FIOLEE's POV
Kakauwi ko lang galing kala mama pagkatapos ko makipag-usap at ilibre ni Shun. Nag bonding kami ni mama at nag-usap tungkol sa pag-aaral ko sa college.
Naikwento ko rin kung gaano ka weird si Shun at sabi lang ni mama na mag ingat daw ako dahil kakakilala ko lang iyon at baka ma-ulit daw 'yung nangyari ay hindi niya na kakayanin.
Sinundo ako ni Jasper at bago ako matulog ay sinilip ko ang facebook ko kung nag message si Marshall pero wala pa rin. Siguro pagod 'yun sa byahe or nasa byahe pa rin? Ilang oras ba ang byahe patungo sa England?
"Hayyy." napabuntong hininga na lang ako at ipinikit ang mata ko.
Naalala ko 'yung nangyari kanina, kung isang kaaway si Shun bakit sobrang bait niya? Nilibre niya ko ng mga pagkain na talaga namang ngayon ko lang na tikman pero nagustuhan ko rin kaagad.
Tapos alam mo 'yung feeling na parang nakatagpo ka ng tropa mo instant in a one day. Ang gaan ng loob ko sa kaniya para rin siyang si Marshall pero hindi siya mahilig mang-asar.
Mabait siya pero ayaw niya aminin at kanina na dapa 'yung bata sa harap namin at dumugo ang tuhod nito. Nanginginig ako at ang laman ko ng makita ko ang sariwa at murang dugo nung bata kaya agad niya 'tong pinunasan at nilagyan niya ng panyo niya.
Buti na lang din kamo at agad dumating 'yung magulang nung bata at nag pasalamat sa'min saka umalis, kaya napigilan ko ang sarili ko at na gulat ako nung time na 'yun hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit at ngumiti sa'kin.
Parang sinasabi niyang wag ka mag padala d'yan sa sistema ng katawan mo kundi sundin mo ang gusto ng isip mo. Napahanga niya ko sa ginawa niya at hindi ko napansin na nakahawak pa rin siya sa kamay ko kaya agad ko 'tong binawi sa kaniya.
Nawala naman 'yung ilangan namin nung mga time na 'yun nung sabay kaming dumighay at nagkatinginan.
Sobrang tawa ko nun kasi hindi ko sinasadya tapos sabay pa kami kaya talaga feeling ko tropa ko na siya kasi napakagaan ng loob ko sa kaniya.
*Yawn*
❦❦❦
"Fiolee." naidilat ko ang mata ko at andito na naman ako sa kulay pulang kwarto na 'to, 'yung dating puti ay tuluyan nang naging kulay pula?
"Fiolee." mula ang boses sa ilalim ng tubig. Nakatapak ako sa ibabaw ng tubig at pagtatakang hindi ako lumulubog.
Parang ilang linggo o buwan ko na bang hindi ito na papanaginipan?
"Fiolee." lumuhod ako at tinignan ang tubig, nakita ko doon ang isa ko pang pagkatao nakangiti siya at pawang buhok niya lang ang tumatakip sa hubad niyang katawan.
"Renz?" Inilahad niya ang kamay niya sa'kin na parang inaaya ako para bumaba sa tubig.
"Tara samahan mo ko." inilahad niya ng malawak ang mga bisig niya sa'kin na parang sinasabing yakapin ko siya.
Lumuhod ako at inilubog ang kamay ko sa tubig, parang unti unting ako nito hinihila pababa at patuloy ding gumuguhit sa kaniyang labi ang matatalim na ngiti.
Natakot ako sa ngiting 'yun kaya agad kong hinila ang kamay ko ngunit naabot niya na ito at pilit akong pinapababa sa tubig.
"Bitawan mo ko!" Nakangiti pa rin siya at mula sa mga ngiting 'yun nag mula ang kulay pulang likido na agad ding kumalat sa tubig.
"Bitawan mo ko! Renz!" ngunit tuluyan niya kong na hila sa ilalim ng tubig at niyakap niya ko. Unti-unting binalot ng itim niyang buhok ang katawan ko at unti-unti rin akong nawawalan ng hininga.
"Renz."
"RENZ!" Hinihingal akong bumangon sa kama ko at pilit hinahabol ang hininga ko, natakot ako sa napaniginipan ko. Parang sinasakop ni Renz ang pagkatao ko.
"Fiolee!" Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nun si lolo James.
"Ayos ka lang ba?" Tumango ako.
"Narinig kita sumigaw." naglakad siya papalapit sa'kin.
"Wala po lolo nanaginip lang ako, wala 'yun lolo." tumango siya at tinapik ang ulo ko.
"Mabuti pa apo doon ka muna kay mama mo para masabi mo kung ano man ang nangyayari sayo, tawagan mo na lang ako pag may kinakailangan ka." naglakad siya papuntang pinto.
"Ipapahatid kita kay Jasper." at sinara niya ito, napabutong hininga ako.
Siguro nga mas okay kung kasama ko si mama para hindi ko maisip si Marshall o ano mang problema.
Isa pa miss ko na talaga siya.
Marshall umuwi kanakasi,
TO BE CONTINUED
BINABASA MO ANG
Your Blood Is Mine
مصاص دماءFiolee Hernandez- isang simpleng dalaga na nais lang naman siyang i-crush back ng crush niya, pero nagbago ang tahimik na buhay niya nang isang gabi ay nalaman niya na 'yung kababata niyang si Marshall ay bampira na. Kasama ang crush niyang si Prin...