FIOLEE's POV
Linggo ngayon at wala talaga akong magawa sa bahay, nakakatamad at the same time nakakaantok. Idagdag mo pa 'yung mga lumang kanta sa radyo kaya talagang aantukin ka na para bang ayaw mo na bumango sa kama.
"Hayss." buntong hininga ko habang nakatingin ako sa kisame ng kwarto ko.
"Ano kayang magandang gawin ngayon?" para akong baliw dito na kinakausap ang sarili ko, tumayo ako at nagpunta sa CR maliligo na lang ako at bibili ng pagkain.
Kaya nung na tapos ako maligo ay dumaretsyo na ko sa isang convenience store malapit sa samin.
❦❦❦
"Ano nga ba 'yung bibilhin ko? hmm." nag pili-pili ako ng nga chitchirya, na pansin ko 'yung band aid sa darili ko na-alala ko tuloy 'yung kahapon. Kung pano niya pinigilan ang pag dudugo nito. Ito na naman 'yung puso ko ang bilis ng tibok, Hindi pwede to! hindi ako pwedeng mainlove kay Marshall isa pa si Prince ang crush ko 'di ba? Si Prince lang Fiolee si Prince!
"Oo tama si Prince lang si Prince." pagkukumbinsi ko sa sarili ko.
"Fiolee?" napalingon ako sa lalaking nasa gilid ko, at si Prince nga! tadhana nga naman kung suswertihin hihi!
"Ah eh hehe andito ka rin?" ngumiti siya saka kinuha 'yung piatos.
"Tara upo tayo," sabi niya at 'yun sumama ako sa kaniya pagkatapos kong piliin ang mga bibilhin ko. Naupo kami sa vacant na upuan sa loob ng store.
"Iyan lang ba bibilhin mo?" tanong ko
"Oo napadaan lang ako dito, ang totoo kasi niyan dapat pupunta ako sa school dahil nakalimutan ko doon 'yung isa kong libro hiniram ko lang 'yun eh." tumango na lang ako.
"Pwede mo ba kong samahan papunta doon Fiolee?" ngumiti siya sa'kin enebe kinikilig ako hahaha. Pero hindi katulad ng pagtibok ng puso ko kay Marshall. .
"Ay sige okay lang tutal doon din naman ako dadaan pauwi." pero sa totoo lang mapapalayo ako pag doon ako dumaan pero hayaan mo na minsan lang naman 'to. Kaya nung na tapos kami kumain ay demartsyo kami sa school pero hindi pa lang kami nakakalapit sa gate ay ang dami ng tao at mga pulis.
"Grabe ang pagpatay, parang kinain siya ng isang hayop," sabi ng isang officer.
"Pero bakit ganun? dugo ang nawala sa kaniya hindi naman laman loob?" tugon ng isang pulis habang hawak-hawak niya 'yung maliit na note book niya.
"Nung nakaraang buwan din may nakita kaming ganito sa iskinita malapit sa simbahan pero hindi ganito kaburtal." nakiusisa na kami ni Prince dahil sa mga narinig namin. Nalaman namin na si Earleen pala ang patay, isa sa mga bully sa school namin. Natagpuan siyang patay sa likod ng building ng mga 2nd year malapit sa garden. Kinilabutan ako dahil sabi nila halos humiwalay daw ang ulo nito sa leeg. Grabe naman ang nangyari sa kaniyan, hindi kaya isa sa mga kagalit niya ang gumawa sa kaniya nito?
"Tara na Fiolee wag na tayo makiusisa pa dito tutal nakuha ko na rin 'yung libro." pag aaya ni Prince, ayaw niya rin kasi makakita ng dugo kaya siguro namutla siya.
Hinatid niya ko papauwi at umalis na rin siya kaagad. Hindi pa rin nawawala sa isip ko 'yung nangyari sa school, kahit naman ginawan ako ni Earlenne ng masama dati eh 'di pa rin 'yun sapat para gawin sa kaniya 'yun ng pumatay sa kaniya. Hindi kaya aswang 'yun o kaya Bampira? nakakatakot naman.
"Nak saan ka galing? hindi mo ba narinig 'yung nangyari sa school niyo?" pag-aalala ni mama.
"Sa 7'11 lang ma, alam ko na po dahil nagkakagulo sa school ng mapadaan ako." napabuntong hininga siya at napaupo.
BINABASA MO ANG
Your Blood Is Mine
VampireFiolee Hernandez- isang simpleng dalaga na nais lang naman siyang i-crush back ng crush niya, pero nagbago ang tahimik na buhay niya nang isang gabi ay nalaman niya na 'yung kababata niyang si Marshall ay bampira na. Kasama ang crush niyang si Prin...