CHAPTER 7

26.4K 813 33
                                        

FIOLEE's POV

Andito na kami ngayon sa bahay nila Prince, na gulat si Prince kasi kasama si Marshall pero gaya ng inaasahan ko ngingite lang si Prince at pinapasok kami. Alam naman ng lahat ng taong nakakakilala sa kaniya na 'di siya nagagalit o nagtatanim ng sama ng loob sa kahit kanino. Kaya madami ding nahuhulog sa kaniya.

Nag start na kami mag compose ng kanta pero nang gugulo 'tong si Marshall eh. Napakaisip bata sarap ihagis sa bintana.

"MARSHALL!" Saka niya tinaas 'yung notebook para 'di ko maabot.

"HAHAHAHA abutin mo Fiolee!" inaasar niya talaga ako sa mga pinag gagawa niya. Pano kaya kami makakatapos ng gawain kung mang gugulo siya dito.

"Haha bagay kamo kayong dalawa." na tigilan kaming dalawa ni Marshall sa pag aaway namin nang biglang mag salita si Prince na kanina pa nakatingin at tawa ng tawa samin.

Bagay daw kami? sakit naman nun, masaya siguro kung sinabi niyang KAMI ang bagay.

"Wag mong sabihin 'yan Prince may nasasaktan hahaha." nababasa niya ba 'yung nasa utak ko? nakakahiya pag sinabi niya! lahat ata ng dugo ko pumunta sa mukha ko. Argh! subukan niya lang ilaglag ako kay Prince mapapatay ko siya!

Pasimple kong tinadyakan si Marshall sa paa

"Ano na naman Fiolee nangangalbit ka ba?" tanong niya at tumawa na naman.

"Prince 'to kasing si Fiolee may ano eh." pinanglakihan ko siya ng mata.

*subukan-mong-sabihin-papatayin-kita*

"HAHAHAHAHA." tawa na naman siya ng tawa, ang lakas niya talaga mang-asar!

"Ano 'yun Marshall? bakit may masasaktan sa sinabi ko?" inosenteng tanong ni Prince, ang cute niya talaga hihi!

"kasi 'tong si Fiolee ay." agad kong sinung-gaban 'yung mga nakakalat na papel at sinaksak ko sa bibig niya.

"Fpfioliee gaizvaoaanapBsuavakaoAb"

"Ha? ano may sinasabi ka? HAHA." Agad siyang tumakbo sa labas at dinuwa sa basurahan 'yung papel hahahaha

"Humanda ka sa'kin Fiolee dudurugin kita!" tawa ako ng tawa sa mukha niya parang ang haba ng tenga niya hahahahahaha

"Fiolee ba't parang duwende ata 'yung hugis ng tenga ni Marshall? 'di naman ganun dati 'yan ah." hu? pareho kaming napatitig ni Prince sa isat-isa at syempre kinilig ako pero sinantabi ko muna kasi para kaming minamaligno eh.

Sabay namin tinignan si Marshall na papasok sa pintuan galing sa baba ng bahay nila Prince.

"Ano? napopogian na naman kayo sa'kin? wag mong sabihin pati ikaw Prince inlove na?" nagkatinginan na naman kami ni Prince dahil wala na 'yung tenga na nakita namin kanina. Kinilabutan ako doon. Ano 'yun malik mata lang naming dalawa? imposible!

"Marshall mag patingin ka kaya sa albolaryo? Na eenkanto ka na ata eh." tumango tango si Prince at 'di pa rin namin inaalis 'yung mata namin sa tenga niya.

"Baka kayo ang naiingkanto! mag sulat na nga lang kayo ng kanta, dahil kailangan niyo kong talunin sa contest na 'yan."

"Ibig bang sabihin nun Marshall sasali ka din?" Masayang tanong niya kay marshal, masaya pa si Prince nun ha? ang galing kaya ni Marshall sa pagko-compose ng kanta tapos singer pa siya sa school namin.

"Oo! tamo tatalunin kita kaya bahala na kayo d'yan tsk." ang yabang talaga bwiset.

"Bahala na talaga kami dito kaya umalis kana Marshall maririnig mo pa 'yung ginagawa namin baka gayahin mo pa." nakacross arm pa ko nun ha para taray effect.

Your Blood Is MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon