FIOLEE's POV
Pumunta kami ni Marshall kala Prince na mukhang mga basang sisiw, buti na lang kamo at wala akong dalang cellphone or buong pera na pwede mabasa.
Enjoy naman ako sa ginagawa namin at kahit pinagtitinginan kami ng mga tao wala kaming paki basta masaya kami.
Ano nga bang paki nila? Basta masaya kami at wala kaming nasasagasaan na iba sa gingawa namin ay itutuloy lang namin 'to, e-enjoyin na namin ang mga natitirang araw sa lugar na 'to, dahil sa pasukan doon na kami titira sa Manila.
"Fiolee sorry talaga." kanina pa 'yan gan'yan, paulit ulit nag so-sorry.
Napatawad ko na naman siya ng ganun kadali pero as in na takot talaga ako nun at napaiyak sa kaba. Naisip ko nga kung kakayanin ko pa kaya siyang mapatawad pag sumobra pa doon ang na gawa niya?
"Oo ayos na nga isa pa Marshall sisipain kita." nakakabwiset 'to.
"Basta sorry ah." napayuko siya at ito na naman ba kami mag dadrama sa daan?
Hinampas ko ang likod niya kaya napangiwe siya at napatawa naman ako.
"Wag kang OA Marshall, tara na kasi dalian mo." hinila ko damit niya at sumunod naman siya.
*ding dong*
Nakarating na kami kala Prince at ito mang buburaot kami ngayon.
"Prince!" Mga ilang door bell pa at bumukas din ang gate nila. Nakita ko si Prince nakapanjama suot ang salamin niya na talagang mas nagpagwapo sa kaniya at nakapayong sabay sabing.
"Eh?" Parang na gulat ata siya sa itsura namin haha.
"Anong eh eh eh? Tara dito." hinila siya ni Marshall palabas ng gate nila at inagaw 'yung payong niya 'yan tuloy na basa na rin siya.
"Teka teka bakit ba?" Tanong niya at na tawa na lang kami.
"Prince?!! Anak na babasa ka ng ulan! Oh my gosh my little boy!" Napatingin kami sa babaeng sumisigaw sa pintuan nila Prince, si tita Queen pala na alalang alala sa baby niya haha.
"Honey hayaan mo na," sabi naman ni tito King at tinapik ang balikat ni tita Queen.
"Nag eenjoy sila sa ulan oh, malalaki na sila hayaan mo na." tumango si tita pero parang naiiyak at hindi kayang makita si Prince na mabasa ng ulan.
"OA ni mama." napakamot na lang siya ng ulo at parang nahihiya sa ginagawa ng mama niya.
Pagkatapos nun ay umalis kami at nag lakad lakad, natatawa ako sa mga itsura namin ngayon, ako naka jacket pero basang basa na din, si Prince naka pajama at mukhang matutulog pa at si Marshall na halatang galing airport dahil sa porma niya ngayon. Kulang na lang eh 'yung maleta niya ready 'to flight na.
"Ano bang gagawin na'tin?" sabi ni Prince.
"Lilibutin ang buong bayan haha." kumunot ang noo ni Prince.
"While raining?" Tumango kami ni Marshall.
"Are you guy's sick?" Natawa ako para siyang na babaliw.
"Hindi! Ano ba wag kang OA trip na'tin 'to, tuwing bakasyon na'tin 'tong gagawin parang tradisyon haha," sabi ni Marshall, isa pa 'tong sira ulo eh.
"Tradisyon? Para saan?"
"Kasi tuwing bakasyon na lang na'tin 'to mabibisita, 'di ba sa Manila na tayo titira." nag nod ako, kampihan ko na lang 'tong si Marshall bahala na.
"May sakit na nga kayo." napabuntong hininga na lang si Prince at sumangayon samin.
Wala na naman siyang magagawa eh isa pa basa na kaming tatlo, itutuloy na namin 'tong sinasabing tradisyon ni Marshall.
Kung saan-saan kami nakarating, minsan uupo kami sa bench at kakain sabay magkukwentuhan, minsan naman maghahabulan na parang mga bata at magbabatuhan ng bato. Oo nagbabatuhan kami ng bato, tamaan tao daw sabi ni Marshall.
"Tara pahinga muna tayo." pag aaya ko isa pa pinagtitinginan na kami ng mga tao siguro iniisip nila na mga baliw kami or isip bata haha.
"Okay, tara gutom na rin ako." at umupo kami sa bench.
"Uwi na tayo pagtapos na'tin magpahinga," sabi ni Prince at pumayag na kami ni Marshall.
Naupo kami at nag pahinga, nagkwentuhan at kulitan na naman. Mga ilang minuto rin ang katahimikan ng nakakaramdam ako ng bigat ng katawan ko.
Ang bigat na ng jacket ko puro tubig na kase, kaya hinubad ko 'to at piniga.
"Fiolee na aala---." napatigil si Marshall sa pagsasalita ng humarap siya sa'kin.
"Naalala ang ano?" tanong ko naman na panay pa rin ang piga sa jacket ko. Grabe ang daming tubig kaloka ang bigat tuloy.
"Tignan niyo o--." napatingin ako kay Prince at napatulala rin siya sabay iwas ng tingin sa'kin.
"Teka bakit ba?" Tanong ko sa kanilang dalawa, nasa gitna kasi nila ako at pareho silang nakatingin sa magkabilang dereksyon.
Ayaw ba nila akong makita?
"Oy bakit?" Nagtataka na ko sa kanilang dalawa at parang namumula sila dahil halatang halata pati tenga na mumula na.
"Ah eh Fiolee," sabi ni Prince.
"Fiolee 'yung ano mo," sabi ni Marshall na hindi man lang ako nililingon.
"Ano ba? Hindi ako mang huhula." napipikon na ko ah.
"Ah kasi Fiolee 'yung ano mo bakat sa damit mo." 'yung ano daw? Napatingin ako at mahabanging Neptune! Bakat na pala ang bra at dibdib ko sa puting t-shirt ko. Nabasa kasi 'to kaya bumakat, kulay black pa naman 'yung bra ko.
Oh Lupa bumukas ka at lamunin ako ng buo!
Agad kong sinuot ang jacket ko at sinara ang zipper nito hagang leeg ko. Namula rin ako sa hiya ano ba 'yan parang nasilipan na rin nila ako. SAKLAP NAMAN!
Titiisin ko na lang na mabigatan sa jacket na 'to na puno ng tubig kesa makita nila ang ano ko. ARRGGGH nakakainis talaga.
"Tara na nga umuwi na tayo baka magkasakit na tayo nito." tumayo na kami ni Prince at sumunod kay Marshall. Pero bago kami maglakad lumingon siya kay Prince at kinuwelyuhan 'to.
"Anong nakita mo? UMAMIN KA!" Halos malaglag ang panga ko sa pinaggagawa ni Marshall. Lalo tuloy akong namula sa ginawa niya, hindi sa kilig kundi sa hiya pina-alala pa kasi,
"Sorry dude hindi ko naman gusto makita eh." ano daw? May nakita talaga siya?
"Napaka mo! Dukutin mo 'yang mata mo Prince at kainin mo!" Para silang mga bata na nag aaway.
"Ayoko nga, akin na lang 'yun at dude my sasabihin ako sayo." inaya niya si Marshall lumapit sa kaniya saka siya bumulong rito.
HELLO Andito ako! Andito rin 'yung pinag uusapan niyo.
"Ga*o ka napaka mo! subukan mo lang papangasin kita mistisong prinsepe ka!" Natawa si Prince at hawak ang tyan niya. Nag peace sign siya habang hindi mapigilan ang tawa niya.
Tingin ko inaasar ni Prince si Marshall at na tawa siya sa reaksyon nito.
Ano kaya 'yun?
"Tara na nga." umuwi na kami at na pag-usapan na mag ta-take na kami ng exam para sa university na papasukan namin.
Bukas sana lahat kami maging okay at sama-sama pa rin, panibagong pakikipag sapakaranan na naman 'to sa pag-aaral at makikisalamuha sa iba't ibang tao.
Iiwan na namin 'to,
Tumingin ako sa langit na ngayon puno na nang mga bituin.
Mamimiss ko ang lugar na 'to pag nag dorm kami nila Marshall. Sana maging okay ang lahat, sana kayanin namin kung anong mayroon sa college at sana pagbalik namin dito ganun pa rin kami.
Mahal ko siya, mahalniya ko.
TO BE CONTINUED

BINABASA MO ANG
Your Blood Is Mine
VampirFiolee Hernandez- isang simpleng dalaga na nais lang naman siyang i-crush back ng crush niya, pero nagbago ang tahimik na buhay niya nang isang gabi ay nalaman niya na 'yung kababata niyang si Marshall ay bampira na. Kasama ang crush niyang si Prin...