PRINCE's POV
Ilang linggo na ba lumipas nung na ganap 'yung acquaintance party namin?
Tatlo? Dalawa?
Malay ko ba, basta ang hindi lang lumilipas ngayon eh 'tong kakaiba kong nararamdaman.
"Prince ang tagal nila i-text ko na nga." kinuha ko 'yung phone ko at tinext si Marshall, nag masend ko na 'to na patingin ako kay Fiolee.
'Yung babaeng mahal ko dati? Dati nga lang ba o hanggang ngayon?
"Prince, Reyly, Shun wait lang ah sasamahan ko lang 'to si Julienne sa CR." tumango ako at tumayo naman si Shun.
"Ako rin teka bibili lang ako tubig." tinaas ko ang kamay ko para sabihing 'sige lang'
Ngayon na iwan na naman kami dito ni Reyly, si Reyly na kakaiba ang nararamdaman ko sa kaniya. Ito na naman 'yung sinasabing kakaibang feeling.
"Prince okay ka lang ba? Alam mo simula nung acquaintance parang nag iiba ka?" Napatungo ako nahihiya ako kay sa kaniya.
"Ah eh sorry 'di ko rin alam eh." simula kasi nung araw na 'yun, na realize ko crush? Oo tama crush ko nga siya siguro.
"Hahaha ayos lang 'yan." inabutan niya ko nung kinakain niyang chitchirya.
"Ah no thanks," sabi ko at tumingin sa labas.
"Naiilang ka sa'kin no?" Daredaretsyo niyang sabi at nakatingin maige sa mata ko.
Pinagpapawisan ako ng malamig sa kaba ah, kakaiba 'tong isang 'to mag pakaba feeling ko binabasa niya ang isipan ko kaya umiwas ako ng tingen.
"May iniisip lang talaga." tumingin siya sa'kin sabay tawa.
"Geh trip mo 'yan Kenneth eh," sabi niya kaya ako naman ang na patingin sa kaniya.
"Sabi ko sayo hindi ako si Kenneth. sino ba 'yun?" siya naman ang nailang at nag bago ang timpla ng mukha.
"Ah eh ano wala haha kamukha mo kasi," nag bikit balikat na lang ako at hindi na pinansin ang pagkakamali niya.
Aaminin ko habang tumatagal lalo siyang gumaganda sa paningin ko, 'yung pagtawa niya na labas lahat ng ngipen niya ay hindi nakakaturn off sa'kin kundi lalo pa kong natututurn on sa kaniya.
Minsan nga siya na ang na iisip ko hindi na si Fiolee.
Move on?
Nah ~ ayoko sa ganitong paraan, baka kasi maging panakip butas ko lang si Reyly at ang paghanga ko sa kaniya kung iyon ang pagbabasihan ko.
Kaya hahayaan ko na lang 'tong feelings ko kung saan mapupunta 'to o kung mawawala rin ba 'to.
Lumipas ang oras at klase na namin ngayon, parang nababagot ako at gusto ko ng mag uwian. Sila Fiolee kaya maagang maglalabasan? Kasama niya kaya si Reyly?
Kung ihatid ko kaya siya mamaya? Saan nga ba ang bahay niya hindi ko pa alam.
"Mr. Smith nakikinig ka ba?" Napatingn ako sa teacher ko na ngayon ay nakatitig sa'kin at inayos ang salamin niya.
Problema nito bakit nakatingin sa'kin?
"Mr. Smith?" Napakunot ang noo ko at saka lang ako na balik sa ulirat ng pagtaasan niya ko ng kilay.
"Ay sorry ma'am ano nga po 'yun?" Nagbuntong hininga si ma'am at nagtawanan ang mga classmate ko.
"This fast few days lagi kang tulala, may sakit ka ba?" Umiling ako.
"Then why? Laging wala sa focus ang utak mo sa lesson na'tin hindi ka naman ganiyan dati?" Oo nga, ewan ko rin eh.
"Baka inlove ma'am." sigaw ng isa kong classmate kaya nag simula na sila mangasar.
"Ow Mr. Smith inlove ka nga ata." pakikipagbiruan sa'kin ng teacher namin kaya pakiramdam ko namumula na ko, ikaw ba naman ilagay sa hot seat.
Inlove na nga ba ako?
Na tapos ang klase at namadali akong tumakbo sa katapat naming building which is building ng mga artist or graphic artist.
"Hey!" Bati ko kay Fiolee ng pagkalabas nila ni Shun.
"Oh Prince tara na," sabi niya at naglakad na.
"Wait si Reyly?" Napatigil siya at nilingon ako.
"Kanina pa umuwi, ahm LBM? Hehe." hindi mapakaling sabi ni Fiolee.
Napabuntong hininga ako, ano ba 'yan umuwi na pala siya ihahatid ko pa naman siya.
Napalingon ako kala Fiolee na may nakakalokong ngiti sa mukha.
"Fio iisa lang naiisip na'tin tama?" sabi ni Shun kay Fiolee at lalo 'tong ngumite.
"Yeah may kakaiba kay Prince haha." ano daw? sa'kin?
"Anong pinagsasabi niyo d'yan?" Hindi nila ako sinagot at nag simula na maglakad habang nagtatawanan.
"Ey ano nga?"
"Wala wala! mamaya ibibigay ko 'yung number ni Reyly sayo." humarap siya sa'kin.
"Kung gusto mo lang naman." ngumiti na naman siya nang nakakaloko at bumaliksa paglalakad.
"Ewan ko sa inyo," sabi ko na lang habang may gumuhit na ngiti sa mukha ko.
Ite-text ko na lang siya.
TO BE CONTINUED
BINABASA MO ANG
Your Blood Is Mine
VampirFiolee Hernandez- isang simpleng dalaga na nais lang naman siyang i-crush back ng crush niya, pero nagbago ang tahimik na buhay niya nang isang gabi ay nalaman niya na 'yung kababata niyang si Marshall ay bampira na. Kasama ang crush niyang si Prin...