CHAPTER 27

12.9K 434 21
                                    

FIOLEE's POV

"Hindi pwede." pagkukumbinsi ko sa babaeng nasa salamain.

"Pwede 'yun, isa pa mahal ka naman niya lahat ibibigay niya sayo," sabi ni Renz. Oo tama kinakausap ko ang isa ko pang pagkatao na ang hirap kumbinsihin.

Naguguluhan ako sa pagkatao ko. Dalawa kami sa iisang katawan at sobrang hirap niyang kontrolin dahil pag gusto niya gusto niya talagang gawin.

"Baka masaktan siya pag ginawa ko ang gusto mo." inirapan niya ko at hinawi ang mahaba at kulay itim niyang buhok.

"Alam mo Fiolee napaka ignorante mo." napanguso na lang ako, sa isang linggo kong pakikitungo sa kaniya tinatarayan niya talaga ako. Iba siya sa totoong mukha ko, oo mag kamukha kami pero ang layo ng proma niya sa ayos ko. Mukha siyang babaeng liberated at maarte.

"Hey! Fiolee please pagbigyan mo ko." pangungulit niya. Gusto niya kasing lumabas sa pagkatao ko para kagatin si Marshall pero ayaw ko.

"Ayaw ko!"

"Ang arte mo talaga! Alam ko naman na nagugutom kana." tama nagugutom na ko pero ayaw ko uminum ng dugo ni Marshall. Pagkabilugan ng buwan doon lang siya nagpapakita at doon ako sinusumpong ng ugaling hindi ko maipaliwanag.

"Fiolee sinong kausap mo." na gulat ako ng pumasok si Marshall at nagtatakang kinamot ang ulo niya.

"Si Renz! Ito oh!" Tinuro ko 'yung salamin at tatawa-tawa siyang lumapit sa'kin.

"Okay Okay 'yung isa mong pagkatao? Tama si lolo James 'yung dugong na nanalaytay sayo ay kay Renz kaya ka ganiyan." umupo siya sa kama ko hawak ang notebook.

"Mamaya pupunta dito si lolo para ipaliwanag sayo." umupo rin ako sa tabi niya na nagtataka. Pinag-aaralan nga pala ni lolo James kung anong klase akong bampira sana hindi naman nakakatakot.

Tumingin ako sa kaniya na busy busy magsulat ng lesson ata namin kanina.

"Uy ano pinag aralan niyo kanina?" inagaw ko 'yung notebook niya at pinagtawanan ang mala doktor niyang sulat. HAHA

"Yabang mo ah! Akin na nga!" Kunuha niya ulit 'yung note book at nag smirk

"Wala naman graduating na tayo kaya nagpapractice na mag martya sa stage. Three weeks na lang graduate na tayo Fiolee." pinisil niya 'yung pisnge ko.

"Aray ano ba!" Tawa lang siya ng tawa habang ang saya-saya niyang hinihigit ang pisnge ko.

"Tigilan mo ko Marshall!" Ngumuso siya.

"Ilabas mo muna ang bunny teeth mo." lakas mang asar ng isang 'to. Pag 'yung pangil ko ang inilabas ko humanda ka.

"Eh! Ano ba!"

"HAHAHAAH." Biglang may kumatok sa pinto kaya napaayos kami ng upo.

"Pasok po." pumasok si lolo James kasunod si Lenalie na dala ang maraming libro.

"Tara dito at ipapaliwanag ko." agad kaming sumunod kay lolo James at umupo sa magkabilang upuan.

Lahat ba talaga ng librong ito ay binasa ni lolo? Nagbabasa na rin ako ng libro dahil sabi nila ay dapat alam ko ang history ng lahi namin pero hindi ganito kadami nakakaloka!

"Okay. Lahat ng libro na to ay walang nag paliwanag sa'kin ng katotohanan." nag buntong hininga siya.

"Pero kanina tinawagan ko si papa." nanlaki ang mata ko. As in buhay pa ang papa niya?

"Wag kana mag taka Fiolee imortal na tayo malamang sa malamang may mas matanda pa sa papa ni lolo James." sabagay tama si Marshall hindi ko lang talaga lubos maisip na totoo lahat ng nabasa ko sa libro.

"Okay balik tayo sa usapan, Dhampir ang dalawang bampira na nag bigay sayo ng buhay tama." tumango lang ako.

"Si Renz at si Marshall ay half-vampire at tawag doon ay Dhampir ngayon sa buong history ng mga bampira ikaw lang ang binuhay sa pamamagitan ng dalawang dugo ng kalahating bampira." Ako ang kauna-unahang bampira na ganun? Parang kinilabutan ako na proud hahaha.

"Eh pano po 'yun? Ano daw po maaring mangyari?" tumingin siya sa'kin.

"Sabi ni papa, maari daw dalawa ang maging pagkatao mo. 'Yung isa ay galing sayo at 'yung isa ay mabubuo galing sa nagbigay sayo ng buhay." Napatayo si Marshall sa upuan.

"Pano 'yun lo? Hindi niya ba pwedeng kontrolin 'yun? Saka posible bang masama ang magiging epekto nun sa kaniya?" Sumalumbaba si lolo James.

"Relax apo magiging okay din 'to. Pwede niya naman itong kontrolin kung mapag aaralan niya at isa pa lalabas lang naman ito pagkabilugan ng buwan katulad ngayon." at tumingin ulit siya sa'kin

"Alam kong kinakausap mo siya Fiolee." tumango ako.

"At ang isa mong pagkatao ay sexual vampire Fiolee ito ay 'yung klase ng mga bampira na kumukuha ng lakas nila galing sa mga nabibiktima nila at pagkatapos doon sila iinum ng dugo." naintindihan ko ang sinabi ni lolo James dahil pag si Renz ang nasa katawan ko pakiramdam ko talaga nag iinit ko. My gosh ayaw kong mangyari sa'kin 'yun! Isa pa bata pa ko at gusto ko ay pagkatapos ng kasal ginagawa ang mga bagay na 'yun. Anong gagawin ko?

"Don't worry apo. Pwede mo naman siyang labanan at isa pa wag kang papagutom pagkabilugan ng buwan." tumango ako. Pero kahit sabihin ni lolo James na okay lang kinakabahan pa rin ako eh. Sana makontrol ko ang sarili ko please.

"Isa pa pala Fiolee." inaayos niya ang mga libro.

"Next week papasok kana kaya dapat wag kang madidistract sa mga amoy ng dugo nila. Alam ko naman na iba ang naging pang amoy mo sa dugo at alam mo ba na kakaiba ka saming lahat dahil sa taglay mong lakas?" Nag ningning ang mata ko. Parang bella lang sa twilight?

"Dahil sa lakas ng pang amoy mo, kahit isang dhampir vampire siya maamoy at maamoy mo pa rin 'yun. Hindi lang bampira ang kaya mong malaman kundi kahit anong uri pa ng nilalang 'yan idagdag mo pa ang kakaiba mong lakas." so matalas talaga ang pang amoy ko?

"So Fiolee pag-amoy putok ako alam mo na HAHAHA mamatay ka sa baho." Adik talaga 'to si Marshall nasa bunutan ko tuloy siya.

"Hala! Pati 'yun lolo James maaamoy ko talaga ng sobra?" Natawa si lolo James at kinamot ang ulo niya.

"Iyon ang hindi ko alam apo." tatawa tawa siyang lumabas ng kwarto. Hala pano 'yan pag may mabaho maamoy ko kaagad? Iewww kadiri!

"Hindi nga ko maliligo HAHA"

"Subukan mo lang Marshall! Kakagatin ko 'yang leeg mo." dinilaan ko siya.

"Okay lang." saka niya ko inakbayan. Aba ang isa 'tong purkit alam niya lang na mahal ko siya lagi na lang siya nanchachansing.

"Mahal naman kita eh." sabay kindat niya sa'kin. Gosh kahit bampira na ko kinikilig pa rin naman ako no!

"Tigilan mo ko." yumuko na ko dahil alam kong namumula na ko sa kilig.

"Pero Fiolee alam mo lalo akong na inlove sayo." Napataas ang ulo ko dahil na gulat ako sa sinabi niya. Hindi naman kasi siya sweet pag dating sa salita kaya na nibago talaga ako.

"Fiolee busted na si Prince 'di ba?" tumingin ako sa kaniya at tumango.

"Wag kana magpapaligaw sa iba ha, ako lang para ako lang din ang pwede mong sagutin." iyan na naman 'yung mga butale ko sa tyan nag ta-transform bilang paro-paro. Feeling ko nga paniki na ang mga 'to eh.

"Ahmm O-oo." nahihiya talaga ako sobra na siguro ang panumula ng mukha ko.

"Salamat Fiolee." niyakap niya ko ng sobrang higpit. Hindi ko lubos maisip na si Marshall pala ang mamahalin ko, 'yung lagi nang-aasar at binubweset ako nung bata pa kami at kahit nung mag dalaga at binata na kami hindi siya pumapalyang inisin ako pero ngayon pinapakilig niya na ko.

Gusto ko na rin siyang sagutin pero papaabutin ko na lang sa graduation para iyon na rin ang gift ko sa kaniya.

Mahal ko na rin 'tong tao na 'to sobra! Sana siya na 'yung last ko 'di ba? kasi mahirap na makahanap ng true love na tatagal habang buong buhay. Dapat eternal Love ang mayroon kami kasi imortal kami eh hahaha.

Three weeks na langMarshall magiging boyfriend na rin kita.

TO BE CONTINUED 

Your Blood Is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon