CHAPTER 47

7.2K 268 10
                                    

MARSHALL's POV

Nakaupo lang ako dito at nakatingin kala Prince habang sinasayaw niya ang prinsesa ko.

Walang halong selos at bahid ng takot sa'kin na makita silang dalawa, Bakit?

KasI may tiwala ako kay Prince at higit sa lahat kay Fiolee, dati selos na selos ako pag nakikita ko silang dalawa pero ngayon natutuwa ako para kay Prince kasi kahit hindi niya sa'kin aminin alam kong mahal niya pa rin si Fiolee, napaka buti niyang kaibigan dahil itinaya niya ang sarili niyang kasiyahan para saming dalawa.

Kahit masakit sa kaniya tinanggap niya na talo na siya at imbes na lumayo siya pinagpatuloy niya lang ang pagkakaibigan na mayroon kami at talagang iniingatan niya si Fiolee.

Swerte namin at naging kaibigan namin siya.

"Marshall bakit hindi ka nag sasayaw?" Tanong sa'kin ni Julienne nakakaupo lang at pinilit niyang isayaw siya ni Angelo.

"Ah mamaya na pag last dance na haha." napatingin siya sa'kin ng masama.

"As in hindi mo man lang kami isasayaw?" Tumango ako at ngumisi sa kaniya.

"Si Fiolee lang isasayaw ko pasensya na." tumawa siya at tinapik ako.

"Over kana haha, pero Marshall thanks talaga dahil inaalagaan mo si Fiolee." lumapit siya sa'kin at bumulong.

"Sana lang wala kang gagawin na ibang bagay dahil alam mo na." tumingin siya sa'kin nang nakakaloko.

"Kasi magkasama kayo sa iisang bubong." tumango ako at nakaramdam ng takot sa tingin ni Julienne.

"Good." grabe daig niya pa si tita Fionna kung manakot at magbanta.

Nagkwentuhan kami at kumain ng kumain, nung sabihin nang last sweet dance na daw dahil mag uumpisa na ang party ay tumayo na ko at inilahad ang kamay ko kay Fiolee.

Nagtinginan silang lahat sa'kin at pinag-aasar ako.

"Yun tumayo din," sabi ni Jonas at panay ang hampas sa'kin.

"Ngalay na pwet niyan kakaupo," sabi naman ni Shun

"Sayaw na." matamlay na sabi ni Jude at kinuha naman ni Fiolee ang kamay ko at tumuloy kami sa sayawan.

Nakakatuwang sumunod sila Prince at Reyly, Julienne at Shun at si Jude kasama ang girl friend niya.

Isinayaw naman ni Dexter si Angelo at nagtawanan kami sa mga 'yun tanging si Jonas lang ang na tira sa table at pinasak lahat ng pagkain sa kaniyang bibig habang masama ang tingin saming lahat.

Nag simula na kaming sumayaw ni Fiolee.

My eyes are no good blind without her
the way she moves I'd never doubt her
when she talks she somehow creeps into my dreams.

Nangangatog akong hinawakan ang kamay niya at inilagay ang kabila kong kamay sa bewang niya.

Kahit ilang beses ko nang nahahawakan ang kamay niya parang unang beses lang palagi ang nararamdaman ko.

She's a doll, a catch, a winner
Im in love with no beginner
could ever gross or understand
Just what she means

Nakikita ko siyang nahihirapang abutin ako, natatawa tuloy ako dahil kahit naka heels na siya hirap pa rin siya dahil maliit siya.

Pero hindi 'yun nakabawas sa pag kagusto ko sa kaniya, masyado siyang maganda at perpekto sa paningin ko.

Baby baby blue eyes
stay with me by my side
Till the morning, though the night
Oh baby, stand here holding my sides
Close your baby blue eyes
Every moment feels right

Nakatinge siya sa'kin at ako nakatitig lang sa kaniya, hindi ko talaga lubos maisip hanggang ngayon na magiging akin siya, parang isa siyang blessing at pangarap ko na nakuha ko instantly ng walang kahirap hirap.

GOD Thank You sa blessing na mayroon ako ngayon salamat talaga.

And I may feel like a fool
but I'm the only one dancing with you

Walang nag sasalita sa'min, siguro parehong lumulutang ang mga isip namin sa saya, sana 'yung mga gantong pangyayari ay wag matatapos.

Sana lahat ng masasayang bagay na nangyayari walang kapalit.

I drive her home when she cant stand
I'd like 'to think I'm a better man
For not letting her do what she's been know 'to do

Ngumite ako sa kaniya at sinandal niya ang ulo niya sa dibdib ko.

Naririnig niya kaya 'yung tibok ng puso ko?

She wears heels and she always falls
I'd like 'to think she's a-know-it-all
But what ever she does wrong
It seems so right
My eyes don't believe her
But my heart swears by her

"Marshall salamat." nakatingin lang ako sa kaniya.

"Para saan?" Inangat niya ang ulo ny para makita ako.

"Dahil mahal mo ko." parang tumalon 'yung puso ko sa saya nung sinabi niya 'yun.

"Tsss." 'yun na lang na sabi ko dahil sa hiya at kilig.

Baby baby blue eyes
Stay with me by my side
Till the morning, though the night
Oh baby, stand here holding my sides
Close your baby blue eyes
Every moment feels right

Narinig ko siyang tumawa, siguro alam niya na nahihiya at kinikilig lang ako kaya ganun na lang ang na sabi ko.

Nag stay lang kami sa ganung posisyon, siya nakasandal sa'kin at ako naman hawak ang kamay at bewang niya, pwede bang humiling na wag matapos ang lahat ng 'to?

Pwede ba?

Pero syempre alam kong matatapos ang gabi na 'to pero ang pagmamahal ko sa kaniya hinding hindi, bampira ako mahaba pa ang lalakbayin namin, baka 'tong mga kasama namin ngayon ay maaring lumipas na pero kaming dalawa andito pa din.

Minsan naiisip ko kung sa ganun katagal eh mahal pa rin kaya ako ni Fiolee? Sa ganung katagal na panahon ba hindi kukupas ang pag-ibig niya?

Sana hindi. .

❦❦❦

Natapos ang party at 4am na kami nakauwi sa kaniya-kaniya naming bahay, wala naman kaming pasok dahil nga sa kakatapos lang ang party at lahat kami pagod kahit mga prof namin.

Ano kayang magandang gawin ngayon?

Sinilip ko sa kwarto niya si Fiolee na himbing na himbing ang tulog, buti pa 'to nakatulog samantalang ako 'to mulat na mulat pa din.

Umupo ako sa sofa at nakita ko 'yung phone niya nag riring. Kinuha ko 'to at binasa ang nasa screen.

Tito Howard? Sasagutin ko ba? Oh hayaan ko na lang siya ang sumagot?

Kaso tulog si Fiolee at alam ko wala siyang load, isa pa may kung anong umuudyok sa'king sagutin ito.

"Hello." mga ilang minuto bago sumagot ang nasa kabilang linya.

"Ikaw ba si Marshall?" Malumanay pero malaki ang boses nito, teka parang narinig ko na ang boses niya kung saan.

Saan nga ba?

"Ah opo," sabi ko na lang kinakabahan kasi ako hindi ko pa siya kilala.

"Na saan si Fiolee?" Matipid niyang sagot.

"Tulog po eh, may ipapasabi po ba kayo sasabihin ko na lang po pag na gising na siya." nagbuntong hininga siya bago sumagot.

"Hindi wag na tatawag na lang ako mamaya sige bye." hindi man ako nakapagpaalam ay pinatay niya na ang tawag.

Napabikit balikat na lang ako at humiga sa sofa.

Nakakapagod ang araw na 'to. 

TO BE CONTINUED

Your Blood Is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon