MARSHALL's POV
"One hundred two." saka ko tinuro 'yung matandang dumaan.
"One hundred three," sabi naman ni Prince habang nakatingin doon sa kasunod nung matanda maglakad.
Napakaboring nag mga nangyayari sa'min dito ng mistisong prinsepeng 'to. Inaya niya kami ni Fiolee gumala pero hindi pwede si Fiolee dahil birthday ni papa niya at umuwi ang tito niya, so dapat pag seselosin ko siya dahil sabi ko mang bababae ako kaso ito nga. Walang Fiolee na nag te-text or nag-seselos sa'kin.
"Dude one hundred four." binatukan ko si Prince.
"Ano ba talaga ito lang ba gagawin na'tin dito? Magbibilang ng mga taong na daan? Putik naman Prince ang boring mo talaga." tumingin siya sa'kin ng masama at ngumisI.
"Gusto mo mag enjoy?" Nag buntong hininga ako.
"Hindi gusto ko nang umuwi." ako naman ang binatukan niya.
"Bawal! dahil walang Fiolee ngayon mang bababae na talaga tayo." nanlaki ang mata ko sa kaniya. SERYOSO? hindi ako marunong nun.
"Pass Prince taken ako," sabi ko at ngumisi sa kaniya. Mukha siyang na asar sa'kin.
"Dapat kasi ako ang taken eh, hindi ikaw." heto na naman kami.
"Wala eh ako ang mahal." haha wala talaga tayong magagawa dahil ako ang mahal.
"Oo nga eh ikaw ang mahal." Napatungo siya at na pabuntong hininga, nakaramdam naman ako ng awa sa kaniya kasi syempre tropa ko rin siya at bilang lalaki alam ko kung gano kasakit 'yun.
"Dude sorry." tinapik ko ang likod niya.
"Hindi ayos lang, siguro hindi lang talaga siya ang para sa'kin." tumango na lang ako.
"Tara mag libot-libot tayo sa mall?" Tumayo siya at umiling.
"Tara uwi," sabi niya at nakapamulsang naglakad.
Aba tignan mo 'tong isang 'to, parang baliw.
Kagaya nga ng sinabi niya umuwi na kami at ako nagbasa na lang ng mga cooking books na nasa bahay, tinitext ko rin si Fiolee pero mukhang busy eh.
Mga gabi na nung nag reply siya at sinabing kakauwi niya lang daw sa kanila kasama si mama at tito Howard niya. Mga ganung oras din pumasok si lolo James sa kwarto ko para sabihing nakahanap na siya ng unit na pagtitirahan namin ni Fiolee, medyo malayo daw sa school kasi baka pag nalaman nilang sa iisang bahay lang kami nakatira ni Fiolee eh isipin nilang live-in kami 'di ba?
Napahiga ako sa kama, ano kayang mayroon sa college? Masaya kaya 'yun? Tapos parang nahihiya akong isipin na kasama ko sa bahay si Fiolee nang kaming dalawa lang.
Kayang kaya namin mabuhay ng kaming dalawa lang? Pano kung maging si Renz siya? Pano kung hindi ko kayanin? At saka panibagong mga tao na naman ang pakikisamahan namin. Ano kayang mangyayari?
❦❦❦
"Mag iingat kayo ah." hinalikan ni tita Fionna si Fiolee sa noo at niyakap 'to nang napakahigpit.
"Opo ma lagi akong tatawag, mamimiss ko ang luto mo." nag yakapan sila at nag iyakan, mga tatlong linggo na rin nung tinawagan kami ng school na pasado daw kami sa exam at ito nga ilang araw na lang mag sisimula na naman ang klase kasi naghahanda na kami sa bago naming lilipatan.
"Isusunod ko pa 'yung ibang gamit mo wag kang mag alala kumpleto 'to pati 'yung big bear mo." tumango si Fiolee kay mama niya at humiwalay na ng yakap dito.
"Bye bye ma," sabi ni Fiolee na maluha luha.
"Ba-bye nak! Marshall mag iingat kayo doon at isa pa." lumapit siya sa'kin at binulungan ako.
"May tiwala ako sayo ha, wag mo sanang sisirain saka na 'yung mga ganung bagay pagtapos na kayo mag-aral o pagkasal na kayo." pakiramdam ko nag init ang mukha ko sa sinabi ni tita kaya na utal ako at tumango na lang sa kaniya.
"Good, okay ba-bye ingat kayo doon." niyakap niya ko at ako rin sa kaniya, sumakay na kami sa kotse at sinimulan nang mag maneho ni Jasper. Habang papalayo kami ay panay ang kaway ni Fiolee sa ina, iyak din siya ng iyak at nakarecover lang ata ng mga bandang malapit na kami sa Manila.
Nung nakarating kami sa unit namin at tinulungan kami ni Jasper mag bitbit ng mga bagahe, wala pang laman ang unit na 'to dahil 'yung mga gamit namin ay ibinabyahe pa daw sabi ni lolo. Masyado kasing madami kaya na tagalan silang ayusin.
"Baka mamayang hapon o gabi dumating ang mga gamit niyo master," sabi ni Jasper.
"Sige salamat." tumango ito at lumabas na ng pinto.
"Marshall akin 'yung kwarto malapit sa CR ah," sabi ni Fiolee na manghang manghang nilibot ang lugar, mula dito tanaw na tanaw ang buong shudad at napakaganda ng tanawin dito, siguro lalo na pag gabi puro ilaw.
"Marshall 'yung mga gamit?"
"Mamaya pa daw darating eh." inilagay ko sa tenga ko ang earphone ko at lumutang sa hangin, nakakapagod din ang byahe matutulog muna ko.
"Hoy Marshall." idinilat ko ang isa kong mata at tinanggal ang isang earphone ko.
"Matutulog ka?" Tumango ako at pumikit ulit.
"Pano ako?" Dumila ako sa kaniya at nakaramdam na lang ako ng mabigat na kamay na humampas sa tyan ko.
"Aray Fiolee ha, nang gigigil ka naman sa mga abs ko." pagbibiro ko.
Kaso lalo siyang na inis at na gulat ako ng sumakay siya sa'kin at umupo sa tyan ko. Ginawa ba naman akong duyan.
"Ah ganun osige patulog din." niyakap niya ko inihiga ang kalahati ng katawan niya sa'kin at 'yung mga binti niya ay hinayaan niyang nakalaylay.
"Ang bigat mo kaya." pero sa totoo lang napakagaan sa pakiramdam nitong pusisyon namin.
Naririnig niya kaya 'yung mabilis na tibok ng puso ko? Nakatapat kasi ang ulo niya sa dibdib ko. Baka masyadong obvious ang pagtibok ng puso ko.
"Bahala ka, ang sarap palang mahiga dito parang duyan." natawa ako sa sinabi niya at nilagay ko ang isang earphone sa tenga niya at natulog kami sa ganung posisyon.
Mga hapon na at ng magising ako at na gulat ako dahil wala na si Fiolee sa dibdib ko kundi nasa sahig na at mahimbing pa ding natutulog.
Nahulog siguro 'to buti na lang mababa 'yung pwesto ko kanina.
Binuhat ko siya at binakay sa likod ko, naghanap ako ng pwede niyang tulugan pero wala talaga eh, malilinis lahat ng mga damit namin at hindi niya naman 'to pwedeng tulugan. Ang sahig naman ay masyadong malamig at matigas kawawa naman siya kung hahayaan ko doon.
"Hmmm Marshall?" Kinusot kusot niya 'yung mata niya at dumilat.
"Gising na hapon na oh." mukhang na gulat siya dahil bakay ko na siya kaya agad siyang bumababa sa'kin at inayos ang itsura niya.
"Wala pa rin ba 'yung mga gamit?" Nag bikit balikat ako at chineck ang cellphone ko kung nag text sila lolo at mayroon nga, sabi daw ay malapit na ang truck na may dalang mga gamit.
Nag maryenda kami sa labas ni Fiolee at sakto pag dating namin andoon na sila nag iintay samin.
Nang makapasok kami sa unit ay tinulungan na nila kami mag ayos ng gamit ayon sa gusto namin, gumanda ang unit namin kaso sumikip dahil na rin sa mga gamit.
"Salamat po." nag paalam na kami sa mga nag ayos at umalis din naman sila agad, mga 8pm na ata kami nakatapos mag ayos ng mga gamit at saka nagpahinga.
"Marshall kaya na'tin 'to." out of somewhere bigla niyang sinabi sa'kin 'yun habang na nonood kami ng TV.
"Hahaha, oo naman basta mag kasama tayo." nakita kong namula siya at na gulat sa sinabi ko pero agad din siyang tumingin sa TV at nanood.
Mga 10pm na kami na tulog at na pagpasyahan namin bukas kami bibili ng mga gamit para sa school.
Simula na nang panumuhay namin dalawa ni Fiolee ng walang katulong o gumagabay sa'min, walang lolo James, walang tita Fionna at ate Ainah.
Sana makaya nga namin.
TO BE CONTINUED
BINABASA MO ANG
Your Blood Is Mine
VampirFiolee Hernandez- isang simpleng dalaga na nais lang naman siyang i-crush back ng crush niya, pero nagbago ang tahimik na buhay niya nang isang gabi ay nalaman niya na 'yung kababata niyang si Marshall ay bampira na. Kasama ang crush niyang si Prin...