EPILOGUE

13.2K 323 70
                                    

EPILOGUE

May mga bagay na pagtinanggap mo ay magiging magaan ang loob mo.

At mayroon din naman na pagsisisihan mo na lang sa huli.

Pero para sa'kin, ang taong ito ay isang bagay na talaga namang 'di ko pagsisihan.

Kung ano siya.

Kung anong mayroon siya.

At ang buong pagkatao niya.

Lahat 'yun tanggap ko at hinding hindi ko itatanggi ang bagay na iyon, dahil kung ano siya ay kung bakit ako ganito kasaya ngayon.

Ang pagiging bampira ay hindi sumpa para sa'kin, basta wala kaming natatapakan na tao o nasasaktan para lang sa ikakasaya namin ay okay na ko doon.

Kung ano si Marshall ay kung ano rin ako ngayon.

At kung anong mayroon kami ngayon?

"Mama! Mama!"

"Oh hinihingal ka Marfie?"

"Si Rin kasi may dalang palaka!" Napalingon ako sa batang lalaking may hawak na palaka, madungis at puno ng putik ang mukhu.

"Tita Fiolee, palaka lang 'to eh." tumawa ako at tinapik ang balikat niya.

"Yes baby, frog lang 'yan pero kasi takot si Marfie d'yan eh." ngumuso ang batang lalaki.

"Ang arte mo talagang Marfie ka! Bakit kasi babae ka pa sana naging lalaki ka na lang din para magkalaro tayo." napatingin ako sa anak kong si Marfie, paiyak na siya at nagingilid ang luha.

"Panget ka Rin! Pangit!" Halatang napikon ang batang lalaki at biglang hinabol si Marfie kaya iyon.

Nauwi rin sila sa takbuhan at asaran saka sa huli ay magtatawanan, ganito kami tuwing sunday magkakasama sa park at naglalaro ang mga anak namin.

"Fiolee honey bebe mahal ko." napakunot ang noo ko sa lalaking tumawag at yumakap sa likod ko.

"Ang haba naman nun!" Natawa siya.

"Eh kasi simula pa nung mag jowa tayo wala man lang tayong endearment kaya ngayon hahabaan ko na haha." napangiti na lang ako at niyakap din siya.

"Alam mo kahit wala tayong tawagan ay masaya na ko basta mahal mo ko tama?" Tumango siya.

"Syempre naman ikaw pa ba?"

Ang kasiyahan ay mahahanap mo sa taong tanggap ka at tanggap mo.

Kung mahal niyo ang isa't isa walang makakahadlang kahit pa magkaiba kayo o magkahiwalay man kayo.

Dahil ang pagmamahal ay hindi makikta sa kung anong mayroon siya at ano ka, kung na saan siya at kung sobrang layo ba.

At syempre kahit kung kakaiba pa siya.

Lahat 'yun dapat matanggap mo.

Dahil.

Mahal mo siya

"Mama!" Napatingin kami sa anak namin na puno ng dugo ang labi at may itinatagong bagay sa kaniyang likuran.

"MARFIE! Bakit puno ka ng dugo?" Nataranta kami at lumapit sa kaniya.

"Na saan si rin?" Tinuro niya ang bata na hawak ang leeg nito at umiiyak.

"Marfie anong ginawa mo?!" Tinaas niya ang kanang kamay niya at pinakita sa'kin ang walang buhay na palaka.

"Kinagat ko si Rin at pinatay ko 'yung palaka hihi." tumawa siya ng inosente at may bahid na saya sa kaniyang labi na puno ng dugo.

Fin. 


BOOK II >>

AN : iyan tapos na ! Salamat po sa lahat-lahat ng nagbabasa at magbabasa pa, sa lahat ng sumubaybay at nag intay ng updates ko. Salamat po talaga.

dedicated to: drakdemonempress dahil sa bongga nIyang comment :)

© All rights reserved March 2, 2015


Your Blood Is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon