MARSHALL's POV
Parang ang bigat?
Naalimpungatan ako bandang mga alas-tres ng madaling araw, minulat ko ang mata ko at tinignan ang nasa ibabaw ko.
Nakita ko ang isang babaeng may itim at mahabang buhok. Maputla ang balat at nakatingin ito sa'kin, 'yung mapupula niyang mata ay parang lalamunin ako sa tingen, ang mga labi niya na parang demonyo kung makangite at ang matatalas niyang pangil na kitang kita ko sa liwanag ng buwan.
"Gising ka na agad Marshall?" Bati sa'kin ni Renz, napabalikwas ako sa pagkakahiga at naitulak siya papalayo sa'kin.
Bumilis ang tibok ng puso ko at pinagpapawisan ako ng malamig, tinignan ko ang bintana namin at sinilip ang buwan.
Hindi naman full moon pero bakit siya naging si Renz?
"Wag kana magtaka mahal ko dahil na angkin ko na ang katawan ng babaeng pinaka mamahal mo." nanlaki ang mata ko at pawang sasabog ang ulo ko sa narinig ko.
Lumapit siya sa'kin at niyakap ako sabay bulong na.
"Akin na siya at ikaw din, akin na." kinagat niya ang leeg ko at napasigaw ako sa sakit.
"HINDI!!!"
❦❦❦
"Marshall? Anong nangyayari?" Napatingin ako sa babaeng nasa ibabaw ko at nakita ko si Fiolee na kinukusot ang mga mata niya.
"Fiolee?" Hinawakan ko ang mukha niya at pinagmasdan 'to.
"May muta pa ko," sabi niya at naghikab, napayakap ako sa kaniya sa sobrang saya, panaginip lang pala ang lahat at akala ko totoo iyon.
"Ano bang nangyayari sayo?" tanong niya. Umiling lang ako at pinisil ang pisnge niya.
"Ikaw ha minumulestya mo ko." pangaasar ko sa kaniya kaya agad ding namula ang mga pisnge niya.
"Ah eh ano kasi Marshall ano." nilapit ko ang mukha ko sa kaniya at sinabing.
"Araw-araw mo na kong molestiyahin kung gusto mo." saka ako ngumiti at halos umakyat ang lahat ng dugo niya sa mukha.
"Kapal mo! Natakot lang ako kagabi." tumayo na ko at dumaretsyo sa kusina.
"Sus palusot pa." saka ako nag mumog, nag aalburuto naman siya doon sa sofa at binato ako ng unan.
Napaka walanghiya talaga ng babae na 'to, pero okay na 'yung ganito kesa doon sa panaginip ko.
Nagluto na ko ng almusal namin at muli niyang hinusgahan ang luto ko katulad ng dati sabi niya masarap naman daw.
Wala na kong magagawa alam ko namang pinagtityagaan niya lang ang luto ko.
"Marshall saan tayo pupunta ngayon?" Napaisip din ako, saan nga ba?
"Ah alam ko na kala Prince," sabi niya na akala mo eh napakatalino niya nung naisip niya 'yun.
"May address ka ba ng bahay ng pinsan niya?" Sumimangot siya.
"Wala."
"Wala naman pala eh pano na'tin siya mahahanap aber?" Nag buntong hininga siya.
"Gala na lang tayo?" Pag-aaya niya.
"Ayoko papagudin mo na naman ako." sumuko na siya at umupo sa sofa.
"Movie marathon?" Bumuntong hininga ako.
"Kung nag papractice ka kaya mag drawing d'yan at ako naman magluluto-luto dito no? Ano sa tingin mo ayos ba? Tsk." napapalakpak siya at tumayo.
"Tama ka! Para magamit ko rin 'yung mga bagong colors at pencil ko!" namadali siyang nagtungo ng kwarto niya.
"Tamo 'yun hindi man lang nag walis ng bahay." napabuntong hininga na lang ako at hinubad ang apron ko.
Kinuha ko ang walis at nag walis sa bahay.
Nung matapos ako sa gawaing bahay naligo na ko at nagbihis, magluluto ako ng cookies binigay sa'kin ni tita Fionna 'yung recipe nun eh.
❦❦❦
Tanghalian na pero si Fiolee hindi pa rin nalabas sa kwarto niya kaya kinatok ko na siya para ayain kumain.
"Fiolee tara kain na tayo." walang sumasagot kaya binuksan ko ang pinto dahil hindi naman ito nakasarado.
Nagulat siya sa pagpasok ko at biglang tinago ang ginagawa niya.
Napatingin ako sa kaniya ng kakaiba at ngumiti siya sa'kin ng malapad.
"Ano 'yan?" Tanong ko at lumapit ako sa kaniya.
"Wala-wala! Labas kana!" Ngumuso ako at sinilip 'yung tinatago niya.
Mukhang papel 'yun at siguro nahihiya siya sa'kin ipakita ang drawing niya.
Bata palang kami hanga na ko sa mga drawings niya at kahit isa doon hindi niya sa'kin pinapakita, si tita Fionna ang nagpapakita sa'kin nito pag wala siya sa bahay nila or natutulog siya.
Mahilig siya mag drawing ng anime at mga damit pang babae, mga armor at mga iba't ibang halimaw. Pero cute pa rin tignan 'yung mga dinodrawing niya halatang babae ang gumawa.
"Hoy Marshall lumabas ka na sabi," sabi niya habang yakap-yakap niya pa rin 'yung drawing niya.
"Kakain na tayo kaya ikaw ang lumabas d'yan." naglakad na ko palabas ng kwarto niya, tsk makikita ko rin 'yang drawing niya.
Kumain na kami at nanood ng mga movie, ilan din 'yung siguro nakalima kami nung pang anim na napagpasyahan na namin mag maryenda.
"Marshall ang sarap nito parang luto ni mama." ngumiti ako at ginulo ang buhok niya.
"Binigay niya sa'kin 'yung recipe niya." ngumiti na lang siya at kinain 'yung gawa kong cookies.
"Ey Fio, bukas kukunin na na'tin yubg schedule na'tin 'di ba?" Tumango tango habang nakatingin pa rin sa TV at panay ang nguya.
"Tingin mo sabay 'yung schedule na'tin?" Umiling siya.
"Boko hondo." inagaw ko 'yung bowl ng mga cookies.
"Pwede lunukin mo muna 'yan bago ka mag salita ulit?" Nginuya niya ng mabilis ang kinakain niya at nilunok nyon.
"Alam ko kasi ang same ng schedule is 'yung mga accounting, graphic artist at mga educ eh." napasabunot ako sa buhok ko sa inis.
"Pano ako? Si Prince same kayo?" Tumango siya.
"Icheck na din na'tin bukas, malay mo mayroon same time ng break na'tin or uwian." napabuntong hininga na lang ako.
"Malas naman."
TO BE CONTINUED
BINABASA MO ANG
Your Blood Is Mine
VampiroFiolee Hernandez- isang simpleng dalaga na nais lang naman siyang i-crush back ng crush niya, pero nagbago ang tahimik na buhay niya nang isang gabi ay nalaman niya na 'yung kababata niyang si Marshall ay bampira na. Kasama ang crush niyang si Prin...