CHAPTER 45

8.4K 302 22
                                    

MARSHALL's POV

Hindi pa rin mawala sa isip ko 'yung nangyari kanina doon sa super market, sino ba kasi 'yung lalaki na 'yun? Kilala niya daw ako at tinawag niya pa kong halimaw.

Mukhang kilala ko rin siya pero hindi ko alam kung saan at kailan ko siya nakita.

Saan nga ba?

"Marshall nasusunog na 'yung sinaing oh." namadaling pinatay ni Fiolee 'yung kalan at nabalik naman ako sa ulirat nang tignan niya ko maige mata sa mata.

"Umamin ka nga, ano bang nangyari sayo kanina? Bakit pagkauwi mo palang parang ang lalim na ng iniisip mo?" Napailing ako kahit kailan talaga hindi ako makakapaglihim dito kay Fiolee.

"Ah kasi may lalaki akong nakita kanina." umupo siya at sumalumbaba sa mesa.

"Tapos?" Hinubad ko 'yung apron ko at sinabit sa bangko.

"May kamukha siya pero hindi ko matandaan at saka ang sama ng tingin niya sa'kin." umupo rin ako at sumalumbaba sa harap niya.

"Tapos?" Tinitigan ko si Fiolee, ang ganda niya talaga.

"Marshall." 'yung maasul niyang mata at kulay mais niyang buhok.

"Uy tapos?" 'yung mahahaba niyang pilik mata at 'yung maliliit niyang ngipin saka 'yung mapula niyang pisnge.

"Hoy! Ano na? anong sinasabi mo?" nabalik ulit ako sa ulirat.

"Sorry-sorry," sabi ko at ginulo ang buhok niya, ano ba 'to natutulala na ko.

"Tapos ano, sabi niya sa'kin kilala niya daw ako, halimaw daw ako." sumeryoso na ang kapaligiran at pareho kaming na tahimik.

"Anong itsura niya?" Napaisip ako,

"Matanda na siya mukhang fifty plus pero matipuno pa rin 'yung pangangatawan niya at may bigote siya kulay asul ang mata at napakalaking tao." napaisip si Fiolee.

"Para namang si tito Howard 'yan." na patayo siya bigla.

"Oo nga pala tatawagan ko pa si tito Howard tiga dito lang din kasi siya sa Manila eh wait." napangiwe ako, nakalimutan niya na 'yung pinag uusapan namin parang baliw.

Mabilis siyang tumakbo sa kwarto at narinig kong kinakausap niya na 'yung tito niya, siguro kaya rin kampante si tita Fionna na iwan sa'min si Fiolee dito sa Manila dahil andito rin naman 'yung tito niya na kahit anong oras pwede niyang tawagan.

Hindi ko pa nakikita 'yung tito Howard pero siguro malapit ko na rin siyang makilala.

❦❦❦

"Larada dadada ~ Im gonna berry you in the ground." ang tagal naman nito maligo.

"Dalian mo Fiolee! Na jejebes na ko kanta pa ng kanta eh!" Kinatok ko 'yung pintuan ng CR, namamadali na ko dahil sakit na talaga ng tyan ko kahit mamaya pa ang pasok ko mga 10am siya mamayang 8am.

"Wag kang magkakalat d'yan saglit lang!" Nangasar pa.

"Dalian mo at baka sumabog na 'to!" Narinig ko ang malakas na tawa niya sa kabila ng pinto at maya-maya ay lumabas na siya na nakabihis na.

"Oh 'yan na HAHAHA." sinamaan ko siya ng tingin at namadaling pumasok sa loob ng CR habang hawak-hawak ko ang pwet ko.

Saglit lang din ay nakaraos na ko at lumabas ng CR, nakita ko siyang nag susuot na ng medyas niya.

"Ey intay sabay na ko," sabi ko sa kaniya at hindi man lang ako nililingon.

"Mamaya pa ang pasok mo, magpahinga ka muna kung gusto mo," sabi niya at kinuha na ang bag niya.

Your Blood Is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon