FIOLEE's POV
"Ma kasama ba 'to?" sabay hulog ko ng okra doon sa niluluto niya.
"Hala dapat inuna mo 'yan kasi mas madaling maluto ang kangkong." napa nguso ako, wala talaga akong talent sa pagluluto puro pag papainIt lang ng ulam ang alam ko nakakainIs.
"Sorry ma." ngumiti siya sa'kin at kinuha ang sandok.
"Ayos lang 'yan nak, sa susunod ihuli mo 'yung madadaling maluto." Napabuntong hininga ako, nakakainis naman wala akong magawang tama at wala rin akong magawa.
Mag dadalawang linggo na ata ako dito kay mama at sa dalawang linggo na 'yun wala akong ibang ginawa kundi ang mag intay sa reply ni Marshall pero kahit Hi or hello lang wala talaga.
Okay lang kaya siya doon? Busy ba siya o may pinagkakaabalahan?
"Hayss." napabuntong hininga ako.
"Alam mo nak, enjoyin mo naman ang bakasyon mo, try mong dalawin si Prince sa bahay nila gumala kayo." napa salumbaba ako.
"Eh isa pa 'yun ma eh, sa next week pa uwi niya, at sabi ni Marshall susubukan niya daw two weeks uuwi na siya pero wala pa rin, lagpas na 'yung two weeks niya ng three hours ma." tuluyan na ko napayuko sa lamesa nakakainis naman kasi,
"Hahah namimiss mo na si boy friend mo nak?"
"Ahmm hmm." natawa siya at umupo sa harap ko.
"Unting tiis lang nak uuwi din 'yun kung ako sayo tawagan mo muna si Julienne at itry niyong mag shopping, here." inabot niya sa'kin ang credit card niya.
"Wooo ma, joke lang ayos lang kahit mabored ako basta wag lang masayang 'yang savings mo." tinapik niya ko.
"Hindi mo naman uubusin nak, mga one thousand lang ang pwede mong gastusin ha." napangite ako at niyakap siya.
"Okay ma thank you thank you!" Hinalikan ko siya at agad dinial ang number ni Julienne.
❦❦❦
"Babae saan ba tayo pupunta?" Tanong ni Julienne, suot namin 'yung couple best friend shirt namin hihi.
"Sa Lumina mall." napakamot siya ng ulo.
"May pogi ba doon?" Hinampas ko siya, harot talaga 'tong babae na 'to.
"Tigilan mo nga 'yan, Kawawa si Bruce d'yan sa ginagawa mo eh." nakita ko namang namula ang pisnge niya hihi affected ang bruha.
"Kadiri ka bhess." Na tawa ako, ayaw niya pang aminin na crush or siguro type niya na rin si Bruce.
"Fiolee?" Napalingon ako doon sa lalaking tumawag sa'kin. Nakita ko si Shun na naka jacket at pants na red.
"Oh my sino siya bhess?" Bulong sa'kin ni Julienne.
"Kakilala ko lang." nag iba ang mukha ni Julienne na parang ayaw maniwala.
"Weh?"
"Tigilan mo ko bhess." napahagikhik siya ng mahinhin.
"Fiolee kilala mo pa ko?" Napatawa naman ako.
"Hindi naman ako ulyanin Shun syempre kilala kita." napakamot siya ng batok niya.
"Ay sorry I thought so, Ammm saan kayo pupunta? Can I goin?" Siniko ako ng Julienne.
"Ano teh sama na siya?" ano pa bang magagawa ko nakakahiya naman kung paalisin ko 'tong isa na 'to. Kaya na pagbikit balikat na lang ako at tumango.
"Okay saan ba tayo pupunta?" Binuksan ko ang payong ko dahil tatawid kami at 1pm ngayon kaya tirik na tirik ang araw baka mamaya maging abo na lang ako dito.
"Alam mo girl nag tataka ako sa inyo ni Marshall mga takot ba kayong umitim? Tamo naka t-shirt ka nga na bigay ko nag jacket ka naman hindi ka naman kakainin ng araw neng." hinila niya 'yung payong ko kaya na tamaan ako ng napaka init na sinag nang araw.
Nakita kong na taranta si Shun at ganun din ako pero kahit anong kakaibang bagay walang nangyari sa'kin, kahit 'yung sunod thingy na nangyayari sa movie wala! As in parang normal na tao pa rin ako.
"Papaanong?" Na nganga si Shun ganun din ako, siguro dahil tao ang katawan ko pero ang hanap nito ay dugo rin ng tao?
"Anong papaano? Pinag sasabi niyo d'yan hindi na naman siya iitim agad saka ang OA niyo sa skin niyo ah sumali kana rin sa club nila Shun." sabi ni Julienne at hinila ang jacket ko.
"Iyan mas okay, sayang 'yung ganda ng t-shirt na 'yan kung matatakpan lang neng." napatawa ako at niyakap si Julienne. Grabe as in normal ako ang saya pwede akong maligo sa beach or magbabad sa arawan na hindi bumabadoy ang porma ko. Ang saya naman.
"Sorry bhess ito na irarampa ko na 'yung t-shirt mo." napatawa na lang din si Shun at sumunod samin.
Nag gala kami at bumili ng mga gamit na pareho kami, nilibre naman kami ni Shun sa pagkain kaya no worries kami gumastos hahaha.
Mga bandang mag gagabi nag siuwian na rin kami at nag paalam sa isa't isa. Pero sabi ni Shun ihahatid niya na lang daw ako kaya pumayag na rin ako, tinignan ako ng masama ni Julienne kaya natawa ako.
Habang naglalakad kami papunta sa bahay ay panay ang tingin ko sa cellphone ko, kasi baka mag text or tumawag na si Marshall eh.
Kaso wala pa din. .
"Hey ang astig nung nangyari kanina sayo." nakapamulsa niyang sabi sa'kin.
"Hindi ko rin alam na pwede pala ako sa araw haha." tumingin sa sa'kin kaya parang nailang ako at umiwas ng tingin sa kaniya,
"Isa pa walang nagbago sayo at hindi ka maputla katulad namin." napatango ako, tama siya parang ako pa rin si Fiolee.
"Mag iingat ka," sabi niya at hindi ko na pansin na nasa tapat na pala kami ng bahay namin,
"Sige salamat ikaw din." ngumiti ako at nag wave sa kaniya, inantay ko siyang makalayo sa bahay namin saka ako pumasok.
Wala si mama sa bahay at nakalock 'to kaya kinuha ko ang duplicate key ko at binuksan 'to.
Nilapag ko lahat ng gamit ko na napamili sa kama at inayos 'to, mamaya ipapakita ko kay mama 'to.
Nahiga ako sa kama at kinuha ang laptop ko, tinignan ko kung nag open or message si Marshall pero katulad ng dati ganun pa din.
Walang reply. .
"Tagal mo naman nakakainis ka." Na sabi ko na lang at pumikit na ko, Parang naiiyak ako kasi sabi niya susubukan niya daw ng two weeks lang pero hanggang ngayon wala pa rin siya,
Sinagot ko siya, nag date kami at 'yun na 'yun? Ilang araw pa lang namin nararanasan ang mag On tas parang wala na agad.
Hindi ako nagsasawa mag intay sa kaniya pero sobrang miss ko na siya.
Siguro sa two weeks naka ilang message na ko sa kaniya kada umaga tanghali hapon gabi at bago ako matulog nag memessage ako sa kaniya iba pa 'yung text ko sa phone niya.
Sana naman kahit isa lang doon replyan niya kasi masakit na ang kamay ko kakatype, masakit na ang mata ko kakatitig kung mag rereply ba siya at masakit na ang puso ko kakaintay.
Miss na miss na kita Marshall
Ano bang ginagawa mo?
Umuwi kana, please.
TO BE CONTINUED

BINABASA MO ANG
Your Blood Is Mine
VampirosFiolee Hernandez- isang simpleng dalaga na nais lang naman siyang i-crush back ng crush niya, pero nagbago ang tahimik na buhay niya nang isang gabi ay nalaman niya na 'yung kababata niyang si Marshall ay bampira na. Kasama ang crush niyang si Prin...