! Ipaliwanag mo nga sa'kin lo." tumango siya at isinama namin sila tita Fionna at Prince sa pag-uusap.
Inumpisahan niyang ipaliwanag sa'min ang lahat-lahat.
"Bago maubusan ng tuluyan ng dugo si Fiolee ay nilagyan siya ng dugo ni Renz katulad ng ginawa mo. Kalahating bampira rin siya kagaya mo at ang ikinatatakot ko ay baka mag iba ang ugali at maging hayok si Fiolee sa dugo kapag nagising ito." Lumakas ang kaba ng dibdib ko.
"Pero magigising siya tama?" Tumango lang si lolo at nag paliwanag ulit.
"Dalawa ang pwedeng kalabasan ni Fiolee dito, una ay pwedeng mag salo ang dugo niyo ni Renz bilang tao at magdudulot 'to kay Fiolee ng magandang resulta, magiging bampira siya ngunit kayang kaya niya mabuhay bilang tao at kumain ng pagkain ng mga tao. Ang pangalawa naman ay pag nag sanib ang dugo niyo ni Renz bilang isang bampira ay mag dudulot kay Fiolee ng napakalakas na kapangyarihan ngunit kapalit ay ang inum niya ng napakaraming dugo. Mahihirapan siyang kontrolin ang sarili niya at pag nagkataon ay baka mawala siya sa katinuan." halong kaba, takot at lungkot ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako sa magiging resulta nito para kay Fiolee.
"Eh lo pano ang gagawin na'tin pag pangalawa ang kinalabasan?" Bumuntong hininga siya.
"Pwede na'tin siyang turuan kung pano kontrolin ang sarili niya kung nanaisin at gugustuhin niya. Madali lang naman 'yun apo. Ang inaalala ko ay pano kung hindi niya tayo maalala." halos mabiyak na ang ulo ko sa mga nalaman ko.
BINABASA MO ANG
Your Blood Is Mine
VampireFiolee Hernandez- isang simpleng dalaga na nais lang naman siyang i-crush back ng crush niya, pero nagbago ang tahimik na buhay niya nang isang gabi ay nalaman niya na 'yung kababata niyang si Marshall ay bampira na. Kasama ang crush niyang si Prin...