CHAPTER 5

28.2K 888 67
                                    

FIOLEE's POV

"Turn your books on page seventy five," nilipat ko 'yung libro ko sa page seventy five.

Nakakatamad ang araw ko, araw-araw na lang ganito nangyayari sa'kin. Gigising ng maaga, papasok sa school uuwi sa hapon at magigising na naman sa umaga para pumasok. Halos paikot ikot lang 'yung nangyayari sa'kin eh.

Nakasalumbaba akong tumingin sa bintana. Tabi kasi ng bintana ang upuan ko at sa gilid ko naman ay si Marshall. .

"Hayss." napabuntong hininga na lang ako, simula kasi ng nangyari sa bahay niya hindi ko na ulit nakita si Marshall. Tatlong linggo na siya hindi na pasok miske mag paramdam 'di niya magawa. Lagi ako na daan sa apartment niya para iwan siya ng pagkain pero 'di man lang niya ako mapagbuksan ng pinto. Alam kong andoon siya dahil kada babalik ako para maglagay ulit ng pagkain, wala na 'tong laman at malinis na 'yung taper wear na pinaglagyan ko nung pagkain.

"Ms. Hernandez stand up." ay tipaklong! patay 'di ako nakikinig kay Sir baka na halata niyang naglalakbay 'yung isip ko, lagot ako.

Tumayo na lang ako gaya ng sabi niya.

"Who is the Prince of Macedonia?" Lintik na sino nga ba? hala anong gagawin ko?

*gulp*

"Sir! Sorry I'm late hehe," napatingin kaming lahat sa nagbukas ng pinto at hinihingal na si Marshall.

Si Marshall?

"Mr. Perez bakit ngayon ka lang? at isa pa kalahating minuto na lang tapos na ang subject ko. Pumasok ka pa?" Nagkamot kamot ng ulo si Marshall sabay tawa. Katulad ng dati mahilig talaga siyang ngumiti.

"Sir nagkasakit po ako, kinausap na po ng lolo ko 'yung adviser ko pati rin sana po kayo hehe." napakamot na lang ng batok si Sir at inayos ang salamin niya.

"Okay seat down, okay class! We have a short quiz about our topic at Ms' Hernandez you can take your seat too." naglakad na siya pabalik sa tapat ng board at nagsulat doon. wooo na ligtas ako doon ah!

"Yow men pumupogi ah! bagay sayo 'yang gupit mo astig," sabi ni Bruce kay Marshall.

"Hahaha matagal na kong pogi! ano nababading ka na naman sa'kin Bruce?" Kapal talaga ng mukha nito ni Marshall tsk mukha namang hito!

"Gosh Jen tignan mo ang pogi ni Marshall oh." aba pati si Jen nakapansin nun ah? na saan ba banda d'yan kay Marshall ang kapogian? eh puro kalyo naman 'yang mukha niyan tsk!

"Oo nga pero parang ang pulta niya no? pero ang pula ng labi niya saka ang pogi niya lalo sa buhok niya." bulong naman ni Jen na halos marinig na ng buong klase namin. Bulong ba tawag doon? Tsk!

"Ang puti niya nga." dagdag pa ng isang 'to tsk ano ba nakikita nila kay Marshall eh ganun pa rin naman siya maputla nga lang?

"Malamang nagkasakit siya kaya siguro pumuti 'di kasi nakakalaboy no pre!" sapal pa ni Jeck. Aba famous 'tong si Marshall ah, tamo 'di man lang ako mabati samantalang lagi akong na punta sa bahay nila para tignan kung okay siya tapos ganun ako 'di niya papansinin? aba kapal talaga ng mga kalyo niya sa mukha!

"Fiolee ba't ang sama ng tingin mo sa'kin? o baka nang gigil ka na naman sa labi ko? mapula ba? pwede mong halikan to! HAHA!" hu? ano daw?

Halikan ko daw 'yung labi niya? kasi daw nang gigihil ako sakaniya? tama ba ang na rinig ko?

"Kapal ng kalyo mo sa mukha! ba't pumasok ka pa ha!" halos marinig na ng buong building namin 'yung sigaw ko at paghampas ko sa table with matching tadyak pa. Kaya naman.

"Ms' Hernandez! Mr Perez! sa office ko mamaya," sabi ni Sir at nag start na siyang magtanong para sa quiz namin.

Binabawi ko na! sana paulit ulit na lang 'yung nangyayari sa'kin sa araw-araw Asar!

"Fiolee sigaw pa more haha." bulong niya sa'kin. Nang gigil na talaga ako sa lalaking 'to.

Matapos ang paliwanagan sa office ni Sir ay pinauwi na rin kami. May kausap na matandang lalaki si Marshall 'di siya ganun katanda actually ang cool niya ngang tignan kasi kahit kulubot na 'yung balat niya unti ang tikas pa rin ng pangangatawan niya. Sino kaya sya?

"Fiolee!"

"Ano na naman Marshall?" Sabay irap ko, taray effect kunwari.

"Punta kayo ni tita Fionna sa bahay mamaya? "

"Sa apartment niyo? bakit anong mayroon?" Baka may kainan sa kanila masaya 'to!

"Mamanhikan ka na para sa'kin 'di ba?" putspa!

"Ano? Kapal mo naman hudas ka!" tawa siya ng tawa habang hawak niya 'yung tyan niya. Kulang na lang eh gumulong na siya sa damuhan kakatawa.

Tuwang tuwa talaga siyang inisin ako, pero okay na rin 'to kesa naman 'yung nangyari nung nakaraan.

"HAHAHA 'yung butas ng ilong mo lumalaki pag nagagalit ka HAHA." tawa pa bwisit 'to

"Ewan ko sayo! d'yan ka na nga!" Naglakad na ko papalayo sa kaniya pero alam kong sinusundan niya ko.

"Fiolee susuduin ko kayo mamaya ah bye!" Ginulo niya 'yung buhok ko saka kumaripas ng takbo, 'yung ipit ko na gulo letche 'di na 'to makikita ni Prince inayos ko pa naman tsk.

"Susunduin?" teka alam naman na namin 'yung apartment niya eh tangek talaga 'yun.

"Fiolee." hays sarap sa tenga ng boses na 'yun.

"Oh bakit Prince?" sabay pa-cute.

"Pwede ka ba mamayang 6pm?"

"Oo naman yes pwedeng pwede! bakit ano ba 'yun?" Sinabi ko 'yun with a big smile.

"Papatulong sana ako dito sa song writing contest naming, kung ayos lang sayo?" hinawakan niya 'yung batok niya na para bang nahihiya. Ano ba Prince wag kang ganiya! kinikilig ako!

"Song writing? bakit naman ako ang naisipan mong hingan ng tulong?" Tinignan niya ko sa mata. Wag kang ganiyan baka matunaw ako ano ba?

"Ah kasi, sa totoo lang na rinig kong maganda 'yung boses mo kaya sana papatulong akong lapatan 'to ng tono." pinuri niya ko? pinuri niya talaga ako? omg pinuri niya ko!

"Ah kanino mo naman nalaman 'yan ha? 'to naman hindi kaya maganda ang boses ko no." Sige Fiolee pabebe ka pa HAHAHA!

"sige na please Fiolee. ikaw ang gagawin kong inspirasyon para dito." Ako daw inspirasyon? Pwede ba kong mag wala dito? As in now na?

"HAHA 'to naman wag kang ganiyan, sige mamaya pupunta ako." sabay ngiti ng bongga.

"Salamat talaga Fiolee." kinuha niya 'yung kamay ko at hinawakan 'to. Tingin ko magtatransform ako bilang isang kamatis dito eh!

"Wa-walang a-anuman Prince." namunula na ako alam ko. Ang init ng mukha ko asar!

'Yung tingin niya sa mukha ko na punta sa buhok ko! Argh Marshall!

"Ah Fiolee saan ka ba nag pupupunta? ba't ang gulo ng buhok mo?"

"Ah eh, hahaha."

"Ang gulo ng buhok mo Hahaha, halika nga dito, akin na aayusin ko." tapos hinagod niya ng daliri niya 'yung buhok ko at inayos 'to. 'Di siya gaanong maayos pero feeling ko ang ganda-ganda ko ngayon dahil sa pinaggagagawa niya. Pwedeng sumigaw?

"Osige Fiolee kitakits mamaya thank you!"

"Bye bye! sige!" Tumalikod na ko at tumakbo papuntang CR at doon ko nilabas lahat ng kilig na naipon sa mukha ko.

MARSHALL POV

"Ahh ganun pala? wala daw siyang pupuntahan mamaya, samantalang kakasabi ko lang sa kaniya."

Naglakad na ko papauwi mag-isa. 

TO BE CONTINUED 

Your Blood Is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon