MARSHALL's POV
Marshall sorry.
Sorry
"Tssk 'di ko kailangan ng sorry mo." bulong ko sa sarili ko habang iniinum ang alak na hawak ko. Naiisip ko na naman 'yung pangyayari kanina kung pano siya huminge ng tawad.
"Anong problema mo tol?" Tinapik ako ni Aries 'yung may ari ng bar na 'to, nakilala ko siya sa mga gang war na minsan ay nasalihan ko at madalas siya rin ang nag aakyat ng droga dito sa Pilipinas.
"Wala." nagbuntong hininga ako tumayo na.
"Uuwi ka na agad?" Tumango ako.
"Dadating 'yung mga chikabebs na dala ni Yoh mamaya, ayaw mo makipagkilala? Hahaha." binatukan ko siya.
"'Di na, kayo na lang." tinaas ko ang kamay ko saka kinaway 'to.
"Ganiyan ka naman eh, lagi kang umaalis pag may mga babae na haha." hindi ko na siya nilingon at dumaretsyo sa unit ko.
Pagpasok ko ay nanibago ako sa itsura nito, malinis kasi 'to at walang amoy usok at mga nakakalat na bote sa sahig, napatingin ako sa kasirola na nakalabas at nakalagay sa lamesa.
Pagbukas ko ay sinigang, malamig na 'to pero halatang wala pang kumakain. Inilagay ko 'to sa kalan at pinainit ulit saka ako umupo at kumain.
Ilang taon na ba ko 'di na kakakain ng ganitong mga pagkain? 'yung lutong bahay na sobrang sarap kainin pag may kasalo ka.
Napatingin ako sa paligid ko, at nasapo ang ulo ko.
"Wala na nga pala akong kasama dito, wala na kong kasama para may sumabay sa'kin kumain." napabuntong hininga na lang ako at inubos ang nilutong pagkain ni Fiolee.
Naawa ako sa itsura niya kanina, bigla tuloy akong nakaramdam ng inis at lungkot nung maalala ko na naman siya, bakit pa siya bumalik dito? Para ano? Iwan lang ulit ako?
Wala na kong paki alam sa kaniya, kailangan ko na siyang burahin sa utak ko dahil kahit kailan wala namang nag tyatyagang samahan ako sa buhay na 'to eh. Miske sila lolo parang wala na sa'king pakialam, napakabigat naman kasi ng mundong mayroon ako at sa dami pa talaga ng tao sa mundong 'to sa'kin pa lahat nangyayari 'to.
"Ano bang na gawa ko?" 'di ko na napigilang umiyak.
❦❦❦
"Marshall?" Naglalakad ako ng makasalubong ko ang isang lalaking may kalakihan ang katawan at nakasalamin.
"Marshall dude!" na gulat ako ng yakapin niya ko at halos sumampa na sa'kin, nahiya tuloy ako bigla dahil ang daming nakatingin samin.
"Ano ba 'di ako bakla para patulan ka lumayo ka nga sa'kin tssk." saka ko siya tinulak at humagalpak naman siya ng tawa.
"Ayon sa memorya ko tropa tayo," sabi niya at lumapad lalo ang ngiti niya, bigla naman pumasok sa utak ko ang itsura ni Dexter, 'yung classmate ko nung college.
"Dex?" Tumango siya at inakbayan ako.
"Tara dude kain tayo." napatingin ako sa kaniya nang masama pero para wala siyang paki at inaya ako kung saan.
Pumasok kami sa isang five star hotel dito sa manila, at pinaupo niya ko sa isang table doon.
"Wait a second, kukuhain ko lang ang menu." napatingin ako sa paligid, high class restaurant naman 'to pero bakit self service siya?
"Here pili na! akong bahala magluto." napatingin ako sa kaniya at ngumiti siya.
"Chief ka dito?" Tumango siya.
"Ahh good for you," Nas abi ko na lang, tssk buti pa siya naging cook.
"Kung gusto mo pwede kitang tulungan mag apply dito." umiling ako at tumingin ng walang emosyon sa kaniya.
"Sira ba kokote mo? Kita mong 'di ako nakapagtapos 'di ba." pinalo niya ko sa likod ko ng sobrang lakas kaya muntik ko na siyang masapak pero pinigilan ko ang kamay ko.
"To naman eh mas magaling ka pa ng sa'kin magluto eh, remember?" Umiwas ako ng tingin sa kaniya at tinuro ang trip kong kainin sa menung sinasabi niya.
Mga 25mins ata at lumabas na siya dala ang inorder ko.
"Here is your order sir." Napatingin ako sa nilapag niya at mukha nga 'tong masarap.
"Teka libre 'to tama?" Tumango siya.
"Tara kain na tayo," sabi niya at umupo sa harap ko, nagkwento siya ng kung ano-ano at wala naman akong pakialam. Kumain lang ako ng kumain habang siya dakdak ng dakdak sa 'di ko alam na topic. Hanggang sa napantig ang tenga ko sa sinabi niya.
"Sorry dude ah na takot kami." napatingin ako sa kaniya at nakayuko lang siya bahang hawak-hawak ang tinidor.
"Sorry dude nagpadala ako sa takot, saka 'di naman talaga namin nais na iwasan ka eh. Promise kaibigan ka namin." napalo ko ang lamesa kaya nakatawag kami ng pansin.
"Kung kaibigan niyo ko sana dinamayan niyo ko ng panahon na kailangan ko kayo, kung kaibigan ko kayo sana hindi umabot sa apat na taon ang pag iwas niyo sakin at sana kung kaibigan ko kayo 'di kayo pinangunahan ng takot." iniwan ko siya ng nakatulala doon at umalis na sa lugar na iyon.
Mukhang wala ng puwang sa puso ko ang mga taong nang iwan sa'kin ngayon ah, parang wala ng epekto lahat.
Ayoko ng balikan ang nakaraan.
Si Fiolee at ang iba pa!
Kung ang buhay ko lang naman ay nakatadhanang maging mag-isa eh bakit ko pa sasanayin ang sarili kong may kasama?
Tama imbes na tanggapin ko pa sila sa buhay ko mas okay siguro na iwasan at tanggalin ko na lang sila sa buhay ko.
TO BE CONTINUED
BINABASA MO ANG
Your Blood Is Mine
VampirFiolee Hernandez- isang simpleng dalaga na nais lang naman siyang i-crush back ng crush niya, pero nagbago ang tahimik na buhay niya nang isang gabi ay nalaman niya na 'yung kababata niyang si Marshall ay bampira na. Kasama ang crush niyang si Prin...